09/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐+ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ณ๏ธโ๐๐
Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay buong pusong nakikiisa at sumusuporta sa One LGBTQIA+ Pasig sa pagsasagawa ng ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ก: โ๐๐ฆ๐๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ฉ ๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐จ๐ง, ๐๐ช๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง.โ
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa darating na Hunyo 27, 2026 (Sabado), mula alas-10:00 ng umaga sa Ayala Malls Feliz, Barangay Dela Paz, Pasig City, para sa isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang ng PRIDE. Tampok sa programa ang iba't ibang serbisyo at aktibidad na naglalayong itaguyod ang kalusugan, kabuhayan, at kapakanan ng komunidad, kabilang ang Free Medical Mission at ibaโt ibang health services, Job Fair at Employment Assistance, at marami pang iba.
Ito ay isang pagkakataon hindi lamang upang magdiwang, kundi upang higit pang palakasin ang kamalayan, pagkakaisa, at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay tungo sa isang lipunang ligtas, malaya sa anumang uri ng diskriminasyon, at nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat. Sama-sama tayong kumilos at tumindig, patuloy nating pagtibayin ang ating paninindigan para sa paggalang sa karapatang pantao, pagkilala sa pagkakaiba-iba, at pagbuo ng mga espasyong inklusibo at ligtas para sa bawat mamamayan.
Makiisa, makibahagi, at makipagdiwang habang patuloy nating isinusulong ang isang lipunang nagbibigay ng pantay na pagkakataon, ligtas na espasyo, at paggalang para sa lahat, ano man ang kasarian.