02/07/2025
Bawat saranggola,kahit kanya kanya,ay lilipad.Maaaring mahirapan sila sa pag-angat,ngunit dala nito ang pangarap na siyang dahilan ng paglago,pagkatuto,at maging sa panahon ng pagkabigo.May mga saranggolang nagnanais lumipad ng matayog sa kalangitan.
Darating ang puntong kanya-kanya na kayong tatahakin ng landas ng mundo.May mga pagkakataong matayog ang ating paglipad,pero may sandaling mahirap ang pag-angat,sumasabit,nahuhulog,at minsan ay nalilihis ng direksiyon.Iba-iba man ang ating tatahakin,iisa pa rin ang layunin;ang makalipad patungo sa pangarap na matagal na nating kinikimkim sa puso.
Walang makakatumbas na salita sa saranggola-na maaaring iba-iba ang kulay,laki,at tibay ng pagkakagawa,ngunit saan man ito dalhin ng hangin,dala-dala nito ang bulong ng pag-asa.Ang paalala na sa bawat paglipad,may layunin;sa bawat pag-ikot,may direksiyon;at sa bawat paglalakbay,may paniniwalang maaabot din natin ang tagumpay na matagal na nating pinapangarap.
-JEMARIE