09/07/2024
FAQ (Karaniwang Itinatanong)
Incoming Grade 7 SPFL Students
Q: Kailan po mag-e-enrol?
A: Maaari na pong mag-enrol sa paaralan mula ika-8 nu hanggang ika-4nh, Lunes hanggang Biyernes (maliban sa mga araw na itinakdang walang pasok).
Q: Saan mag-e-enrol?
A: Magtungo lamang sa gym ng SRNHS at hanapin ang representative or in-charge sa araw na iyon. Karaniwang makikita sila sa isang side ng gym, may nakalagay pong label bawat grade level.
Q: Kanino po maaaaring mag-enrol?
A: Lapitan lamang ang school representative at sabihin na sa G7 SPFL mag-e-enrol.
Q: Sino ang maaaring mag-enrol sa G7 SPFL?
A: Iyong mga nakapasa lamang ang maaaring mag enrol sa program na ito. Tingnan ang listahan dito sa page ng mga nakapasa.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=453703794078196&id=100083157370882
Maghintay lamang kung magkakaroon ng slot para sa mga pending at wala sa listahan.
Q: Ano-ano ang dadalhin sa pag-e-enrol?
A:
1. Photocopy ng PSA/NSO
2. Original card mula sa elementary
3. Kopya ng SF10 or Form 137 or permanent record mula sa elementary
4. 2x2 picture (kung mayroon)
PS. Siguraduhing malinaw ang ipapasang kopya
Q: Ano-anong gamit ang dapat ihanda para sa pasukan?
A:
*Mungkahi lamang ang mga ito.
9 na notebook (8 regular subject plus 1 foreign language notebook)
Ballpoint pen (Black preferably)
Bag na paglalagyan ng mga personal na gamit
Q: Anong mga subject mayroon sa G7SPFL.
A: Filipino, English, Math, Science, Araling Panlipunan, TLE, Values Education, MAPEH at Chinese Mandarin
Q: May schedule na ba ng pasok? Oras ng klase?
A: July 29, 2024 ang pasukan. Karaniwang maaga ang unang araw ng pasok, ika-7 ng umaga. Ang schedule ng bawat klase ay malalaman pa lamang sa pasukan na ang adviser ang magbibigay.
Q: Sino ang hahanapin sa unang araw ng pagpasok?
A: Hanapin si Sir Gerwin Cortez o magtungo sa kanyang silid sa unang araw ng pagpasok. May mga gabay na g**o na magtuturo sa inyo.
Kung may mga tanong pa na hindi nasagot sa itaas, maaaring mag-text sa bilang 091994318474. Magpakilala nang magalang, sabihin kung sino sila at ilagay ang tanong.
Halimbawa
Magandang araw! Ako po si Juan dela Cruz, (magulang, kapatid, lola/o, tita/o, mag-aaral na grade 7 sa pasukan). Nais ko lamang pong malaman o itanong ang kaugnay sa ________________.