09/22/2022
Bilang panimula, nais po naming bumati ng isang magandang araw sa inyong lahat.
Kami, ang supreme student government ng taong pangpaaralang 2021-2022.
Nais po naming ipahayag sainyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga nagtiwala upang kami po ay mapabilang bilang isang SSG noong taong pampaaralang 2021-2022. Isa po itong karangalan. Ito po ay dahil sa tiwalang ipinagkaloob ng mga taong naniniwala sa aming kakayanan katulad na lamang ng aming mga kaibigan, mga kaklase, mga g**o at higit po sa lahat ay ang ating Panginoong Diyos na patuloy na nagbibigay ng talino at lakas sa ating lahat.
Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng tiwala sa bawat isa amin. Hindi po namin makakalimutan ang isang magandang oportunidad na ito. Kahit nasa gitna tayo ng pandemya noong nakaraang taon ay nakakayanan natin malagpasan ang mga suliranin sa paaralan. Ito po ay ikikintal namin sa aming puso at isip na kami ay naging bahagi ng isang maganda at epektibong orginasisasyong ito.Ang mga aral na aming natutuhan,mga pagsubok na aming pinag daanan ay naging tulay upang kami ay matuto sa mga bagay na ito na maibabahagi namin sa aming kapwa mag-aaral."Mahirap man,Pero ang pinaka magandang bagay na nangyari ay ang makapag lingkod sa ingu ng buong puso at tapat" Mga ala-ala na hindi namin malilimutan at ang pamilyang nabuo sa pagsasamahang ito.
Maraming salamat din po sa aming ssg adviser na si Ma'am Jimverlyn Escalona. Salamat po sa inyong pag-alalay at paggabay sa amin. Sa aming punong g**o Ma'am Odette V. Espiridion salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa amin.
Muli, kami ang Supreme Student Government S.Y. 2021-2022 ay lubos ang na nagpapasalamat sa inyong lahat.