28/05/2024
ππ‘ππ π‘π πππ§ππ‘π π¦πππ¨π₯ππ§π¬ ππ¨ππ₯π ππ§ ππ’π¨π¦ππͺπππ, π πππ§ππ§ππ£π’π¦ πππππ‘π π©πππππππ§π’π₯πππ‘ π‘π π ππ¬ ππ©ππ₯πππ π‘π π΅π΅.ππ―π± π£ππ₯πππ‘π§ π¦π π£ππ‘ππππ ππππππ‘π π£πππ₯ππππ‘ π¦π ππ¨π’π‘π π₯ππππ’π‘ π
Magmamartsa bilang Valedictorian ang 18 anyos na si John Denmark Dispo Calinga sa graduation ceremonies ng Senior High School ng Mangaldan National High School sa Biyernes May 31, 2024 na may general average na 99.135.
Aminado si Denmark na tinutukan niya ang kanyang academics at bihirang sumama sa mga contest dahil na rin sa pagtitipid sa gastos. Sa 16 na subjects ni Denmark ngayong Grade 12 siya, apat dito ang may perfect grade na 100 habang ang lahat ng natirang subject naman ay 99 na grado. Pangungunahan niya ang Graduating Class of 2024 na binubuo ng 1318 estudyante mula sa Mangaldan at karatig na mga bayan.
Mula pa lang daw sa junior high school sa Regular Class ay palagi na raw siyang Top 1 sa kanyang Batch. Noong Grade 11 naman siya, nanguna rin bilang Top 1 sa buong Batch kung saan nagkamit siya ng With Highest Honors sa average na 98.22. Nagtapos din siyang Valedictorian sa Macayug Elementary School noong 2017.
Kwento ni Denmark, iniaalay niya ang kanyang tagumpay sa yumaong ama na nagtrabaho bilang security guard bago siya pahigain ng sakit na diabetes at tuluyang mamaalam dahil sa komplikasyon nito limang taon na ang nakalipas. Housewife naman ang kanyang ina. Tinulungan siya ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na isang g**o at isang call center agent para mairaos ang kanilang araw-araw na pamumuhay.
Nakapasa sa University of the Philippines College Entrance Test o UPCAT si Denmark pero waitlisted pa ito sa UP Baguio Campus. Pinag-iisipan pa niya kung anong kurso ang kukunin na pwedeng pre-medicine o pre-law course. Plano rin niyang kumuha ng entrance exam sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMSU), Pangasinan State University (PSU), at Saint Louis University (SLU).
Bilang Chairman ng Committee on Awards and Recognition sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan binabati po ng inyong lingkod πͺππππππππ π¨ππ
πππ πΊππππππ kasama ang aking asawa na si π³πππ πΊππππππ si Denmark at ang kanyang buong pamilya sa tagumpay na nakamit niya sa kanyang pag-aaral. Dasal namin ang tagumpay niya hindi lang sa pag-aaral kung hindi sa kanyang buhay.
Hindi man daw makakasama ni Demark ang kanyang ama sa pagmartsa sa kanyang graduation sa Biyernes, natupad naman daw nito ang bilin ng ama bago siya pumanaw at iyon ay makapagtapos muli bilang valedictorian sa high school.
14/11/2019
12/09/2019
08/08/2019
31/07/2019
31/07/2019
31/07/2019
31/07/2019
31/07/2019