24/08/2024
Mula kay Aishah kalugdan nawa siya ni Allah na nagsabi : O Mensahero ni Allah ; tunay na may mga taong dumarating sa amin na may dalang karne na hindi namin alam kung kanila bang nasasambit ang pangalan ni Allah sa kanilang pagkakatay nito o hindi, At sinabi ng Mensahero ni Allah sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan : Sambitin ninyo ang pangalan ni Allah at kainin ninyo ito... Inulat ni Imam Al-Bukhariy
*Maiintindihan mula sa Hadith na ito na hangga't ang karne ay kabilang sa mga ipinapahintulot kainin at mayroon tayong pagdududa kung ito ba ay kinatay sa Islamikong pamamaraan ay tinuruan tayo ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan kung anu ang ating gagawin, Kaya naman sa mga bagay na mayroon tayong pagdududa ay mainam na alamin natin kung may usapin o aral mula sa Qur'an at sa Sunnah ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan ang bagay na ating pinagdududahan para mapadali sa atin na maintindihan at maunawaan ang tamang turo at batas sa mga bagay na ito...
ang may Alam...