Taif University - Filipino Students

Directions

Taif University - Filipino Students An Official page of Fililpino Students in Taif University

الحمد لله رب العالمين 🤍🇵🇭🇸🇦Alhamdulillah, ligtas nang nakarating sa dormitory ng TAIF UNIVERSITY ang mga bagong estudyan...
31/08/2026

الحمد لله رب العالمين 🤍🇵🇭🇸🇦

Alhamdulillah, ligtas nang nakarating sa dormitory ng TAIF UNIVERSITY ang mga bagong estudyante mula sa Pilipinas .

Sa kanilang mga magulang, pamilya, at mga mahal sa buhay, huwag na po kayong mag-alala. Nasa mabuti at magandang kalagayan na po sila .

Nawa’y gabayan at pagpalain sila ng Allah sa kanilang pag-aaral, bigyan ng lakas at tiyaga sa paghahanap ng kaalaman, at ipagkaloob sa kanila ang tagumpay .

📢 Paalala para sa mga nakatanggap ng Qabul Mabda'i o Qabul Nihā'i sa Taif University,para sa ngayong taon 2026.Assalāmu ...
25/07/2026

📢 Paalala para sa mga nakatanggap ng Qabul Mabda'i o Qabul Nihā'i sa Taif University
,para sa ngayong taon 2026.
Assalāmu 'alaykum wa raḥmatullāhi wa barakātuh.

Sa lahat po ng nakatanggap ng Qabul Mabda'i o Qabul Nihā'i sa Taif University, hinihiling po namin na mag-message lamang sa Facebook account na ito ( https://www.facebook.com/profile.php?id=61591986567251 ).

Ang layunin po nito ay upang maipaalam sa inyo ang mga mahahalagang anunsyo at mga bagong updates na aming matatanggap mula sa unibersidad, upang sabay-sabay din naming maibahagi ang mga ito sa inyo.

Nais din po naming linawin na ang pagpapamensahe sa amin ay hindi para hanapan ng backer o palakasan sa idārah. Sa Taif University, walang palakasan sa proseso ng admission. Ang pagtanggap ay nasa kapahintulutan ni Allah at nakabatay sa opisyal na proseso ng unibersidad.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Nawa'y pagaanin ni Allah ang inyong paglalakbay sa paghahanap ng kaalaman at pagpalain ang inyong pag-aaral.

Jazākumullāhu khayran.

Alhamdulillah, Mubarak! 🌿Taos-pusong pagbati kina Sheikh ABDULRAHMAN D. ABDULNASSER (Buldon, Maguindanao del Norte) at S...
11/07/2026

Alhamdulillah, Mubarak! 🌿

Taos-pusong pagbati kina Sheikh ABDULRAHMAN D. ABDULNASSER (Buldon, Maguindanao del Norte) at Sheikh HAMDANI B. PANGANDAG (Maguing, Lanao del Sur) sa kanilang matagumpay na pagkakatanggap sa programang Doctorate sa Taif University KSA sa kursong (دكتوراة في الدراسات القرآنية)

Dalangin namin na pagpalain kayo ng Allah, dagdagan ang inyong kapaki-pakinabang na kaalaman, at pagkalooban kayo ng tagumpay sa bago ninyong yugto ng pag-aaral.

بارك الله فيكم ووفقكم لما يحب ويرضى

🎓 Maligayang Pagbati sa Ating mga Nagsipagtapos!Taos-puso naming binabati ang ating mga kapatid na matagumpay na nagtapo...
26/06/2026

🎓 Maligayang Pagbati sa Ating mga Nagsipagtapos!
Taos-puso naming binabati ang ating mga kapatid na matagumpay na nagtapos sa kanilang pag-aaral.

Master's Degree Graduates:
• ABDULRAHMAN D. ABDULNASSER
• DAUD A. AMBULA
• HAMDANI B. PANGANDAG
Nawa'y pagpalain kayo ni Allah at ipagkaloob sa inyo ang pagkakataong maipagpatuloy ang inyong pag-aaral hanggang Doctorate (Ph.D.), in shā' Allāh.

Arabic Language Program Graduates:
• KHAIR A. TAHJILUL
• AL-SHARIM A. ABDULLA
• MISSAEL P. USMAN
Congratulations sa inyong pagtatapos! Nawa'y sa darating na semestre ay makapasok na kayo sa Kulliyyah, in shā' Allāh.

Muli, pagbati sa inyong lahat! Nawa'y pagpalain ni Allah ang inyong kaalaman at pagkalooban kayo ng higit pang tagumpay. 🤍🎓

Eid Mubarak 🤍Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga panalangin at pagsamba.— Mula sa mga Pilipinong estudyante ng Taif Un...
27/05/2026

Eid Mubarak 🤍
Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga panalangin at pagsamba.
— Mula sa mga Pilipinong estudyante ng Taif University ✨

ملتقى الشعوب والثقافات 🇵🇭🇸🇦April 26, 2026
26/04/2026

ملتقى الشعوب والثقافات 🇵🇭🇸🇦
April 26, 2026

07/04/2026

Magkakaibang wika, magkakalayo man ng kinaroroonan pero iisang puso sa kapatirang Islam.

Huling gabi naming makapiling ka Ustadz…Sa aming kapatid na si ustadz Saddam Hasan Acmad , isa sa first batch na Pinoy d...
07/04/2026

Huling gabi naming makapiling ka Ustadz…

Sa aming kapatid na si ustadz Saddam Hasan Acmad , isa sa first batch na Pinoy dito sa Taif University—naging kuya at parang tatay ka namin sa pag-aaral dito sa Saudi.

Maraming salamat sa lahat ng oras, pagod, at malasakit. Nawa’y makauwi ka nang ligtas at makapiling ang iyong pamilya, at nawa’y pagpalain ng Allah ang lahat ng kaalamang iyong natamo.

Mananatili kaming magkakapatiran. Hanggang sa muli, in shaa Allah.

Alhamdulillah 🤍Sa pahintulot ng Allah, bukas — February 18  — ay simula na ng Ramadhan dito sa Saudi Arabia.Isang biyaya...
17/02/2026

Alhamdulillah 🤍
Sa pahintulot ng Allah, bukas — February 18 — ay simula na ng Ramadhan dito sa Saudi Arabia.
Isang biyaya na muli nating maaabutan ang buwan ng Qur’an, pag-aayuno, at pagpapatawad.
Nawa’y tanggapin ni Allah ang ating siyam, mga panalangin, at mabubuting gawa.
✨ Ramadhan Mubarak sa ating lahat!

Malugod naming binabati ang lahat ng nagsipagtapos! 🎓Ang inyong tagumpay ay bunga ng tiyaga, sakripisyo, at matibay na p...
10/01/2026

Malugod naming binabati ang lahat ng nagsipagtapos! 🎓
Ang inyong tagumpay ay bunga ng tiyaga, sakripisyo, at matibay na pananampalataya. Hindi naging madali ang inyong pinagdaanan, ngunit sa tulong ng Allah ﷻ at sa inyong pagsusumikap, kayo ay nagtagumpay.

Isang natatanging pagbati sa nag-iisang nagtapos ng كلية الشريعة – قسم الشريعة. Nawa’y gawing daan ng Allah ﷻ ang iyong kaalaman upang maglingkod sa ummah at maging gabay sa katotohanan at katarungan.

Gayundin, taos-pusong pagbati sa lahat ng nagtapos mula sa كلية الآداب وحدة تعليم اللغة العربية للناطقين بغيرها.
At sana ay papadaliin ng Allah ﷻ ang inyong mga susunod na hakbang sa kolehiyo.
نبارك لكم هذا الإنجاز، ونسأل الله أن يوفقكم، ويبارك في علمكم، ويجعله علمًا نافعًا، ويفتح لكم أبواب الخير والنجاح.

Address

Taif

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taif University - Filipino Students posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category