𝐌𝐚𝐡𝐚𝐊𝐊𝐚𝐝 𝐀𝐥𝐢 𝐀𝐥𝐢𝐊

𝐌𝐚𝐡𝐚𝐊𝐊𝐚𝐝 𝐀𝐥𝐢 𝐀𝐥𝐢𝐊

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐊𝐊𝐚𝐝 𝐀𝐥𝐢 𝐀𝐥𝐢𝐊, Education, Riyadh.

هذه الصفحة لا تنتمي لأي حزؚ أو جماعة، وانتما؀ها الوحيد لدين الإسلام على منهج أهل السنة والجماعة. وهدفها الأساسي هو ن؎ر المن؎ورات الإسلامية ؚاللغة
الفلؚينية من المصادر المعتمدة ؚإذن الله تعالى.

18/08/2025

ANG HATOL SA PANGUNGUTYA SA QUR’AN (حكم الاستهزاء ؚالقرآن)
_____
الحمد لله والصلاة والسلام الأتمان على رسول الله وعلى آله وصحؚه ومَنْ والاه.
Ang lahat ng Muslim ay nagkakaisa sa paniniwala na ang Salita ng Allah ay dapat igalang, dakilain, at hindi dapat lapastanganin o bastusin.
Ang Qur’an ay Salita ng Allah ﷻ, at ito ay isa sa Kanyang mga katangian. Ang Allah ﷻ ay laging nagsasalita kung nais Niya, ayon sa nakasaad sa Qur’an, Sunnah, at sinabi ng mga ‘Ulama.
Kaya, ang pangungutya sa Salita ng Allah ﷻ, o sa Kanyang Aklat (ang Qur’an), Ang sinumang sadyang nagpapababa ang kabanalan at paggalang sa Qur’an ay malinaw na lumalabas sa Islam, ayon sa napagkaisahan ng mga ‘Ulama, walang hindi sang-ayon dito. Sabi ng Allah sa Qur’an:

 وَلَ؊ِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَُؚ قُلْ أَؚِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنتُمْ تَسْتَهْزِ؊ُونَ * لاَ تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ َؚعْدَ إِيمَانِكُمْ  ]التوؚة: 65-66[.
(At kung sila ay iyong tatanungin [tungkol dito] katiyakang kanilang sasabihin: “Kami ay naghuhuntahan lamang at naglalaro [nagbibiruan].” Sabihin: “Ang Allah ba at ang Kanyang ayaat [kapahayagan] at ang Kanyang Sugo ang inyong kinukutya?”). At-Tawbah | Surah 9 verse 65

Ang marangal na talatang ito ay malinaw na nagsasaad na ang sinumang mangutya sa Allah ﷻ, sa Kanyang mga talata (gaya ng Qur’an), o sa Kanyang Sugo (si Propeta Muhammad ﷺ) — ito ay kufr (paglabas sa Islam), kahit pa itinuturing niyang tama ang kaniyang ginagawa o alam niyang mali .

Ang simpleng pangungutya sa mga nabanggit ay itinuturing na pagtalikod sa relihiyong Islam (Riddah), ayon sa napagkaisahan ng mga ‘Ulama, Kahit pa hindi niya sinadyang mangutya — halimbawa’y nagbibiro lamang siya o nakikipaglokohan.
Ayon sa isang hadith ni Abu Huraira (رضي الله عنه), narinig niya ang Propeta Muhammad (ﷺ) na nagsabi:

«إنَّ العَؚْدَ لَيَتكَلَّمُ ؚِالْكَلِمَةِ، مَا يَتََؚيَّنُ فِيهَا، يَهْوِي ؚِهَا فِي النَّارِ، أَؚْعَدَ مَا َؚيْنَ المَ؎ْرِقِ وَالْمَغْرِؚِ«. متفق عليه
“Minsan ang isang alipin (tao) ay nagsasalita ng isang salita, na hindi niya iniisip kung gaano ito kabigat, subalit dahil sa salitang iyon, siya ay mahuhulog sa Impiyerno, mas malalim pa sa pagitan ng silangan at kanluran.”

Ang Mabuti at Masamang Salita ay May Mabigat na Bunga — Lalo na Kung Tungkol Ito sa Salita ng Allah ﷻ.
Sinabi rin ng Propeta (ï·º) na nagsabi:

"إنَّ العَؚْدَ لَيَتَكَلَّمُ ؚالكَلِمَةِ مِن رِضْوانِ اللَّهِ، لا يُلْقِي لها ؚالًا، يَرْفَعُهُ اللَّهُ ؚها دَرَجاتٍ، وإنَّ العَؚْدَ لَيَتَكَلَّمُ ؚالكَلِمَةِ مِن سَخَطِ اللَّهِ، لا يُلْقِي لها ؚالًا، يَهْوِي ؚها في جَهَنَّمَ!. صحيح الؚخاري
"Minsan, ang isang alipin (tao) ay nagsasalita ng isang salita na kalugud-lugod س؎ Allah, ngunit hindi niya ito binibigyang pansin — ngunit dahil dito, itinataas siya ng Allah sa matataas na antas.
At minsan, ang isang alipin ay nagsasalita ng isang salita na nakakagalit sa Allah, at hindi rin niya ito iniintindi — ngunit dahil dito, siya ay mahuhulog sa Impiyerno."

Kaya kung ang ganitong mabigat na babala ay dahil lang sa isang salita, paano pa kaya ang isang taong nangungutya sa mga Salita ng Allah (ang Qur’an)?

PAGKAKAISA NG MGA ISKOLAR SA PAGKAKAFÍR NG PANGUNGUTYA SA QUR’AN (الإجماع على كفر الاستهزاء ؚالقرآن)
__________
Nagkaisa ang buong Ummah (sambayanang Muslim) na ang sinumang mangutya sa Qur’an, o kahit sa isang bahagi lamang nito — kahit pa isang talata lang — ay lumalabas sa Islam (kafír).
Ilan sa mga kilalang ‘Ulama na tahasang nagsabi ng pagkakaisang ito ay sina:

- Si Al-Qadi ‘Iyad (رحمه الله) Isa sa mga kilalang iskolar ng Islam, ay nagsalaysay ng pagkakaisa ng mga Muslim sa hatol na kafír (labas sa Islam) ang sinumang mangutya sa Qur’an o kahit sa isang bahagi nito. Sinabi niya:
"اعلم أنَّ مَنْ استخفَّ ؚالقرآن أو ؚالمصحف، أو ؚ؎يء منه، أو سَؚّهما... فهو كافِرٌ ؚإجماع المسلمين".
"Dapat mong malaman na ang sinumang manghamak o magbaba ng kabanalan ng Qur’an, o ng Mushaf (ang nakasulat na kopya ng Qur’an), o ng kahit anong bahagi nito, o ang magsalita laban dito... siya ay kafír ayon sa pagkakaisa ng mga Muslim."

- Si Imam An-Nawawi (رحمه الله) – Tahasan niyang binanggit ang ijmā‘ (pagkakaisa ng mga ‘Ulama) sa hatol ng kufr para sa sinumang manghamak sa Qur’an. Sinabi niya:
"وأجمعوا على أنَّ مَنْ استخفَّ ؚالقرآن، أو ؚ؎يء منه... كَفَر".
"Nagkakaisa ang mga iskolar na ang sinumang humamak sa Qur’an, o kahit sa isang bahagi nito... ay naging kafír (lumabas sa Islam)."

- Si Al-Qadi Ibn Farhun Al-Maliki (رحمه الله) – Isa ring kilalang iskolar, ay nagsalaysay ng pagkakaisa ng mga taong may kaalaman (Ahl al-‘Ilm) na ang sinumang manghamak sa Qur’an ay lumalabas sa Islam. Sinabi niya:
"ومَنْ استخفَّ ؚالقرآن، أو ؚ؎يء منه، أو جَحَده، أو حرفاً منه، أو كذَؚّ ؚ؎يء منه، أو أثؚت ما نفاه، أو نفى ما أثؚته على علم منه ؚذلك، أو ؎كَّ في ؎يء من ذلك، فهو كافر ؚإجماع أهل العلم".
"Ang sinumang humamak sa Qur’an, o kahit sa isang bahagi nito, o tumanggi rito, kahit isang titik lang, o nagsabing hindi totoo ang bahagi nito, o nagpahayag ng kabaligtaran sa sinasabi nito — habang alam niyang mali ito — o nagduda sa alinman dito, siya ay isang kafír (labas sa Islam) ayon sa pagkakaisa ng mga iskolar."

- Si Imam Ash-Shafi‘i (رحمه الله) – Isa sa mga pinakakilang iskolar ng Islam, ay nagsabi:
"... مَنْ ذَكَرَ كتاَؚ الله، أو محمداً رسول الله صلّى الله عليه وسلّم، أو دِينَ الله ؚما لا ينؚغي... فقد نقض عهده، وأُحِلَّ دمُه، وؚر؊ت منه ذمَّةُ الله عزَّ وجلَّ وذمَّة رسول الله صلّى الله عليه وسلّم".
"Ang sinumang magsalita tungkol sa Aklat ng Allah, o kay Muhammad — ang Sugo ng Allah (ﷺ), o sa relihiyon ng Allah (Islam), sa paraang hindi nararapat... ay winasak ang kanyang kasunduan (bilang Muslim), pinahihintulutang parusahan, at wala nang pananagutan sa kanya ang Allah at ang Kanyang Sugo."
Ipinahayag din na sinabi ni Imam Ash-Shafi‘i (رحمه الله) na nang tanungin siya tungkol sa isang taong nagbiro o nakipaglokohan tungkol sa alinman sa mga talata ng Allah, sinabi niya: ang sagot niya ay: "Ang taong ito ay kafír (lumabas sa Islam)."
At ginamit niyang patunay ang sinabi ng Allah sa Qur’an:

 قُلْ أَؚِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنتُمْ تَسْتَهْزِ؊ُونَ * لاَ تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ َؚعْدَ إِيمَانِكُمْ  ]التوؚة: 65-66[.
(Sabihin: “Ang Allah ba at ang Kanyang ayaat [kapahayagan] at ang Kanyang Sugo ang inyong kinukutya?” Huwag na kayong magdahilan [mangatwiran], katotohanan na kayo ay naging di-naniniwala pagkaraang kayo ay naniwala). At-Tawbah | Surah 9 verse 65-66

- Shaykh al-Islam Ibn Taymiyyah (رحمه الله) – Isa sa mga kilalang iskolar ng Islam, ay nagsabi:
"وليس لأحد استعمال القرآن لغير ما أنزل الله له... ثمَّ إنْ أخرجه مخرج الاستخفاف ؚالقرآن، والاستهزاء ؚه، كَفَر صاحؚه".
"Walang sinuman ang may karapatang gamitin ang Qur’an para sa anumang layunin maliban sa dahilan kung bakit ito ipinahayag ng Allah... At kung ginamit ito sa paraang nagpapakita ng paghamak o pangungutya sa Qur’an, ang gumawa nito ay naging kafír (lumabas sa Islam)."

Ito ang ilan sa sinabi ng mga ‘Ulama tungkol sa taong nangungutya sa Qur’an.
والله أعلم وصلى الله وسلم على نؚينا محمد وعلى آله وصحؚه أجمعين

30/07/2025

ؚِسْمِ اللهِ الرَّحْمنِ الرَّحِيمِ
LA HAWLA WALA QUWWATA ILLA BILLAH (لا حول ولا قوة إلا ؚالله)
Ang katagang "La hawla wala quwwata illa billah" ay isa sa mga dakilang pananalita na binigyang-diin sa mga hadith at may mataas na antas sa pananampalataya. Sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) kay Abu Musa Al-Ash'ari (nawa'y kalugdan siya ng Allah):
"ألا أدلك على كنز من كنوز الجنة: لا حول ولا قوة إلا ؚالله".
"Gusto mo bang ituro ko sa iyo ang isang kayamanan mula sa mga kayamanan ng Paraiso? Ito ay ang pagsabi ng: 'La hawla wala quwwata illa billah' — Wala nang lakas at kapangyarihan maliban sa pamamagitan ng Allah “.
Taglay din nito ang mga dakilang kahulugan sa pananampalataya, para sa mga tunay na nakakaunawa, bukod pa sa kahulugan nito tungkol sa tadhana (Qadar). Ilan sa mga ito ay:
- Ito ay pananalitang nagpapahayag ng paghingi ng tulong sa Dakilang Allah.
Ang sinumang humihingi ng tulong sa Allah — ang Kataas-taasan — ay tutulungan Niya sa pagtupad ng kanyang mga pangangailangan at sa lahat ng bagay na makabubuti sa kanya.
Ang paghingi ng tulong sa Allah ay kabilang sa pinakamainam at pinakadakilang uri ng pagsamba. Makikita natin ang kahalagahan nito sa Surah Al-Fatihah, kung saan iniutos ng Allah sa Kanyang mga alipin na sambahin Siya at humingi ng tulong sa Kanya araw-araw sa paulit-ulit na pagdarasal.
Tulad ng sinabi Niya sa Kanyang aklat:
في قوله تعالى: "إِيَّاكَ نَعُؚْدُ وإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ"

(Sa Iyo lamang kami sumasamba, at sa Iyo lamang kami humihingi ng tulong)
Ang talatang ito ay nagpapakita ng dalisay na paghingi ng tulong sa Allah lamang, dahil inuna ang "Sa Iyo lamang" sa pangungusap, upang ipakita na tanging Siya lang ang pinanggagalingan ng tulong.
Gayundin ang pananalitang: "La hawla wa la quwwata illa billah" — ito rin ay isang pagpapahayag ng dalisay na paghingi ng tulong sa Allah, at katulad ng kahulugan ng talatang nasa Surah Al-Fatihah.
- Pagkilala sa tatlong uri ng Tawheed (pagpapakatotoo sa Kaisahan ng Allah):
Ang sinumang nagsasabi ng “La hawla wa la quwwata illa billah” ay nagpapahayag at naniniwala na ang Allah lamang ang ganap na namamahala sa sansinukob — Siya ang nagpapagalaw ng lahat ayon sa Kanyang karunungan at kagustuhan. Walang nangyayari maliban sa pahintulot at kagustuhan Niya.
Inaamin din niya na ang Allah, na may ganitong katangian, ay ganap na walang pangangailangan sa Kanyang mga nilikha. Siya ay Ganap sa Kanyang Sarili, at may mga katangiang perpekto gaya ng kapangyarihan, kadakilaan, kalakasan, at karangalan.
Ang sinumang may ganitong paniniwala tungkol sa kanyang Tagapaglikha ay tungkuling sambahin Siya nang bukod-tangi, tumawag sa Kanya lamang, magtiwala sa Kanya, at umasa lamang sa Kanya — sapagkat nasa Kanyang mga kamay ang lahat ng bagay, Siya ang may lubos na kapamahalaan, at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.
Ang pananalitang “La hawla wa la quwwata illa billah” ay nagpapahiwatig ng ganap na pagtitiwala sa Allah, pagsuko ng lahat ng bagay sa Kanya, at buong pagpapasakop sa Kanyang kalooban. Kasama nito ang pagpapakita ng kababaang-loob at pagkilala ng pangangailangan sa Kanya. Sapagkat ang Allah ay Ganap sa lahat ng bagay, at ang tao ay lubos na nangangailangan sa Kanya, na wala siyang anumang kakayahan sa sarili niya.
Kabilang sa mga nagpapatunay ng kahalagahan ng pananalitang ito, at ng mataas nitong antas sa pananampalataya, ay ang maraming mga patunay na nag-uudyok sa atin na laging banggitin ito sa ating dila at isapuso ito ng taos, sapagkat ito ay punÃŽ ng kahulugan at biyaya.
- Natatanging kabutihan nito ay ang sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) na ito ay isang kayamanan mula sa mga kayamanan ng Paraiso.
- Isa rin sa mga natatanging kabutihan nito ay pinagtitibay ng Allah ang sinasabi ng taong bumibigkas nito. At kapag ang Allah mismo ang sumasang-ayon sa iyong pananalita, ito ay isang napakagandang senyales ng kabutihan, sa biyaya ng Allah.
Ayon kina Abu Sa‘id Al-Khudri at Abu Hurayrah (nawa’y kalugdan sila ng Allah), sila ay parehong sumaksi na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi:
"من قال: لا إله إلا الله والله أكؚر، صَدَّقه رؚه، فقال: لا إله إلا أنا وأنا أكؚر. وإذا قال: لا إله إلا الله وحده لا ؎ريك له، قال: يقول: لا إله إلا أنا وَحدِي لا ؎ريك لي. وإذا قال: لا إله إلا الله له الملك وله الحمد، قال: لا إله إلا أنا لي الملك ولي الحمد. وإذا قال: لا إله إلا الله ولا حول ولا قوة إلا ؚالله، قال: لا إله إلا أنا ولا حول ولا قوة إلا ØšÙŠ".
"Ang sinumang magsabi ng: ‘La ilaha illallah, wallahu akbar’ (Walang ibang diyos kundi ang Allah, at ang Allah ang Pinakadakila), sasabihin ng kanyang Panginoon: ‘Walang ibang diyos kundi Ako, at Ako ang Pinakadakila.’
Kapag sinabi niya: ‘La ilaha illallah, wahdahu la sharika lah’ (Walang ibang diyos kundi ang Allah lamang, walang katambal), sasabihin ng Allah: ‘Walang ibang diyos kundi Ako lamang, wala Akong katambal.’
Kapag sinabi niya: ‘La ilaha illallah, lahu’l-mulk walahu’l-hamd’ (Walang ibang diyos kundi ang Allah, sa Kanya ang kaharian at papuri), sasabihin ng Allah: ‘Walang ibang diyos kundi Ako, Akin ang kaharian at Akin ang papuri.’
At kapag sinabi niya: ‘La ilaha illallah, wa la hawla wa la quwwata illa billah’, sasabihin ng Allah: ‘Walang ibang diyos kundi Ako, at walang lakas o kapangyarihan kundi sa pamamagitan Ko.’ At sinabi rin ng Propeta ﷺ: "Ang sinumang nagsabi nito habang siya ay may sakit, at pagkatapos ay namatay — ay hindi kakainin ng apoy ng Impiyerno."
- At Kabilang sa mga kabutihan ng “La hawla wa la quwwata illa billah” ay na kapag sinabi ito ng isang tao habang siya'y lumalabas ng bahay, kasabay ng pagbigkas ng “Bismillah” at “Tawakkaltu ‘ala Allah” (Sa ngalan ng Allah, ako’y nanalig sa Kanya), siya ay lubos na tutulungan, poprotektahan, at gagabayan ng Allah.
Ayon kay Anas ibn Malik (nawa’y kalugdan siya ng Allah), sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:
"إذا خرج من ؚيته فقال ؚسم الله وتوكلت على الله لا حول ولا قوة إلا ؚالله فيقال له حسؚك قد كفيت وهديت ووفيت فيلقى ال؎يطان ؎يطاناً آخر فيقول له كيف لك ؚرجل قد كفي وهدي ووفي.
"Kapag ang isang tao ay lumabas ng kanyang bahay at sinabi:
‘Bismillah, tawakkaltu ‘ala Allah, la hawla wa la quwwata illa billah’,
may magsasabi sa kanya mula sa langit: ‘Sapat na ito para sa iyo. Ikaw ay napangalagaan, ginabayan, at tinulungan.’
Pagkatapos nito, makakasalubong ng isang Shaytan ang isa pang Shaytan at sasabihin niya: ‘Ano pa ang magagawa mo laban sa isang taong pinangalagaan, ginabayan, at tinulungan na?’”
- Kabilang din sa mga kabutihan ng “La hawla wa la quwwata illa billah” ay na ito ay pananim sa Hardin ng Paraiso.
Napatunayan sa hadith na noong ang Sugo ng Allah ﷺ ay isinakay sa Isra’ at Mi’raj (ang gabi ng paglalakbay sa langit), siya ay napadaan kay Propeta Ibrahim (Abraham) عليه السلام. Tinanong ni Ibrahim si Jibril (Gabriel): “Sino ang kasama mo, O Jibril?” Sumagot siya: “Ito si Muhammad.”
Pagkatapos ay sinabi ni Ibrahim عليه السلام kay Propeta Muhammad ﷺ:
“Ipag-utos mo sa iyong Ummah (mga tagasunod) na sila'y magsipagparami ng pagtatanim sa Paraiso, sapagkat ang lupa nito ay malawak at mataba.”
Nagtanong ang Propeta ﷺ: “At ano ang pananim ng Paraiso?”
Sumagot si Ibrahim عليه السلام: “Ang pagsabi ng: La hawla wa la quwwata illa billah.”

03/06/2025

فضل صيام يوم عرفة
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗬𝗚𝗡𝗢 𝗊𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗙𝗔𝗛 (𝗡𝗔 𝗊𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗞𝗔-𝟵 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗕𝗚𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗛𝗚𝗟-𝗛𝗜𝗝𝗝𝗔𝗛) 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗚𝗕𝗚𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗊𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡
______________
Isinalaysay ni Muslim mula kay Abu Qatadah na sinabi ng Propeta ï·º:
"صِيَامُ يَوْمِ عَرَفَةَ أَحْتَسُِؚ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَؚْلَهُ وَالسَّنَةَ الَّتِي َؚعْدَهُ". رواه مسلم
“𝗔𝗻𝗎 𝗜𝗮𝗎-𝗮𝗮𝘆𝘂𝗻𝗌 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗎 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵 𝗮𝘆 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗞𝗌 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗌 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗎𝗯𝘂𝗯𝘂𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗎𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗎 𝗻𝗮𝗞𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗎 𝘁𝗮𝗌𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗎 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗎 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗌𝗻." (Isinalaysay ni Muslim)

𝗜𝗊𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗬 (وقفة هامة للتأمل):
Isipin mo, kapatid sa Islam, kung gaano kalaki ang gantimpala ng Allah ﷻ — ang pag-aayuno lamang sa Araw ng Arafah ay nakakapawi ng mga kasalanan ng dalawang taon! Kaya napakapalad ng sinumang sinamantala ang araw na ito sa pag-aayuno, at iniwasan ang masasamang gawaing ikagagalit ng Allah ﷻ.
Huwag mo ring kalimutan na hikayatin ang iyong pamilya, pati ang mga kaibigan at kamag-anak mo, na makiisa sa pag-aayuno sa araw na ito.
Ipinahayag sa isang hadith ni Muslim na sinabi ng Propeta Muhammad (ï·º):
"مَنْ دَلَّ عَلَى خَيْرٍ فَلَهُ مِثْلُ أَجْرِ فَاعِلِهِ". رواه مسلم
““𝗔𝗻𝗎 𝘀𝗶𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗎 𝗻𝗮𝗎𝘁𝘂𝗿𝗌 𝗌 𝗻𝗮𝗎-𝘂𝗱𝘆𝗌𝗞 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗞𝗮𝗞𝗮𝘁𝗮𝗻𝗎𝗎𝗮𝗜 𝗻𝗎 𝗎𝗮𝗻𝘁𝗶𝗺𝗜𝗮𝗹𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗎 𝗎𝘂𝗺𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗌.”
Isinalaysay ni Muslim

𝗞𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗎𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗎 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗎 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵 (أهمية يوم عرفة):
Ang Araw ng Arafah ay isa sa pinakamabuting araw sa buong taon. Ito ay isang natatanging araw kung kailan tinatanggap ang mga panalangin. Isa rin itong araw ng kapatawaran at paglaya mula sa apoy ng Impiyerno.
Tulad ng nabanggit sa isang hadith:
"مَا مِنْ يَوْمٍ أَكْثَرَ مِنْ أَنْ يُعْتِقَ اللهُ فِيهِ عَؚْدًا مِنَ النَّارِ، مِنْ يَوْمِ عَرَفَةَ". رواه مسلم
"𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗎 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗎 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗎 𝗮𝗹𝗶𝗜𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗎 𝗜𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗎 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗜𝗺𝗜𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗌 𝗞𝗮𝘆𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗎 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵."
(Hadith – Isinalaysay ni Muslim)

𝖪𝖺𝗒𝖺 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇, 𝖺𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀-𝖺𝖺𝗒𝗎𝗇𝗈 𝗌𝖺 𝖠𝗋𝖺𝗐 𝗇𝗀 𝖠𝗋𝖺𝖿𝖺𝗁 𝖺𝗒 𝗆𝖺𝗒 𝗇𝖺𝗉𝖺𝗄𝖺𝗅𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗇𝗍𝗂𝗆𝗉𝖺𝗅𝖺 𝖺𝗍 𝗄𝖺𝗀𝖺𝗇𝖜𝖺𝗁𝖺𝗇𝗀-𝗅𝗈𝗈𝖻 𝗆𝗎𝗅𝖺 𝗌𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·». 𝖚𝗌𝖺 𝗂𝗍𝗈𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗀𝗄𝖺𝗄𝖺𝗍𝖺𝗈𝗇 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗌𝖺 𝗂𝗌𝖺𝗇𝗀 𝖬𝗎𝗌𝗅𝗂𝗆 𝗇𝖺 𝗅𝗂𝗇𝗂𝗌𝗂𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗇𝗒𝖺𝗇𝗀 𝗌𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗆𝗎𝗅𝖺 𝗌𝖺 𝗆𝗀𝖺 𝗄𝖺𝗌𝖺𝗅𝖺𝗇𝖺𝗇 𝖺𝗍 𝗆𝖺𝗀𝗁𝖺𝗇𝖺𝗉 𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗉𝖺𝗍𝖺𝗐𝖺𝗋𝖺𝗇.

02/06/2025

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗊𝗔𝗊𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗝𝗝 (أنواع النسك في الحج)
_________
Alam natin na ang pagsisimula ng Hajj (ihram) ay may tatlong uri: Ifrad, Qiran, at Tamattu.
Narito ang simpleng paliwanag:
𝟭) 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗟-𝗜𝗙𝗥𝗔𝗗 (حج الإفراد)
Ito ay kapag ang isang tao ay nag-ihram para lamang sa Hajj (walang Umrah).
Kapag dumating siya sa Makkah, siya ay magsasagawa ng Tawaf (pag-ikot sa Ka'bah) para sa pagdating (tawaf al-qudom), pagkatapos ay mag-Sa’i (paglalakad sa pagitan ng Safa at Marwah) para sa Hajj.
Hindi siya mag-aahit o magpuputol ng buhok pagkatapos nito, at hindi rin siya lalabas sa kanyang estado ng ihram. Mananatili siyang nasa ihram hanggang matapos ang pagtapon ng bato sa Jamrat al-Aqabah sa araw ng Eid.
Kung nais niyang ipagpaliban ang Sa’i ng Hajj hanggang matapos ang Tawaf ng Hajj, ay walang problema.

𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗟-𝗜𝗙𝗥𝗔𝗗 (خطوات حج الإفراد):
- Mag-ihram mula sa itinalagang Miqat, at sasabihin ng gumagawa ng Hajj al-Ifrad sa kanyang pag-ihram: “Labbayka Allahumma Hajjan”.
- Magsagawa ng Tawaf al-Qudum.
- Magsagawa ng Sa’i sa pagitan ng Safa at Marwah
- Panunuluyan sa Mina sa ikawalong araw ng Dhul-Hijjah.
- Pananatili sa Arafah sa ikasiyam na araw hanggang sa paglubog ng araw.
- Pagpunta sa Muzdalifah pagkatapos lumubog sa araw ng Arafah.
- Sa ika-10 araw, pagkatapos sumikat ang araw, isinasagawa ang pagtapon ng bato sa unang Jamrah (Jamrat al-Aqabah).
Pagkatapos nito, ang mga lalaki ay mag-aahit (halq) o magpuputol (taqsir) ng buhok, at ang mga babae naman ay magpuputol lamang ng kaunting buhok (gaya ng haba ng isang pulgada).
Sa puntong ito, puwede nang lumabas mula sa unang estado ng ihram – ito ang tinatawag na unang Tahallul.
- Magsagawa ng Tawaf al-Ifadah – kung nagawa na ang Sa’i noong pagdating (pagkatapos magsagawa ng tawaf al-qudum), hindi na kailangang ulitin. Pagkatapos nito, puwedeng lubos nang lumabas sa ihram – ito ang ikalawang Tahallul.
- Pagtapon ng bato sa tatlong Jamrah sa ika-11, ika-12, at ika-13 araw ng Dhul-Hijjah.
Pinapayagan ang Ta’jil (pag-alis nang mas maaga mula sa Mina) sa ika-12 araw bago lumubog ang araw.
- Mgsagawa ng Tawaf al-Wada’ – huling Tawaf bago umalis sa Makkah.

(𝟮) 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗟-𝗀𝗜𝗥𝗔𝗡 (حج القران)
Ito ay kapag ang isang tao ay nag-ihram para sa Umrah at Hajj nang sabay (mula sa simula), o nag-ihram muna para sa Umrah, at isinama ang Hajj bago simulan ang Tawaf ng Umrah.
Ang mga gawain ng “Qarin” taong gumagawa ng Hajj al-Qiran ay kapareho ng gawain ng “Mufrid” taong gumagawa ng Hajj al-Ifrad, maliban sa isang pagkakaiba:
Ang Qarin ay kailangang mag-alay ng "hady" (hayop na inihahandog), samantalang ang Mufrid ay hindi obligado sa hady.

𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗊𝗔 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗟-𝗀𝗜𝗥𝗔𝗡 (خطوات حج القران):
- Mag-ihram mula sa itinalagang Miqat, at sasabihin ng gumagawa ng Hajj al-Qiran sa kanyang pag-ihram:
“Labbayka ‘Umratan wa Hajjan, Labbayka ‘Umratan wa Hajjan”.
- Magsagawa ng Tawaf al-Qudum.
- Magsagawa ng Sa’i sa pagitan ng Safa at Marwah
- Panunuluyan sa Mina sa ikawalong araw ng Dhul-Hijjah.
- Pananatili sa Arafah sa ikasiyam na araw hanggang sa paglubog ng araw.
- Pagpunta sa Muzdalifah pagkatapos lumubog sa araw ng Arafah.
- Sa ika-10 araw, pagkatapos sumikat ang araw, isinasagawa ang pagtapon ng bato sa unang Jamrah (Jamrat al-Aqabah), at pagkatapos nito ay ang pagkatay ng "hady" (hayop na inihahandog).
Pagkatapos nito, ang mga lalaki ay mag-aahit (halq) o magpuputol (taqsir) ng buhok, at ang mga babae naman ay magpuputol lamang ng kaunting buhok (gaya ng haba ng isang pulgada).
Sa puntong ito, puwede nang lumabas mula sa unang estado ng ihram – ito ang tinatawag na unang Tahallul.
- Magsagawa ng Tawaf al-Ifadah – kung nagawa na ang Sa’i noong pagdating (pagkatapos magsagawa ng tawaf al-qudum), hindi na kailangang ulitin. Pagkatapos nito, puwedeng lubos nang lumabas sa ihram – ito ang ikalawang Tahallul.
- Pagtapon ng bato sa tatlong Jamrah sa ika-11, ika-12, at ika-13 araw ng Dhul-Hijjah.
Pinapayagan ang Ta’jil (pag-alis nang mas maaga mula sa Mina) sa ika-12 araw bago lumubog ang araw.
- Mgsagawa ng Tawaf al-Wada’ – huling Tawaf bago umalis sa Makkah.

(𝟯) 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗧-𝗧𝗔𝗠𝗔𝗧𝗧𝗚’ (حج التمتع)
Ito ay kapag ang isang tao ay nag-ihram para sa Umrah lamang sa panahon ng Hajj (mga buwan ng Shawwal, Dhul-Qa’dah, at bahagi ng Dhul-Hijjah).
Kapag dumating siya sa Makkah, isinasagawa niya ang Tawaf at Sa’i para sa Umrah, pagkatapos ay mag-aahit o magpuputol ng buhok, at lumalabas mula sa ihram.
Pagdating ng Yawm at-Tarwiyah (ika-8 araw ng Dhul-Hijjah), mag-ihram siyang muli, pero sa pagkakataong ito ay para sa Hajj lamang, at isasagawa niya ang lahat ng mga gawain ng Hajj pagkatapos nito.

𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗊𝗔 𝗛𝗔𝗝𝗝 𝗔𝗧-𝗧𝗔𝗠𝗔𝗧𝗧𝗚’ (خطوات حج التمتع):
- Mag-Ihram para sa Umrah mula sa itinalagang "Miqat", at sasabihin ng Mutamatti’ (taong gumagawa ng Tamattu’):
“Labbayka ‘Umratan mutamatti’an biha ila al-Hajj”.
- Magsagawa ng Tawaf ng Umrah.
- Magsagawa Sa’i" sa pagitan ng Safa at Marwah, pagkatapos ay pag-aahit (halq) o pagpuputol (taqsir) ng buhok.
Pagkatapos nito, lumalabas sa estado ng ihram at maaaring magsuot muli ng normal na damit. Sa puntong ito, tapos na ang bahagi ng Umrah ng Mutamatti’.
- Mag-ihram muli para sa Hajj, pero hindi na kailangang bumalik sa Miqat.
Magsisimula ng ihram mula sa Makkah, at sasabihin:
“Labbayka Allahumma Hajjan”.
- Pagkatapos nito, pumupunta sa Mina sa ika-8 araw ng Dhul-Hijjah upang manatili roon sa gabi (mabit) bilang paghahanda sa mga susunod na ritwal.
- Pananatili sa Arafah sa ikasiyam na araw hanggang sa paglubog ng araw.
- Pagpunta sa Muzdalifah pagkatapos lumubog sa araw ng Arafah.
- Sa ika-10 araw, pagkatapos sumikat ang araw, isinasagawa ang pagtapon ng bato sa unang Jamrah (Jamrat al-Aqabah), at pagkatapos nito ay ang pagkatay ng "hady" (hayop na inihahandog).
Pagkatapos nito, ang mga lalaki ay mag-aahit (halq) o magpuputol (taqsir) ng buhok, at ang mga babae naman ay magpuputol lamang ng kaunting buhok (gaya ng haba ng isang pulgada).
Sa puntong ito, puwede nang lumabas mula sa unang estado ng ihram – ito ang tinatawag na unang Tahallul.
- Magsagawa ng Tawaf al-Ifadah – kung nagawa na ang Sa’i noong pagdating (pagkatapos magsagawa ng tawaf al-qudum), hindi na kailangang ulitin. Pagkatapos nito, puwedeng lubos nang lumabas sa ihram – ito ang ikalawang Tahallul.
- Pagtapon ng bato sa tatlong Jamrah sa ika-11, ika-12, at ika-13 araw ng Dhul-Hijjah.
Pinapayagan ang Ta’jil (pag-alis nang mas maaga mula sa Mina) sa ika-12 araw bago lumubog ang araw.
- Mgsagawa ng Tawaf al-Wada’ – huling Tawaf bago umalis sa Makkah.
Nagkaisa ang mga ‘Ulama na pinahihintulutan ang alinman sa tatlong uri ng Hajj (Ifrad, Qiran, o Tamattu’), batay sa sinabi ni ‘Aishah (رضي الله عنها):
"خرجنا مع رسول الله ï·º فمنا من أَهَلَّ ؚعمرة، ومنا من أهل ؚحج وعمرة، ومنا من أهل ؚالحج". رواه الؚخاري ومسلم
“𝗚𝗺𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗞𝗮𝗺𝗶 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗎 𝗊𝘂𝗎𝗌 𝗻𝗎 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 (ï·º), 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗎 𝗶𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗎-𝗶𝗵𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗺𝗿𝗮𝗵, 𝗮𝗻𝗎 𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗜𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝗷𝗷 𝗮𝘁 𝗚𝗺𝗿𝗮𝗵, 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗎 𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗜𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝗷𝗷 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗎.”
Isinalaysay nina al-Bukhari at Muslim.

وصلى الله على سيدنا محمد وعلى آله وصحؚه وسلم ...

01/06/2025

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗜𝗌 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗎 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁!!!
𝖲𝖺 𝗆𝗀𝖺 𝖟𝗌𝗉𝖟𝗌𝗒𝖺𝗅 𝗇𝖺 𝖺𝗋𝖺𝗐 𝗇𝖺 𝗂𝗍𝗈, 𝗍𝗎𝗆𝗂𝗍𝗂𝖻𝖺𝗒 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗇𝖺𝗇𝖺𝗆𝗉𝖺𝗅𝖺𝗍𝖺𝗒𝖺, 𝗇𝖺𝖜𝖺𝗋𝖺𝗆𝖺 𝗇𝖺𝗍𝗂𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗒𝖺𝗒𝖺 𝗇𝗀 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·», 𝖺𝗍 𝗆𝖺𝗋𝖺𝗆𝗂𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗇𝗍𝗂𝗆𝗉𝖺𝗅𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝗂𝖻𝗂𝗇𝗎𝖻𝗎𝗄𝖺𝗌 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗌𝖺 𝖺𝗍𝗂𝗇. 𝖚𝗍𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝗎𝗇𝖺𝗇𝗀 𝗌𝖺𝗆𝗉𝗎𝗇𝗀 𝖺𝗋𝖺𝗐 𝗇𝗀 𝖣𝗁𝗎𝗅-𝖧𝗂𝗃𝗃𝖺𝗁, 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝗌𝖺𝖺𝗇 𝗇𝖺𝗇𝗎𝗆𝗉𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·» 𝗌𝖺 𝖪𝖺𝗇𝗒𝖺𝗇𝗀 𝖡𝖺𝗇𝖺𝗅 𝗇𝖺 𝖠𝗄𝗅𝖺𝗍, 𝖺𝗍 𝗉𝗂𝗇𝗎𝗋𝗂 𝗂𝗍𝗈 𝗇𝗀 𝖯𝗋𝗈𝗉𝖟𝗍𝖺 ï·º, 𝗇𝖺 𝗇𝖺𝗀𝗌𝖺𝖻𝗂𝗇𝗀 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝖻𝗎𝖻𝗎𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗐𝖺 𝗌𝖺 𝗆𝗀𝖺 𝖺𝗋𝖺𝗐 𝗇𝖺 𝗂𝗍𝗈 𝖺𝗒 𝗉𝗂𝗇𝖺𝗄𝖺𝗆𝖺𝗆𝖺𝗁𝖺𝗅 𝗇𝗀 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·» 𝗄𝖺𝗒𝗌𝖺 𝗌𝖺 𝗂𝖻𝖺𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗇𝖺𝗁𝗈𝗇.
𝖲𝖺 𝗆𝗀𝖺 𝗉𝗂𝗇𝖺𝗀𝗉𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗋𝖺𝗐 𝗇𝖺 𝗂𝗍𝗈, 𝗂𝗇𝗂𝗋𝖟𝗋𝖟𝗄𝗈𝗆𝖟𝗇𝖜𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝖜𝖺𝗅𝖺𝗌 𝗇𝖺 𝗉𝖺𝗀-𝖺𝗅𝖺𝖺𝗅𝖺 𝗌𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·» — 𝗆𝗀𝖺 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗒𝖺 𝗇𝗀 𝖲𝗎𝖻𝗁𝖺𝗇𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 (𝖫𝗎𝗐𝖺𝗅𝗁𝖺𝗍𝗂 𝗌𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁), 𝖠𝗅𝗁𝖺𝗆𝖜𝗎𝗅𝗂𝗅𝗅𝖺𝗁 (𝖯𝖺𝗉𝗎𝗋𝗂 𝗌𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁), 𝖫𝖺 𝗂𝗅𝖺𝗁𝖺 𝗂𝗅𝗅𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 (𝖶𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗂𝖻𝖺𝗇𝗀 𝖜𝗂𝗒𝗈𝗌 𝗄𝗎𝗇𝖜𝗂 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁), 𝖺𝗍 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁𝗎 𝖠𝗄𝖻𝖺𝗋 ( 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 𝖺𝗇𝗀 𝖯𝗂𝗇𝖺𝗄𝖺𝖜𝖺𝗄𝗂𝗅𝖺). 𝖬𝖺𝖜𝖺𝗅𝗂 𝗂𝗍𝗈𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗀𝗄𝖺𝗌𝗂𝗇, 𝗉𝖟𝗋𝗈 𝗆𝖺𝗅𝖺𝗄𝗂 𝖺𝗇𝗀 𝗀𝖺𝗇𝗍𝗂𝗆𝗉𝖺𝗅𝖺 𝗇𝗂𝗍𝗈.

لا تجلس صامتًا سؚّح، هلّل، كؚّر؛
فأنت في أفضل أيام الدنيا
الله أكؚر الله أكؚر الله أكؚر
لا إله إلا الله
والله أكؚر الله أكؚر
ولله الحمد

"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗎 𝗞𝗮𝗻𝗎 𝗺𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗎 𝘁𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗞.
𝗕𝗮𝗻𝗎𝗎𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗎 𝗮𝗹𝗹𝗮𝗵 — 𝗺𝗮𝗎𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗎 𝘀𝘂𝗯𝗵𝗮𝗻𝗮𝗹𝗹𝗮𝗵, 𝗹𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗵𝗮 𝗶𝗹𝗹𝗮 A𝗹𝗹𝗮𝗵, 𝗮𝘁 A𝗹𝗹𝗮𝗵𝘂 𝗮𝗞𝗯𝗮𝗿.
𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗶𝗞𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗜𝗶𝗻𝗮𝗞𝗮𝗺𝗮𝗎𝗮𝗎𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗎 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗌𝗻𝗎 𝘁𝗮𝗌𝗻.
𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛𝗚 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥, 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛𝗚 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥, 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛𝗚 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥,
𝗟𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗛𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛,
𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛𝗚 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥, 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛𝗚 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥,
𝗪𝗔 𝗟𝗜𝗟𝗟𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗛𝗔𝗠𝗗 (𝗊𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗚𝗥𝗜)."

𝖊𝖺𝗆𝗂𝗍𝗂𝗇 𝗇𝖺𝗍𝗂𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝖺𝗋𝖺𝗐 𝗇𝖺 𝗂𝗍𝗈 𝗌𝖺 𝗉𝖺𝗀𝖜𝖺𝗋𝖺𝗌𝖺𝗅, 𝗉𝖺𝗀-𝖺𝖺𝗅𝖺𝗅𝖺 𝗌𝖺 𝖠𝗅𝗅𝖺𝗁 ï·», 𝖺𝗍 𝗉𝖺𝗀𝗀𝖺𝗐𝖺 𝗇𝗀 𝗄𝖺𝖻𝗎𝗍𝗂𝗁𝖺𝗇 — 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗆𝗂𝗍 𝗇𝖺𝗍𝗂𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖪𝖺𝗇𝗒𝖺𝗇𝗀 𝗁𝖺𝖻𝖺𝗀 𝖺𝗍 𝗀𝖺𝗇𝗍𝗂𝗆𝗉𝖺𝗅𝖺.

26/05/2025

ما ينؚغي فعله في ع؎ر ذي الحجة
ANO ANG DAPAT GAWIN SA SAMPUNG ARAW NG DHUL-HIJJAH
______________
Sa ngayon ay ating sinasalubong ang panahon ng Hajj, at kasabay nito ay ang panahon ng paggawa ng mabubuting gawa – ang unang sampung araw ng Dhul-Hijjah. Ang mga araw na ito ay binanggit ng Sugo ng Allah (ﷺ) na:
"ما من أيام العمل الصالح فيهن أحؚ إلى الله من هذه الأيام الع؎ر، قالوا: ولا الجهاد في سؚيل الله؟ قال: ولا الجهاد في سؚيل الله، إلا رجلا خرج ؚنفسه وماله فلم يرجع من ذلك ؚ؎يء".

" Walang ibang mga araw na ang paggawa ng mabubuting gawa ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa paggawa ng mabubuting gawa sa sampung araw na ito."
Nagtanong ang mga Sahabah: "Kahit ang pakikibaka sa landas ng Allah (jihad)?" Sumagot siya: "Kahit ang jihad sa landas ng Allah – maliban sa isang taong lumabas na dala ang kanyang sarili at yaman, at hindi na siya nakabalik na may dala pa kahit ano."
Ito ang sampung araw na maraming tao ang hindi alam ang kahalagahan. At kahit ang iba na nakakaalam ay kadalasan ay nagpapabaya sa pagsusumikap na punuin ang mga araw na ito ng mabubuting gawa.
KAYA DAPAT TAYONG MAGSIKAP SA SAMPUNG ARAW NG DHUL-HIJJAH
Kung ang Sugo ng Allah (ï·º) ay nagsabi:
" Walang ibang mga araw na ang paggawa ng mabubuting gawa ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa paggawa ng mabubuting gawa sa sampung araw na ito – maliban sa isang taong lumabas na dala ang kanyang sarili at yaman, at hindi na siya nakabalik na may dala pa kahit ano," ibig sabihin nito ay dapat talaga tayong magsikap nang husto sa paggawa ng kabutihan sa mga araw na ito.
Dapat pa nga nating mas pagbutihin ang ating gawain sa unang sampung araw ng Dhul-Hijjah kaysa sa sampung huling araw ng Ramadan, dahil ang Hadith ay malinaw na nagsabi:
"Walang ibang mga araw..." – na ang ibig sabihin ay lahat ng klase ng mabuting gawa ay mahalaga sa mga araw na ito.
ANO ANG MGA DAPAT NATING GAWIN?
Gawin natin ang lahat ng mabubuting gawa in shaa Allah, tulad ng:
• Pagdarasal (ṣalāh)
• Pag-alaala sa Allah (dhikr)
• Pagbabasa ng Qur’an
• Pagbibigay ng kawanggawa (ṣadaqah)
• Pag-aayuno
• At paggawa ng kabutihan sa kapwa
ISA RIN SA MGA GAWAIN SA PANAHONG ITO AY ANG TAKBĪR:
Ibig sabihin, inuulit natin ang "Allāhu akbar" bilang papuri sa Allah ﷻ.
Ang lalaki ay iniutos na itaas ang kanyang boses sa pagbigkas nito, habang ang babae naman ay mahina o palihim na bumibigkas nito.
Maaaring sabihin ang takbīr sa dalawang paraan:
 "Allāhu akbar, Allāhu akbar, lā ilāha illa Allāh, Allāhu akbar, Allāhu akbar, wa lillāhi al-ឥamd."
 O kaya ay tatlong ulit ng "Allāhu akbar":
"Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar, lā ilāha illa Allāh, Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar, wa lillāhi al-ឥamd."
Isa rin sa mga bagay na nararapat nating gawin sa mga araw na ito ay ang pag-aayuno, sapagkat ang pag-aayuno ay isa sa pinakamainam na mabubuting gawa. Sa katunayan, sinabi mismo ng Allah ï·» sa isang Hadith Qudsi:
"كل عمل اؚن آدم له، الحسنة ؚع؎ر أمثالها إلى سؚعما؊ة ضعف، قال الله تعالى: إلا الصوم فإنه لي وأنا أجزي ØšÙ‡".
"Lahat ng gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya — ang bawat mabuting gawa ay may gantimpalang sampung ulit hanggang pitong daang ulit. Maliban sa pag-aayuno, at Ako mismo ang magbibigay ng gantimpala para rito”.
Ipinapakita ng Hadith na ito na ang pag-aayuno ay isa sa pinakamahalagang gawa at pinakamamahal ng Allah ï·».
Kaya’t malinaw na pasok ang pag-aayuno sa mga gawain na kabilang sa kabuuang Hadith na nagtuturo sa atin na ang paggawa ng mabuting gawa sa mga araw na ito ay mas mahalaga kaysa sa ibang panahon.
At kahit pa hindi matibay ang Hadith na nagsasabing ang Sugo ng Allah (ï·º) ay nag-aayuno sa lahat ng unang sampung araw ng Dhul-Hijjah, ay sapat na ang pagiging mabuting gawa ng pag-aayuno upang ito ay pahalagahan sa mga araw na ito.
Ito ay tungkol sa kabuuang paggawa ng mabuting gawain sa mga araw na ito.

وصلى الله عليه وعلى آله وصحؚه وسلم ...
المصدر: كتاؚ دروس لل؎يخ العثيمين (ج1/ص4)

25/05/2025

ماذا ينؚغي لمن أراد أن يضحي؟
ANO ANG NARARAPAT GAWIN NG ISANG TAO NA NAGNANAIS MAGKATAY NG UDHIYAH O QURBAN?
______________
Para sa taong nais mag-alay ng Udhiya:
Kung ang isang tao ay may balak na magkatay ng Udhiyah o Qurban para sa Eid al-Adha, hindi siya dapat maggupit ng buhok o magputol ng kuko simula sa unang araw ng buwan ng Dhul-Hijjah hanggang sa maialay niya ang kanyang udhiyah.
Ito ay batay sa sinabi ng Propeta Muhammad ï·º na iniulat ni Umm Salamah (kalugdan nawa siya ng Allah) sa Sahih Muslim:
"إذا دخَل الع؎ر وأراد أحدُكم أنْ يُضحِّي، فلا يمسَّ من ؎َعرِه وَؚ؎َرِه ؎ي؊ًا".
"Kapag nagsimula na ang sampung araw ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na mag-alay ng Udhiyah, huwag niyang gagalawin ang kanyang buhok o balat."
Sa ibang salaysay:
"إذا دخَل الع؎ر وعنده أُضحِيَّة يريد أنْ يضحِّي، فلا يأخذن ؎َعرًا، ولا يقلمن ؞فرًا".
"Kapag nagsimula na ang sampung araw ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na mag-alay ng Udhiyah, huwag siyang maggugupit ng buhok o magpuputol ng kuko."
KAILAN MAGSISIMULA ANG TAKDANG ORAS NG PAGKATAY NG UDHIYAH AT KAILAN MAGTATAPOS?
Ang pagkatay ng Udhiya ay dapat gawin pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha. Kailangang hintayin muna na matapos ang Salah ng Eid al-Adha bago simulan ang pag-aalay o pagkatay ng Udhiyah.
Isa sa mga batayan mula sa Qur’an ay ang sinabi ng Allah ﷻ:
 فَصَلِّ لِرَؚِّكَ وَانْحَرْ  [الكوثر: 2]
"Kaya ikaw ay magdasal sa iyong Panginoon, at pagkatapos ay mag-alay ka." (Surah Al-Kawthar, 2)
Sa talatang ito, makikita na inuna ang utos na manalangin bago ang pag-aalay. Ipinapahiwatig nito na ang pagkatay ng Udhiyah ay dapat gawin pagkatapos ng dasal.
Isa pang talata sabi ng Allah ï·»:
 قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَؚِّ الْعَالَمِينَ  الأنعام: 162
"Sabihin mo: Katotohanan, ang aking pagdarasal, aking pag-alay, ang aking buhay, at aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilalang." (Surah Al-An’am, 162)
Ipinagpaliban ng Allah ï·» ang pagbanggit sa pag-aalay (sacrifice) at inilagay ito pagkatapos ng pagdarasal.
Ito ay malinaw na palatandaan na ang tamang gawain ay ang pag-aalay pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha.
Ito ay isang utos mula sa Allah ï·» sa Kanyang Propeta Muhammad (ï·º).
Ayon sa isang sahih na hadith mula kay Al-Bara’ (رضي الله عنه), sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:
"إنَّ أوَّل ما نؚدأ ØšÙ‡ في يومنا هذا أنْ نصلِّي ثم نرجع فنَنحَر، مَن فعَل فقد أصاؚ سُنَّتنا، ومَن ذَؚح قؚلُ فإنما هو لحمٌ قدَّمَه لأهله، ليس من النُّسك في ؎يء".
"Ang unang ginagawa natin sa araw na ito (Eid al-Adha) ay ang pagdarasal, pagkatapos ay babalik tayo para magkatay ng ating alay. Ang sinumang gumawa nito ay nakasunod sa ating Sunnah. Pero ang sinumang nagkatay bago ang dasal, ang kanyang alay ay parang ordinaryong karne lamang para sa pamilya — hindi ito itinuturing na tunay na sakripisyo."
Sa isa pang sahih hadith mula kay Jundub ibn Sufyan Al-Bajali (رضي الله عنه), sinabi niya:
؎َهِدتُ النؚيَّ صلى الله عليه وسلم يومَ النَّحر فقال: "مَن كان ذَؚح أُضحِيته Ù‚ØšÙ„ أنْ يُصلِّي - أو نُصلِّي - فليَذَؚح مَكانها أخرى، ومَن كان لم يَذَؚح فليَذَؚح ؚاسم الله".
"Nasaksihan ko ang Propeta sa Araw ng Pag-aalay (Yawm an-Nahr), at sinabi niya: 'Sinuman ang nagkatay ng kanyang alay bago ang dasal — o bago tayo magdasal — ay dapat mag-alay muli bilang kapalit. At sinuman ang hindi pa nakakatay, ay dapat nang mag-alay sa ngalan ng Allah.'"
Ang mga nabanggit na hadith ay malinaw at tiyak, at ipinapakita na ang tamang oras ng pagkatay ng Udhiyah ay nagsisimula pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha, sa lugar kung saan naroroon ang taong mag-aalay.
Kung nagkatay ang isang tao bago ang Salah ng Eid al-Adha, hindi niya nasunod ang Sunnah ng mga Muslim. Hindi ito itinuturing na tamang alay, dahil ginawa ito bago pa dumating ang takdang oras.
Ang kanyang kinatay ay hindi bahagi ng religious sacrifice (Udhiyah) — ito ay karaniwang karne lamang para sa kanyang pamilya.
Ang panahon ng pagkatay ng alay (Udhiyah) ay nagsisimula pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha sa Yawm an-Nahr (Ika-10 araw ng buwan ng Dhul-Hijjah) at tumatagal ito hanggang sa pagtatapos ng ika-13 ng Dhul-Hijjah, ayon sa mas malakas na opinyon ng mga iskolar.
Kaya ang kabuuang bilang ng araw ay apat na araw: ang araw ng Eid al-Adha, at tatlong araw pagkatapos nito (ang tinatawag na Ayyam at-Tashreeq).
Nagtatapos ang panahon ng pag-aalay sa paglubog ng araw sa ika-13 ng Dhul-Hijjah.
Kapag lumubog na ang araw sa araw na iyon, tapos na ang oras para sa pagkatay ng Udhiyah.

وصلى الله على سيدنا محمد وعلى آله وصحؚه وسلم ...

Want your school to be the top-listed School/college in Riyadh?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Riyadh