𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬

𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬, Education Website, Najran University, Najran.

10/05/2026

Update sin Tabuk University ha tahun 2026
Pa mga naka takdim pa Tabuk University
Ha tungud sin course Sharia iban Dirasat Islamiyah...WAY RUUN PAG TAYMAH tahun ini ha marhala Bachelor Degree..
Ha Masteral degree da in aun...



08/05/2026

📢 Paunawa para sa mga Nagnanais Mag-apply sa Najran University

Sa mga nagnanais pong mag-apply sa Najran University, ipinapaalam po namin na sa kasalukuyang taon ay hindi sila tumatanggap ng mga aplikante. Kaya’t makabubuting huwag na po itong piliin sa Manassa.

Subukan niyo na lamang po sa iba baka doon matanggap ka niya😊

10/02/2026

Alhamdulillah, ligtas na dumating sa Najran University ang isa na namang bagong estudyante mula sa Pilipinas. Sa kanyang pamilya: huwag po kayong mag-alala, siya ay nasa mabuting kalagayan.

Akh: GUMAGA HYAH
DAVAO CITY.

Photos from 𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬's post 27/10/2025

Mga Estudyanteng Pinoy na napiling kinatawan ng ating butihing Unibersidad sa larangan ng Basketball na magaganap simula bukas sa Lungsod ng Dammam ( KSA).
25 kalahok ang kanilang makakatunggali mula sa iba’t ibang Unibersidad ng nasabing kaharian.
Nawa’y makamit ninyo ang kampeyonato.
Pangalagaan nawa kayo ni Allah.

27/10/2025

Lilipad patungong Dammam🏀🏀

Photos from 𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬's post 10/10/2025

Alhamdulillāh! Matagumpay na naisagawa ang بطولة بين الكليات dito sa Najran University.
Isang paligsahan na hindi lamang nagpakita ng galing sa palakasan, kundi ng pagkakaisa, disiplina, at mabuting asal ng bawat kalahok.
Ngayon, patuloy ang ating paglalakbay — Road to Dammam, upang makipagtagisan ng husay kasama ang iba’t ibang unibersidad sa Kaharian ng Saudi Arabia. 🇸🇦

Photos from 𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬's post 08/10/2025

Sa pag-aaral hindi pwedeng mawala ang pahinga. Paminsan-minsan, maglaro rin ng basketball para mapanatiling malakas ang katawan at malinaw ang isipan.

قَالَ رَسُولُ اللَّهِ ﷺ: المُؤْمِنُ الْقَوِيُّ خَيْرٌ وأَحَبُّ إِلَى اللَّهِ مِنَ الْمُؤْمِنِ الضَّعِيفِ
Ang malakas na mananampalataya ay mas mahal ni Allah kaysa sa mahina. 💪”

06/10/2025

Isang paalala mula sa ating kapatid Khusain Solon arabic version.

NU-student كلية الشريعة

05/10/2025

Isang paalala mula sa ating kapatid Al-Faydee hinggil sa pagsasaliksik ng kaalaman.

NU-student كلية الشريعة

Photos from 𝐍𝐚𝐣𝐫𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬's post 03/10/2025

Alhamdulillāh, isang makabuluhang pagtitipon ang ginanap ng mga Filipino students sa Najran University bilang pagtanggap sa ating mga bagong estudyante. Ito ay hindi lamang simpleng pagtitipon, kundi isang pagkakataon upang pagtibayin ang ugnayan, palakasin ang kapatiran, at ipaalala na ang tunay na lakas ng isang komunidad ay nasa pagkakaisa.

Sa presensya ng ating kagalang-galang na panauhin, si Sheikh Rushdy, tayo ay pinayuhan at pinaalalahanan na ang kaalaman ay biyaya mula kay Allāh at ang pagkakaisa ng mga puso ay tanda ng Kanyang habag. Ang bawat salita ng karunungan ay nagsilbing ilaw upang lalo tayong magsumikap sa ating pag-aaral at manatiling matatag sa pananampalataya.

Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba ng tribo at pinagmulan, tayo ay pinagbuklod ng Islām sa iisang layunin: ang maging matatag na mga estudyante at mabubuting lingkod ng Allāh. Tunay ngang ang kapatiran ay yaman na dapat alagaan, at ang pagkakaisa ay susi sa tagumpay ng bawat Pilipino dito sa Najran University.

Nawa’y magsilbing paalala ang pagtitipon na ito na ang bawat isa ay may mahalagang bahagi sa ating samahan, at ang ating pagkakapatiran ay magsisilbing gabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Want your school to be the top-listed School/college in Najran?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Najran University
Najran