19/07/2025
❔ Pagdududa #8: Huwag Magpalinlang sa Dahilan na Ito: “Si ganito ay dati raw Salafi, pero ngayon ay bumabatikos na.”
Sasambitin nila nang malakas:
> “Dati akong kasama nila!”
“Ako ang tagasalin ng mga aklat nila!”
“Dumadalo ako sa mga dars nina Shaykh Ibn Bāz, Shaykh Ibn ʿUthaymīn!”
—na para bang ito’y isang ebidensiya na tama sila ngayon.
Ngunit ang pagiging dating bahagi ng isang da’wah o manhaj, at ang pagtalikod at pagkritiko rito ay hindi kailanman awtomatikong nagbibigay ng kredibilidad sa kanilang mga argumento.
Halimbawa: Si Iblīs—na dati ay kabilang sa mga sumasamba kay Allāh at nasa gitna ng mga anghel—ay naligaw din. May matino bang pag-iisip na magsasabing ang kanyang pagkakaligaw ay kapani-paniwala ngayon dahil lamang sa kanyang matuwid na nakaraan?
Ang katotohanan:
Ang isang tao ay maaaring nakatanggap ng gabay at kaalaman, ngunit naligaw din kalaunan—maaaring dahil sa paghabol sa mga pagnanasa, maling pag-unawa, pagmamahal sa dunya, o epekto ng peer pressure. Na wa iʿādhūbillāh.
📖 Sabi ni Allāh:
> وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانسَلَخَ مِنْهَا...
“At isalaysay mo sa kanila ang balita tungkol sa taong binigyan Namin ng Aming mga palatandaan, ngunit tinalikuran niya ito, kaya sinundan siya ng Shayṭān, at siya ay naging kabilang sa mga naligaw...”
(Surah al-Aʿrāf, 7:175-176)
🔎 Aral mula sa talatang ito: Ang tao ay maaaring nabigyan ng mga palatandaan, ngunit dahil sa paghabol sa makamundong bagay at sa kanyang sariling kagustuhan, bumagsak siya sa maling landas—katulad ng isang a*o na palaging lumalabas ang dila, itaboy mo man o pabayaan.
Kaya huwag kang padadala sa mga nagsusulat ng aklat at naglalecture upang siraan ang Salafiyyah. Ang Salafiyyah ay walang iba kundi ang pag-unawa sa Qur’ān at Sunnah sa paraan ng mga Ṣaḥābah رضي الله عنهم —iyon lang at wala nang iba.
📌 Isang lumang taktika ito ni Shayṭān:
> Palakihin ang mali, magpakalat ng propaganda, magsinungaling, at gumawa ng kwento upang iligaw ang mga tao — ganito rin ang ginawa ng mga mushrikīn laban kay Propeta Muḥammad ﷺ. Tinawag siyang sinungaling, salamangkero, manghuhula, makata—lahat ng ito’y upang pigilan ang tao sa katotohanan.
❗ Tanong:
Matututo ka ba ng Islām mula sa isang taong tinalikuran ito?
May tunay ba siyang pagkaunawa rito?
At kung meron man, paano niya nagawang balewalain ito?
—Dahil sa pagnanasa at layaw.
📖 Sabi ni Allāh:
> وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا شَيَاطِينَ الْإِنسِ وَالْجِنِّ يُوحِي بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ زُخْرُفَ الْقَوْلِ غُرُورًا...
“Ganyan Namin ginawang may mga kaaway ang bawat Propeta: mga Shayṭān mula sa sangkatauhan at jinn, na nagpapalitan ng mga salitang pinalamutian ng pandaraya...”
(Surah al-Anʿām, 6:112)
🎯 Payo:
Maging mapagbantay sa mga munāfiq—mga tagatawag sa Impiyerno—na nagpapanggap na Muslim ngunit gumagawa upang sirain ito mula sa loob.
🔑 Ang solusyon:
> Aralin ang katotohanan.
Alamin ang tamang batayan sa pag-unawa sa Qur’ān at Sunnah.
At manatiling matatag dito.
Kung hindi, parang dahon ka lamang na pinapadpad ng hangin, walang direksyon at walang ugat.
📿 Duʿāʾ:
“O Allāh, ipakita Mo sa amin ang katotohanan bilang katotohanan at bigyan Mo kami ng kakayahang sundan ito, at ipakita Mo sa amin ang kamalian bilang kamalian at ilayo Mo kami rito.” Āmīn.
CTTO:
---
✍️ Abū Awzāʿī ʿAbdus-Salām al-Makkī al-Ḥanbalī وفقه الله
🕋 Makkah al-Mukarramah حرسها الله
🗓 24 Muharram 1447H | July 19, 2025 CE
🗝 Keys To Knowledge | T.me/K2KNYC