15/09/2026
ANG PAGKUHA NG LOAN โutang" KAILAN ITO IPINAHINTULOT O IPINAGBAWAL ?โโโ
๐ Laging kaugalian ng iilang mga manggagawa (pribado man o sa gobyerno), OFW "abroad", negosyante o karaniwang tao ang mag-apply o kumuha ng LOAN (hiram o utang) ito man ay Salary Loan (pera), Housing Loan, Car Loan, Home ApplianceLoan etc.. (loan na hindi pera)..
๐๐ ANO NGA BA ANG HATOL NG ISLAM HINGGIL SA BAGAY NA ITO?
โ ANG LOAN AY NAHAHATI SA DALAWA:
1- LOAN NA PERA โumutang / humiram ng peraโ katulad ng Salary loan, Personal loan etc..
2- LOAN NA HINDI PERA (katulad ng housing loan, car loan, home appliance loan etc..)
a- ANG LOAN MULA SA PERA AY NAHAHATI RIN SA DALAWA:
โฆ๏ธ-MABUTING LOAN (QARD HASAN)
Ang mabuting Loan ay โAng paghiram o pag- utang ng pera na walang interes o tubo.
Halimbawa: Kung ikaw ay umutang ng sampung libong pesos, ito ay babarayin mo rin ng sampung libong pesos (buo man ang pagbabayad o hulog hulugan โinstallmentโ) na walang tubo o interes.
๐ANG GANITONG URI NG LOAN AY IPINAHINTULOT SA ISLAM AT WALANG PAGBABAWAL, BAGKUS ITO AY ISANG MABUTING GAWAIN NG NAGPAUTANG AT GAGANTIMPALAAN NG MALAKI ANG NAGPA-LOAN!
Sakop ng pagloan ng pera ang, Salary loan o personal loan.
Kapag siya ay nagloan ng pera mula sa Salary loan mula sa kanyang kumpanya, pribado o mula sa gobyerno na walang halong interes ay wala pong pagbabawal sa bagay na ito (ipinahintulot), gayundin walang pagpapawal sa personal loan na walang tubo o interes.
โฆ๏ธ- ANG LOAN NA MAY INTERES โtuboโ
Halimbawa ng LOAN na may interes ay: โKapag umutang o humiram ka ng halagang sampung libong pesos ay babayaran mo ito ng mas higit doon sa halaga na iyong nautang. Ang kapital na utang ay pinatungan ng interes o tubo, depende sa laki ng napagkasunduan.
๐ANG GANITONG URI NG LOAN AY HARAM, IPINAGBAWAL AYON SA NAPAGKASUNDUAN NG MGA PANTAS (IJMA).
Mayroon pangkalahatang prinsipyo sa batas ng Islam na:
โAng Lahat ng uri ng Utang o Hiram na may interes โtuboโ ay Riba (Haram).
b- ANG LOAN NA HINDI PERA (katulad ng housing loan, car loan, home appliance loan etc..)
Kapag ang LOAN (umutang) ay gamit, sasakyan o pabahay mula sa isang institusyon, kumpanya, bangko o indibidwal at ang nasabing gamit na LOAN "inutang" ay pagmamay-ari mismo ng nasabing institusyon at doon din niya binabayaran ang nasabing LOAN "utang" sa kanila (binabayaran man ng buo o installment),
WALA PONG PAGBABAWAL NA UMUTANG O MAGLOAN SA KANILA SA KUNDSIYON NA:
โฆ๏ธ-Batid ang laki ng babayaran na LOAN "inutang" na gamit at batid din ang pamamaraan ng pagbayad pati narin ang tagal ng pagbayad
โฆ๏ธ-Walang ipapataw na karagdagang tubo kapag na delay ang pagbayad.
Halimbawa: Umutang ng isang sasakyan sa halagang 900,000 pesos. kanyang babayaran ito sa loob ng tatlong taon (36 months) at kada buwan ay huhulugan niya ito ng 25,000 pesos at ang nasabing kasunduan ay batid na at walang pagpatong sa halaga kapag na delay ang pagbayad bilang penaltay ay wala pong pagbabawal sa bagay na ito.
Kapag nag-loan sa bangko o intitusyong ng bagay o sasakyan o gamit at kabilang sa kundisyon ng loan ay kapag hindi ka nakabayad sa tamang oras ay papatawan nila ng penalty (patong o tubo ) ang utang, Sa ganitong kalagayan ay ipinagbawal ang pag-utang sa kanila dahil ito ay mahuhulog sa Riba (Haram).
Ang pinaka mainam ay sikapin mong huwag ma-delay ang iyong utang upang hindi ka magkaroon ng penaltay dahil ang nasabing penalty ay Riba.
DAGDAG KAALAMAN:
-Kapag ang inutang na sasakyan, pabahay, gamit etc.. ay pagmamay-ari ng isang kumpanya at ikaw ay nagbabayad ng hulug-hulugan sa bangko at ang nasabing gamit ay hindi pagmamay-ari ng bangko ay HINDI IPINAHINTULOT ANG GANITONG URI NG TRANSAKSYON.
- Upang maging legal ang utang na iyong binabayaran sa bangko, Kailangan munang bayaran ng bangko ng buo ang nasabing gamit upang kanila na itong pagmamay-ari, saka mo uutangin at direkta na itong babayaran sa bangko.
Maaari rin ang ganitong pamamaraan ng hulog hulugan mula sa indibidwal na tao o institusyon.
BABALA SA MGA KUMAKAIN NG RIBA:
๐Sinabi ng Mahal na Propeta: "Isinumpa ni Allah ang kumakain ng Riba, ang nagbibigay nito, ang dalawang saksi at ang tagasulat nito at kanyang sinabi ay sila ay walang pagkakaiba (sa kasalanan)" Iniulat ni Imam Muslim
ุญุฏูุซ :"ูุนู ุงููู ุขูู ุงูุฑุจุง ูู
ูููู ูุดุงูุฏูู ููุงุชุจู ูุดุงูุฏูู ููุงู ูู
ุณูุงุก" ุฑูุงู ู
ุณูู
โ๏ธ Shaykh Zulameen Sarento Puti