13/12/2020
IPINAGPATULOY LAMANG NI PROPETA MUHAMMAD ANG NAIWAN NA KATURUAN NI JESUS.
❤ 💖❤
Sinabi ni Propeta Muhammad, sallallahu `alayhi wa sallam, batay sa salin ng kahulugan, “Ang lahat ng mga Propeta ay magkakapatid, subalit ang kanilang mga ina ay magkakaiba, gayunpaman ang kanilang relihiyon ay iisa lamang. Ako ang pinakamalapit kay Jesus, sapagkat walang sinumang Propeta sa pagitan ko at sa pagitan niya…”
💖 ANG TINUTUKOY NI Jesus NA DARATING PAGKATAPOS NIYA
Ipaalaala mo, O Muhammad, sa iyong sambayanan, noong sinabi ni `Îsã (Jesus) na anak ni Maryam (Maria) sa kanyang sambayanan: “O angkan ni Isrâ`il, walang pag-aalinlangan, ako ay Sugo ng Allâh sa inyo na pinatutunayan ang anumang dumating na nauna kaysa sa akin na ‘Tawrah,’ at nagbibigay ng magandang balita at tumitestigo sa Sugo na darating pagkatapos ko na ang kanyang pangalan ay Ahmad, na siya si Muhammad, at mag-aanyaya na siya ay paniwalaan,” subalit nang dumating sa kanila si Muhammad na may dala-dalang malilinaw na mga talata, kanilang sinabi: “Ang dala-dala mo sa amin ay malinaw na salamangka.”
Ang kahulugan ng mga kapaliwanagan, ng Dakilang Qur’ân, Sûrat As-Saff, Ika-61 na Kabanata, Ika-6 na talata.
💖 Sinabi pa rin ng Allah, na mismo, sila, na tinatawag nila ang kanilang mga sarili na Kristiyano, sila sa katotohanan, ang siyang nagbago nito:
“At gumawa Kami ng tunay na kasunduan sa kanila, na tinatawag nila ang kanilang mga sarili na Kristiyano; subalit lumabag sila sa kasunduan at pinalitan nila ang kanilang Relihiyon at tinalikuran nila at hindi nila isinagawa ang mabuting bahagi ng Mensahe na ipinadala sa kanila.
"At dahil doon ay itinanim Namin sa pagitan nila ang paglalaban-laban at pagkapoot sa isa’t isa hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay; at walang pag-aalinlangan, ihahayag ng Allâh ang anuman na kanilang ginawa sa Araw ng Paghuhukom, at sila ay paparusahan ayon dito.”
Pagkakasalin ng kahulugan, Maluwalhating Qur’an, Surat Al-Ma`idah, ika-5, na ang talata ay 14
💖 Kaya, sa Kagandahang Loob ng Allah, inilantad Niya rin sa mga Kristiyano, ang katotohanan, hinggil dito at sa mga iba pang mga talata ng kasulatan, sinabi Niya batay sa salin ng kahulugan:
“At katiyakan, mayroong kabilang sa kanila ang grupo na binabago nila ang salita sa pamamagitan ng paglalayo nito sa tamang kahulugan, at pinapalitan nila ang salita ng Allâh upang malinlang nila ang iba, na (sinasabi nilang) ito ay salita na ipinahayag bilang kapahayagan ng Aklat, gayong hindi naman ito talaga nagmula sa ipinahayag na Aklat, at sinasabi nila na ito ay nagmula sa Allâh na ipinahayag Niya sa Kanyang Propeta, subalit sa katotohanan, ito ay hindi talagang nagmula sa Allâh.
“Ang dahilan ay ang paghahangad nila ng makamundong bagay; na kung kaya, sila ay nagsasalita ng mga kasinungalingan laban sa Allâh, gayong batid nila mismo sa kanilang mga sarili na sila ay nagsisinungaling.”
Salin ng kahulugan, SALIN NG KAHUUGAN, QUR'ÂN, SÛRAT ÃLE `IMRÂN, Ika-3 Kabanata, na ang talata ay 78
❤ 💖❤Dahil sa katotohanan, ang Allah, para sa sangkatauhan ay Punung-Puno ng Kabutihan, Ganap na Mapagmahal at Pinakamaawain, na kung kaya, para sa kapakinabangan ng bawat isa ay ipinahayag Niya ang mga malilinaw ng mga talata o mga rebelasyon:
“Walang iba kundi ang Allâh ang nagpahayag sa Kanyang alipin na si Muhammad ng malilinaw na mga talata ng Dakilang Qur’ân; upang kayo ay alisin sa pamamagitan nito mula sa Kadiliman ng Di-Paniniwala tungo sa Liwanag ng Paniniwala sa Allâh, at katiyakan, ang Allâh ang ‘Raouf’ – Punung-Puno ng Kabutihan, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa inyo kaya iniaalis kayo mula sa mga Kadiliman tungo sa Liwanag.” Salin ng kahulugan, QUR’ÂN, SÛRAT AL-HADÎD, Ika-57 na Kabanata, na ang talata ay 9
💖 SI MUHAMMAD AY HULING SUGO SA LAHAT NG SANGKATAUHAN
Sabihin mo, O Muhammad, sa mga tao, lahat sila: “Katiyakan, ako ay Sugo ng Allâh sa inyong lahat, na ito ay para sa lahat-lahat at hindi sa iilan lamang – na Siya, ang Allâh ang Nagmamay-ari ng buong kalangitan at ng kalupaan at ng anumang mga nasa loob nito.
Walang sinuman ang ‘ilâh’ o diyos na sinasamba o dapat na pag-ukulan ng bukod-tanging pagsamba kundi Siya lamang, Siya lamang ang may karapatan nito at karapat-dapat para rito, ang Kapuri-puri at Kataas-taasan, na Makapangyarihan sa pagsagawa ng Kanyang nilikha, na Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan at magbubuhay na mag-uli (sa lahat).
“Na kung kaya, maniwala kayo sa Allâh at tanggapin ninyo ang Kanyang Kaisahan sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya nang bukod-tangi at sundin ninyo ang Kanyang Sugo na si Muhammad, ang Propetang hindi marunong bumasa’t sumulat, na siya (Muhammad) ay naniwala sa Allâh at sa anumang ipinahayag Niya sa kanya, at sa anumang ipinahayag sa mga Propeta na nauna kaysa sa kanya, at sundin ninyo ang Sugong ito at ipatupad ninyo ang pagsagawa ng lahat ng anumang ipinag-utos niya sa inyo bilang pagsunod sa Allâh; at paghahangad na kayo ay gabayan sa Matuwid na Landas.”
Ang kahulugan ng Dakilang Qur`ân, Sûrat Al-A`râf, Ika-7 Kabanata, Talata 158. CCTO: Muhammad Uy-Matulin Rodriguez