Matanglawin ANHS ANNEX Filipino Club

Matanglawin ANHS ANNEX Filipino Club

Compartir

Información de contacto, mapa y direcciones, formulario de contacto, horario de apertura, servicios, puntuaciones, fotos, videos y anuncios de Matanglawin ANHS ANNEX Filipino Club, Asunción.

28/10/2022

Magandang Araw sainyong lahat ANNEXIANS!

|ANUNSYO| Nais namin kayong hikayatin sa "Alay Puso
Campus Journalism Lectures For-a-Cause".

Ito ay mayroong dalawang ganap na:
●News Writing (1:00pm - 2:30pm)
●Copy Reading and Headline Writing (3:00pm - 4:30pm)

Gaganapin ito bukas (Ocotober 29, 2022)
via ZOOM.

Lahat kayo'y aming inaanyayahan upang magkaroon tayo ng bagong karanasan. Para sa pag paparehistro kontakin lamang ang tagapayo nga Matanglawin ANHS-ANNEX Filipino Club at ipadala nalamag ang inyong bayad sa Gcash na nasa ibaba.

Tagapayo: Gng. Richilda Magan
Gcash no.: 0926-941-5354

Maraming Salamat po, at pagpalain tayo ng Panginoon!


25/09/2022

Manatiling ligtas Annexians!


Magandang Buhay Annexians!

Dahil sa inaasahang sama ng panahon dulot ng patuloy na paglakas ng Super Typhoon Karding.

Bukas, Setyembre 26,2022 (LUNES) ay idineklarang WALANG PASOK sa LAHAT ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado sa buong lalawigan ng Laguna.

Para sa inyong kaligtasan ay maari na lamang po na manatili sa loob ng ating mga tahanan. Pinapaalahanan din ang lahat na maging maingat, alerto, at updated sa lahat ng oras.

Maraming Salamat at kaawaan nawa po kayo ng Panginoon!

Stay Safe Annexians!



Pubmat by: Mica Antoinette Miraflor
Caption By: Jo Cyrell Torres

02/09/2022

Magandang Araw Annexians!!

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan at ang malaking banta ng paparating na bagyo, narito ang ilang kaalaman at paalala na inihanda namin para sa inyo dito sa

Manatiling ligtas, umantabay sa mga balita at maging alerto. Pagpalain kayo ng Panginoon.


31/08/2022

Magandang Araw Annexians!
Marahil marami satin ang hindi pamilyar sa mga malalalim na salita. Nang dahil tayo ay namumuhay na sa makabagong panahon, hindi na natin ito madalas nagagamit.
Kaya't para ipaalala sa inyo, ang Matanglawin Filipino Club ng ANHS ANNEX ay mayroong inihandang mga simpleng katanungan para sa inyo. Hindi lang ito basta katanungan, dahil ito rin ay makakadagdag sa inyong mga kaalaman patungkol sa mga malalalim na salitang Filipino. Ano pa ang hinihintay nyo? Halina't alamin natin ang kahulugan ng malalim na salitang aming inihanda para sainyo.

Maaari ninyong sagutan ang aming tanong sa pamamagitan ng pagbibigay reaksyon sa aming post.

❤️- Maakit
🤗- Pagmamahal
😆- Nakaka-asiwa

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Diyos.

27/08/2022

Magandang Buhay Annexians!

Ano nga ba ang AMBAHAN?
Natatangi ang ambahan dahil ang tula ay iniuukit sa kawayan gamit ang matulis na patalim o kutsilyo. Ang mga simbolo o titik na ginagamit sa pagsulat nito ay batay naman sa Surat Mangyan, katutubong alpabeto na kanilang kinagisnan. Ang ambahan ay may sukat na pipituhin bawat taludtod at may tugmaan kahit walang tiyak na bilang ang mga taludtod.

Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, ito ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaring higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga pagka kataong ang nagsasalita ay maaring may mahaba o maikling pangalan.

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.

24/08/2022

Magandang Araw Annexians!!

Halina't alamin kung ilang diyalekto mayroon ang ating bansa, dito sa

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming diyalektong ginagamit mula noon hanggang ngayon. Umabot na ito sa bilang na 171 dialekto at ilan sa mga pangunahing ginagamit dito ay ang wikang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinense, Cebuano, Tagalog at Waray.

Para sa iba pang kaalaman, kayo ay aming inaanyayahan na umantabay sa ating page "Matanglawin ANHS ANNEX Filipino Club".

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.

Photos from Santa Rosa City Government's post 23/08/2022

Manatiling ligtas mga mahal naming mga Annexians!

20/08/2022

Magandang Araw Annexians!!

Narito ang aming inihandog na impormasyon at kaalaman patungkol sa buwan ng wika na tinatawag natin na

Ang ating wika ay isang katanyagan at tanda sa ating bansa, kaya nang sa ganon ay alam nyo ba na ang ating Wikang Tagalog na siyang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay ay nahaluan at naimpluwensyahan ng 'Malayan Polynesian' na siyang isa sa dumayo sa ating bansa.

Para sa iba pang kaalaman, halina't amin kayong inaanyayahan na umantabay sa ating page " Matangawin ANHS ANNEX Filipino Club".

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.

18/08/2022

Magandang Araw Annexians!

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang buwan ng mga wika.

Ang Buwan ng Wika ay ang pagdiriwang sa wikang Filipino na ginugunita taon-taon tuwing Agosto. Layon nitong pagtibayin, at maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino.

Ito ay ginagawa upang alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas.

Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon.

Photos from Matanglawin ANHS ANNEX Filipino Club's post 15/08/2022

Magandang Araw Annexians!!

Ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika ngayon na may temang: "Filipino at mga katutubong wika: kasangkapan sa pagtuklas at paglikha". Kaya Narito ang ilan sa mga patimpalak na aming inihanda para sa inyong lahat na sisimulan ngayong Agosto 14 hanggang Agosto 24.

Ikaw ba ay may talento o kakayahan sa pagsulat ng malayang tula at sa pag gawa ng sanaysay? Kung oo, halina't sumali sa aming aktibidad!

Sa patimpalak na ito, maipapamalas ang galing at kakayahan ninyong sumulat o gumawa ng malayang tula at sanaysay na galing sa inyong puso, damdamin, at isipan.

Sa mga interesadong sumali sa mga aktibidad na ito, maari lamang na ipa-alam o magpatala sa mga kawani ng Filipino Club o sa mga G**o ng Filipino na sina:
B7- Gng. Perez
B8- Gng. Aboloc
B9- Gng. Delfin
B10- Gng. Magan

Inaasahan po namin ang inyong pakikilahok!
Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Diyos.


¿Quieres que tu escuela/facultad sea el Escuela/facultad mas cotizado en Asunción?

Haga clic aquí para reclamar su Entrada Patrocinada.

Localización

Página web

Dirección


Asunción
4026