27/08/2026
𝑫𝒆𝒏𝒈𝒖𝒆 𝑬𝒑𝒊𝒅𝒆𝒎𝒚𝒂: 𝑳𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝑴𝒂𝒂𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒊𝒃𝒂𝒏
ni Rose Eyana Adala
Hindi kailangang malaki ang isang kalaban upang maging malaki ang pinsalang maidulot nito. Sa Zamboanga City, hindi na lamang simpleng kagat ng lamok ang kinakaharap ng mga mamamayan—isa na itong krisis na kumakatok sa bawat tahanan.
𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐨, 𝐇𝐮𝐝𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭
Naiulat ang karagdagang 201 kaso ng dengue mula Hulyo 30 hanggang Agosto 22, 2026, dahilan upang umabot sa 2,140 ang kabuoang bilang ng mga kaso sa Zamboanga City mula Enero 1 hanggang Agosto 22, 2026, ayon sa pinakahuling datos ng City Health Office.
Samantala, sa loob lamang ng Agosto 16 hanggang Agosto 22, 2026 ay umabot sa 111 kaso ng dengue ang naitala.
Ang 2,140 kaso ng dengue na naitala mula simula ng taon hanggang Agosto 22, 2026 ay 96% mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2025 at 55% mas mataas naman kaysa sa limang-taong average.
Nanatili ring lampas sa epidemic threshold ang lingguhang bilang ng mga kaso sa loob ng siyam na magkakasunod na linggo.
Narito ang mga barangay na may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 22, 2026:
Calarian – 126 kaso
Sta. Maria – 123 kaso
Ayala – 100 kaso
Talon-Talon – 96 kaso
Mercedes – 86 kaso
Tumaga at Tetuan – 85 kaso
Putik – 67 kaso
Tulungatung – 53 kaso
Talisayan -52 kaso
Divisoria – 50 kaso
Campo Islam– 46 kaso
Samantala, nagsagawa ang mga barangay, paaralan, at mga kabahayan ng mas pinaigting na search and destroy operations bilang suporta sa panawagan ng pamahalaang lungsod para sa “Guerra Contra Dengue”, na inilunsad noong Lunes, Agosto 17, 2026 sa flag-raising ceremony sa City Hall.
𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧
Matagumpay na nagsagawa ng mosquito fogging ang Sinunuc National High School noong Agosto 20, 2026 bilang tugon sa kampanya ng lokal na pamahalaan sa “Guerra Contra Dengue”.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan nina Carmelita Olaso, Midwife ng Barangay Health Center, kasama ang mga Barangay Health Worker, mga tauhan ng PNP PS8, Analiza Almonte, ARH/School Clinic In-Charge, Clarizzel De Jesus, School Clinic In-Charge, at mga School Utility Staff, sa suporta ng Punongg**o, Jennifer P. Cawaling at mga g**o ng SNHS.
Masusing pinausukan ang mga silid-aralan, laboratoryo, tanggapan, at iba pang lugar sa loob ng paaralan upang makatulong na makontrol ang pagdami ng mga lamok at mabawasan ang panganib ng pagkalat ng dengue.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap na ito, patuloy na binibigyang-prayoridad ng Sinunuc National High School ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng buong komunidad ng paaralan. Hinihikayat din ng paaralan ang lahat na manatiling mapagmatyag at aktibong makiisa sa pag-iwas sa dengue sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng kanilang paligid at pagtiyak na walang mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok.
Bilang mag-aaral, maaaring makiisa sa “Guerra Contra Dengue” sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng paaralan. Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, pag-aalis ng naipong tubig, at pakikilahok sa mga clean-up drive ay malaking tulong upang maiwasan ang pamumugaran ng lamok. Sa sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral, g**o, at kawani, nagiging mas ligtas at malinis ang paaralan at mas napapalakas ang laban kontra dengue.
𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭
Sa kabuuan, Ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga City ay isang seryosong banta sa kalusugan ng publiko, lalo na sa mga kabataan. Ang pagdeklara ng epidemya ay nagpapakita ng bigat ng sitwasyon at ng agarang pangangailangan ng pinagsama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga barangay, paaralan, at bawat pamilya. Ang tagumpay ng kampanyang "Guerra Contra Dengue" ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng lahat.