03/09/2026
BALITA I 𝑷𝒊𝒏𝒌 𝑾𝒐𝒍𝒗𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒂𝒅𝒆 𝟏𝟏, 𝑲𝒂𝒎𝒑𝒆𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝑽𝒐𝒍𝒍𝒆𝒚𝒃𝒂𝒍𝒍-𝑩𝒐𝒚𝒔 I ni Junaida J. Abdulganih
MULA SA PAGKATALO, TUMINDIG AT NAGWAGI. Ipinamalas ng Pink Wolves ng Grade 11 ang tibay ng loob at determinasyon matapos nitong angkinin ang kampeonato sa Volleyball Boys kontra sa Yellow Tigers ng Grade 9, 30-28, sa isang dikdikan at kapana-panabik na sagupaan na ginanap sa Paaralang Pampalakasan ng Sinunuc National High School noong Setyembre 2, 2026.
Bago makarating sa kampeonato, sumabak sa apat na matitinding laban ang Pink Wolves. Sa kanilang unang laro, hindi naging pabor sa kanila ang resulta matapos silang pataubin ng Gray Jaguars ng Grade 12, 2-1. Sa halip na panghinaan ng loob, ginawa nilang inspirasyon ang pagkatalo upang mas pag-ibayuhin ang kanilang laro.
Sa ikalawang laban, agad na bumangon ang Pink Wolves at ipinakita ang kanilang husay sa opensa at depensa nang walisin ang Blue Mamba ng Grade 10, 2-0. Nagpatuloy ang kanilang momentum nang muli nilang makaharap ang Gray Jaguars sa susunod na laban.
Sa pagkakataong ito, ibang Pink Wolves ang humarap sa court. Bitbit ang determinasyon at kumpiyansa, gumanti ang Pink Wolves ng Grade 11 at tinalo ang Grade 12 Gray Jaguars sa iskor na 2-0, dahilan upang makausad sila sa laban para sa kampeonato.
Sa championship match, kapwa ipinakita ng Pink Wolves at Yellow Tigers ang kanilang galing at determinasyon. Hindi nagpatalo ang dalawang koponan sa bawat rally habang patuloy na nagpalitan ng matitinding atake at depensa. Umabot ang laban sa dikit na iskor na 28-28 bago tuluyang kumawala ang Pink Wolves.
Sa mga huling puntos, nanaig ang determinasyon ng Grade 11 squad. Sa pamamagitan ng dalawang sunod na puntos, tuluyang isinara ng Pink Wolves ang laban, 30-28, upang maiuwi ang kampeonato sa Volleyball Boys.
Ito naman ang naging kabuoang resulta ng Volleyball-boys tournament:
1. Kampeon – Pink Wolves, Grade 11
2. 2nd Place – Yellow Tigers, Grade 9
3. 3rd Place – Gray Jaguars, Grade 12
4. 4th Place – Green Dragons, Grade 7
5. 5th Place – Blue Mamba, Grade 10
6. 6th Place – Red Hawks, Grade 8
Ang tagumpay ng Pink Wolves ay patunay na ang isang pagkatalo ay hindi nangangahulugang katapusan ng laban. Sa halip, maaari itong maging daan upang mas maging matatag, determinado, at pursigido ang isang koponan.
Mula sa pagkadapa sa unang laro hanggang sa pag-angkin ng kampeonato, pinatunayan ng Pink Wolves ng Grade 11 na hindi ang simula ang nagdidikta ng magiging resulta, kundi ang tapang na bumangon, magpatuloy, at lumaban hanggang sa huling puntos.
BALITANG ISPORTS I 𝑷𝒊𝒏𝒌 𝑾𝒐𝒍𝒗𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒂𝒅𝒆 𝟏𝟏, 𝑲𝒂𝒎𝒑𝒆𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝑽𝒐𝒍𝒍𝒆𝒚𝒃𝒂𝒍𝒍-𝑩𝒐𝒚𝒔 I ni Junaida J. Abdulganih