TESD BARMM Rlsi-Zclo

TESD BARMM Rlsi-Zclo Wanna be a grantee of our free language courses? Find out more โ†“ Like us: facebook.com/tesda.armm.lsi.z.c

TESDA-ARMM Zamboanga City Liaison Office - Language Skills Institute (abbreviated as TESDA-ARMM ZCLO-LSI or TESDA-ARMM LSI) provides language skills training to job-ready Filipinos intending to work locally and overseas. Its main intended prospects are the people of Sulu Archipelago. Learn more: goo.gl/yDxGw7

For inquiry, contact or visit us during regular office hours: 8:00 AM - 12:00 PM, 1:00 PM - 5:00 PM, Monday to Friday (excluding holidays). We're located near Landbank-Veterans.

= = = = = = = = = = = = = =

Vision:
TESDA is the leading partner in the development of the Filipino workforce with world-class competence and positive work values. Mission:
TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skill development. Values Statement:
We believe in demonstrated competence, institutional integrity, personal commitment and deep sense of nationalism.

๐‘๐‹๐’๐ˆ, ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐Ÿ’.๐Ÿ–๐Ÿ“ ๐‘๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Œ๐ข๐-๐˜๐ž๐š๐ซ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ (๐Œ๐˜๐๐€)Kasalukuyang isinasagawa ng Ministry of Basic...
22/09/2026

๐‘๐‹๐’๐ˆ, ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐Ÿ’.๐Ÿ–๐Ÿ“ ๐‘๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Œ๐ข๐-๐˜๐ž๐š๐ซ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ (๐Œ๐˜๐๐€)

Kasalukuyang isinasagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education โ€“ Technical Education and Skills Development (MBHTEโ€“TESD) ang 2026 Mid-Year Performance Assessment (MYPA) para sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang assessment ay ginaganap sa Dahilayan Forest Park, Bukidnon, at nakatakdang magpatuloy hanggang September 25, 2026.

Nakamit ng Regional Language Skills Institute (RLSI) ang 4.85 rating sa isinagawang assessment noong September 22, 2026, na nagpapakita ng mahusay na pagganap at patuloy na pagsisikap sa mga gawain ng tanggapan.

Ang mataas na rating ay patunay ng mahusay na pamumuno ni Mr. Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator, na patuloy na gumagabay sa RLSI tungo sa mas mahusay na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo, kasama ang dedikasyon at pagsisikap ng buong RLSI team.

Patuloy na pinagtitibay ng RLSI ang kalidad ng mga programa at serbisyo lalo na para sa mga Bangsamoro learners.



๐‘๐‹๐’๐ˆโ€“๐™๐‚๐‹๐Ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐‚๐๐“๐Œ ๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐ˆ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ 18, 2026 | ๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฆ๐ž ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐พ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐พ๐—ฟ๐˜†,Zamboanga City โ€” Matagump...
18/09/2026

๐‘๐‹๐’๐ˆโ€“๐™๐‚๐‹๐Ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐‚๐๐“๐Œ ๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐ˆ

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ 18, 2026 | ๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฆ๐ž ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐พ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐พ๐—ฟ๐˜†,
Zamboanga City โ€” Matagumpay na natapos ng mga trainers ng MBHTE TESD Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSIโ€“ZCLO) ang Community-Based Trainers Methodology (CBTM) Level I noong September 18, 2026, sa pangunguna ni Mr. Ferdinand De Roma bilang trainer.

Pinangunahan at sinuportahan ni Mr. Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator ang pagpapatupad ng training para sa mga RLSI trainers bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang kahandaan sa pagsasagawa ng Community-Based Training (CBT).

Bilang output, bumuo ang mga kalahok ng Portfolio for CBTM Level I batay sa kani-kanilang language qualifications bilang training reference para sa pagsasagawa ng community-based training at paghahatid ng de-kalidad na language training sa mga komunidad, lalo na sa mga Bangsamoro learners.

Patuloy na isinusulong ng RLSIโ€“ZCLO ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga trainers upang maging handa sa community-based training at mas mapalawak ang access sa language training sa mga komunidad.



๐‘๐‹๐’๐ˆโ€“๐™๐‚๐‹๐Ž, ๐Œ๐ˆ๐‹๐… ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐ ๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ 17, 2026 | ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐– ๐›๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐พ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐พ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น...
17/09/2026

๐‘๐‹๐’๐ˆโ€“๐™๐‚๐‹๐Ž, ๐Œ๐ˆ๐‹๐… ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐ ๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ 17, 2026 | ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐– ๐›๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐พ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐พ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐ค๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ

Isinagawa noong Setyembre 17, 2026 ang courtesy visit ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSIโ€“ZCLO), kasama si Mr. Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator ng RLSIโ€“ZCLO, at si Mr. Saylola Abdulmin, Administrator ng Moro Islamic Liberation Front (M**F), sa TESDA Zamboanga Sibugay Provincial Office upang talakayin ang mga posibleng larangan ng pagtutulungan para sa mga komunidad.

Sinalubong ang grupo nina Acting Provincial Director Ms. Gladys A. Tiongco at Engr. Hermil B. Contravida, Acting Administrator, para sa talakayan hinggil sa mga oportunidad para sa koordinasyon at mga programang maaaring isulong para sa mga benepisyaryo sa komunidad.

Binigyang-diin sa pag-uusap ang pagtutulungan ng mga institusyon at stakeholders upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga komunidad at makapaglatag ng mga angkop na programa at inisyatiba, partikular sa technical-vocational education and training at language skills development.

Layunin ng nasabing pakikipag-ugnayan na mapalakas ang ugnayan ng mga tanggapan at organisasyon at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Bangsamoro learners at iba pang community beneficiaries.



๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Œ๐ˆ๐‹๐… ๐๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ซ๐ข๐ž๐ฌ, ๐’๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆZAMBOANGA SIBUGAY โ€” Matagumpay na isinagawa ng Regi...
16/09/2026

๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Œ๐ˆ๐‹๐… ๐๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ซ๐ข๐ž๐ฌ, ๐’๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

ZAMBOANGA SIBUGAY โ€” Matagumpay na isinagawa ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSIโ€“ZCLO) ang Training Induction Program (TIP) para sa 100 bagong Bangsamoro Scholarship Program for Technical Vocational Education and Training (BSPTVET) Scholars mula sa mga benepisyaryo ng Moro Islamic Liberation Front (M**F), na sasailalim sa Community-Based Training (CBT), noong Setyembre 16, 2026 sa Camp Salman, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Pinangunahan ni OIC-Center Administrator Abdulhakim T. Sauti Jr. ang TIP, na naglalayong ihanda ang mga bagong iskolar sa kanilang training at bigyan sila ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga alituntunin ng scholarship program, mga responsibilidad bilang iskolar, at iba pang detalye ng kanilang pagsasanay.

Dumalo rin sa programa si Saylola Abdulmin, Administrator ng M**F, bilang katuwang sa aktibidad para sa mga benepisyaryo ng M**F. Ang 100 BSPTVET Scholars ay nakatakdang magsimula sa kanilang Arabic Language A1 Level training sa Setyembre 21, 2026.

Sa naturang pagsasanay, magkakaroon ang mga iskolar ng pagkakataong malinang ang kanilang pangunahing kasanayan sa wikang Arabic sa pamamagitan ng programang inilalapit sa kanilang komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng RLSIโ€“ZCLO ang layunin ng โ€œNo Bangsamoro Learner Left Behindโ€ sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa training na mas naaabot ng mga Bangsamoro learners at tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.



๐Ÿ•๐Ÿ’ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฏ๐ข๐š ๐™๐จ๐จ๐ฆIsang makabuluhang pagtatapos ang isinagawa sa Culmin...
13/09/2026

๐Ÿ•๐Ÿ’ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฏ๐ข๐š ๐™๐จ๐จ๐ฆ

Isang makabuluhang pagtatapos ang isinagawa sa Culmination Program ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSIโ€“ZCLO) para sa pitumpuโ€™t apat (74) na nagsipagtapos ng English Language, Spanish Language, at Bahasa Melayu sa ilalim ng BSPTVET Scholars Program noong September 9, 2026, sa pamamagitan ng Zoom platform.

Kabilang sa mga nagsipagtapos ang sumusunod:

English Language A2 Level โ€“ 25 graduates
Spanish Language A1 Level โ€“ 25 graduates
Bahasa Melayu A1 Level โ€“ 24 graduates

Pinangunahan ni OIC-Center Administrator Abdulhakim T. Sauti Jr. ang nasabing programa, kung saan kinilala niya ang tagumpay at pagsisikap ng mga graduates sa matagumpay na pagkumpleto ng kanilang language training.

Sa pamamagitan ng online training, nabigyan ang mga scholars ng pagkakataong matuto at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa ibaโ€™t ibang wika sa kabila ng mga hamon ng distance learning. Ang kanilang pagtatapos ay nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa higit na pagpapalawak ng kanilang kaalaman, pagpapalakas ng kanilang confidence sa paggamit ng bagong wika, at paghahanda para sa mga oportunidad sa edukasyon at trabaho sa local at international.

Patuloy namang isinusulong ng RLSIโ€“ZCLO ang pagbibigay ng accessible, relevant, at learner-focused na language training programs para sa mga Bangsamoro learners. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na nabubuksan ang mas maraming oportunidad na mapaunlad ang kanilang language skills at maging mas handa sa mga hamon at oportunidad sa hinaharap.




๐Ÿ“๐ŸŽ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐„๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก ๐š๐ญ ๐€๐ซ๐š๐›๐ข๐œ ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ Matagumpay na ipinagdiwang ng Regio...
09/09/2026

๐Ÿ“๐ŸŽ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐„๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก ๐š๐ญ ๐€๐ซ๐š๐›๐ข๐œ ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ 

Matagumpay na ipinagdiwang ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSIโ€“ZCLO) ang Culmination Program para sa limampung (50) BSPTVET Scholars noong September 9, 2026, na binubuo ng dalawampuโ€™t limang (25) graduates ng English Language A1 Level Batch 15 sa LHB II Building, Veterans Avenue, Zamboanga City, at dalawampuโ€™t limang (25) graduates ng Arabic Language A1 Level sa Sampaloc Drive, Talon-Talon, Zamboanga City, na isinagawa sa ilalim ng Community-Based Training.

Ang English Language A1 Level training ay pinangunahan ni Trainer Aldnadz M. Asbi, habang si Trainer Saida U. Urie naman ang nanguna sa Arabic Language A1 Level training. Ang Arabic language training ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Markaz Qiraโ€™at Al-Qurโ€™an Wal-Luga at Masjid Al-Ghanim, bilang bahagi ng Community-Based Training na naglalayong mailapit ang language learning opportunities sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng dalawang language training programs, nalinang ng mga trainees ang kanilang pangunahing kaalaman at kasanayan sa wikang Ingles at Arabic. Ang kanilang matagumpay na pagkumpleto sa training ay nagsisilbing mahalagang hakbang sa patuloy na pagkatuto at pag-unlad ng kanilang communication skills.

Patuloy na nagbibigay ang RLSIโ€“ZCLO ng accessible at relevant na language training programs para sa mga bangsamoro learners, na naglalayong mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan bilang paghahanda sa kanilang personal, educational, at career development.




๐Ÿ“๐ŸŽ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐š๐ฌ๐ž๐ ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฐ๐ข-๐“๐š๐ฐ๐ขMatagumpay na isinagawa ng ...
05/09/2026

๐Ÿ“๐ŸŽ ๐๐’๐๐“๐•๐„๐“ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐š๐ฌ๐ž๐ ๐‹๐š๐ง๐ ๐ฎ๐š๐ ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฐ๐ข-๐“๐š๐ฐ๐ข

Matagumpay na isinagawa ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office (RLSI-ZCLO) ang Culmination Program para sa limampung (50) BSPTVET Scholars ng Arabic A1 Level at English Language A2 Level sa ilalim ng Community-Based Training (CBT) noong Setyembre 4, 2026, sa Holy Rosary Parish Formation Hall, Badjaw Village, Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi.

Pinangunahan nina Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator ng RLSI, at Ranisa J. Ejinnajar, Commissioner, Bangsamoro Women Commission (BWC) Tawi-Tawi, ang programa, kasama ang mga panauhing sina Dr. Maryam S. Nuruddin, Provincial Director, TESD Tawi-Tawi Provincial Training Center (PTC), at Elmin H. Arsad, Center Administrator, TESD Tawi-Tawi PTC, na kinatawan ni Ms. Kimberly Tanjilul, TESD Specialist.

Sa pakikipagtulungan ng RLSI-ZCLO at BWC Tawi-Tawi, nabigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kasanayan sa Arabic at English, na maaaring magsilbing karagdagang puhunan para sa kanilang edukasyon, trabaho, at iba pang oportunidad.

Naging bahagi ng matagumpay na pagsasanay ang mga trainers na sina Nur-Aina L. Lara, Arabic Trainer, at Rhodora Angela Tee, English Trainer, na gumabay sa mga scholars sa kanilang learning journey.

Ang culmination program ay nagsilbing pagkilala sa pagsisikap at tagumpay ng mga scholars at patunay sa patuloy na pagsusulong ng accessible, inclusive, at community-based language training para sa mga Bangsamoro learners.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng RLSI-ZCLO ang layuning mapaunlad ang kakayahan ng mga learners at mabigyan sila ng mas maraming pagkakataong matuto, umunlad, at makapaghanda para sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.



๐Ž๐ฎ๐ซ ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ ๐ก๐ข๐ซ๐ข๐ง๐ ! ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐จ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ฒ ๐ง๐จ๐ฐ!
01/09/2026

๐Ž๐ฎ๐ซ ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ ๐ก๐ข๐ซ๐ข๐ง๐ !

๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐จ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ฒ ๐ง๐จ๐ฐ!

๐Ÿ“ฃ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐๐„๐—๐“ ๐‚๐€๐‘๐„๐„๐‘ ๐’๐“๐€๐‘๐“๐’ ๐‡๐„๐‘๐„.

Are you fluent in both Spanish and English? Do you have experience supporting leasing operations and enjoy coordinating processes with accuracy and professionalism?

If so, we'd love to welcome you to the Upstaff team!

๐Ÿ’ผ ๐๐จ๐ฐ ๐‡๐ข๐ซ๐ข๐ง๐ :
Leasing Coordinator (Spanish-Speaking)

๐Ÿ“„ Apply here:
https://forms.gle/5Cxw8BRtBqvabj3h8

๐ŸŒŸ ๐–๐ก๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ค๐ž๐ฌ ๐˜๐จ๐ฎ ๐€ ๐†๐ซ๐ž๐š๐ญ ๐…๐ข๐ญ?

โœ”๏ธ Fluent in Spanish (Hispanic) and English with excellent verbal and written communication skills

โœ”๏ธ Previous experience as a Leasing Coordinator, Property Management Assistant, Leasing Administrator, or in a similar customer service or administrative role is highly preferred

โœ”๏ธ Strong understanding of leasing processes, tenant application processing, and move-in coordination

โœ”๏ธ Excellent organisational skills with strong attention to detail and the ability to manage multiple leasing applications simultaneously

โœ”๏ธ Able to communicate professionally with tenants, applicants, property managers, and internal stakeholders

โœ”๏ธ Comfortable working US West Coast business hours

๐ŸŒŸ ๐–๐ก๐ฒ ๐‰๐จ๐ข๐ง ๐”๐ฉ๐ฌ๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ?

โœจ Be part of a collaborative team supporting US-based property management operations

โœจ Develop your career in a professional and growth-oriented environment

โœจ Work alongside experienced professionals while delivering an exceptional leasing experience

๐ŸŽ ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ž๐ž ๐๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐ญ๐ฌ

โ˜‘๏ธ Self Insurance
โ˜‘๏ธ Government Statutory Benefits
โ˜‘๏ธ Monthly Transportation Allowance

If you're a bilingual professional with strong coordination skills and a passion for delivering an outstanding customer experience, we'd love to hear from you.

๐Ÿ“Œ Get in touch with us:

๐ŸŒ Facebook: https://www.facebook.com/upstaffzamboanga
๐Ÿ“ง [email protected]

๐Ÿš€ ๐‡๐ž๐ฅ๐ฉ ๐๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž ๐…๐ข๐ง๐ ๐“๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐๐ž๐ฑ๐ญ ๐‡๐จ๐ฆ๐ž. ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐ ๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐‚๐š๐ซ๐ž๐ž๐ซ ๐–๐ข๐ญ๐ก ๐”๐ฉ๐ฌ๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ.

30/08/2026
๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐‚๐š๐Ÿรฉ ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ: ๐€๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐMatagumpay na Isinagawa ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City ...
25/08/2026

๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐‚๐š๐Ÿรฉ ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ: ๐€๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ

Matagumpay na Isinagawa ng Regional Language Skills Instituteโ€“Zamboanga City Liaison Office ang World Cafรฉ of Opportunities sa unang araw, bilang bahagi ng pagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa paghahanap ng trabaho at pakikipag-ugnayan sa mga industriya.

Dinaluhan ito ng mga RLSI graduates at iba pang job seekers, na nagkaroon ng pagkakataong makipag-ugnayan at mag-apply sa mga partner industry. Kabilang sa mga lumahok na kumpanya ang UPSTAFF Outsourcing, Royale Vows, AK Global Connect, at Vintazk Outsourcing, na nagbahagi ng iba't ibang oportunidad para sa mga aplikante.

Sa unang araw ng aktibidad, isang aplikante ang agad na na-Hired on the Spot (HOTS) ng Royale Vows, na isa sa mga positibong resulta ng direktang pag-uugnay ng mga job seekers sa mga partner employers.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, patuloy na nagsisilbing tulay ang RLSI sa pagitan ng mga graduates, job seekers, at mga industriya upang mapalawak ang kanilang access sa mga oportunidad para sa employment at career development.

Magpapatuloy ang World Cafรฉ of Opportunities sa Agosto 26, 2026, simula 8:00 AM para sa ikalawang araw ng aktibidad. Muling inaanyayahan ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang pagkakataong makipag-ugnayan sa ating partner employers at tuklasin ang iba't ibang oportunidad na maaaring maging daan sa kanilang susunod na career journey.

Address

Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171345660

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TESD BARMM Rlsi-Zclo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to TESD BARMM Rlsi-Zclo:

Shortcuts

Share