31/08/2026
WIKA NATIN, YAMAN NATIN! 💪🏻🇵🇭
Sa bawat salitang binibigkas, may kuwentong nag-uugnay sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. ✍🏻📝
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, muli nating ipamalas ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika—sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usap, kundi salamin ng ating pagkatao bilang isang bayan. 🥳🎉
Makiisa, makilahok, at ipagmalaki ang sariling atin!
Dahil ang wikang ating minana ay yaman na dapat nating pangalagaan, pagyamanin, at ipasa sa susunod na henerasyon.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! 🇵🇭☀️
✍🏻: Kathrina Miel Cuartocruz
🧑💻: Adriane Jhay Francisco