20/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ || โ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ -๐๐๐ฉ๐ข ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐๐ฉ๐ข.โ
Ngayong araw, ipinagdiriwang ang ika-165 na kaarawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Josรฉ Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang โJose Rizalโ. Ipinanganak sa Calamba, Laguna, si Rizal ay kilala bilang isang nasyonalista, polymath, ophthalmologist, at nobelista na nagpamalas ng pambihirang talino at naging isang tunay na henyo mula kamusmusan hanggang sa kaniyang pagtanda.
Sa pamamagitan ng kaniyang mga obra maestrang Noli Me Tรกngere at El Filibusterismo, buong-tapang niyang nailantad ang mga kanser ng lipunan, kasakiman, at katiwalian sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol. Dahil dito, namulat ang damdamin ng sambayanang Pilipino upang mag-alsa para sa kalayaan.
Mula noon hanggang ngayon, nananatili siyang bilang isang dakilang inspirasyon. Ipinatunayan ni Rizal na ang edukasyon, talino, at mapayapang panulat ay mas mabisang sandata kaysa sa dahas upang baguhin ang lipunan. Sa kabila ng marangyang buhay, pinili niyang ialay ang kaniyang sarili upang gisingin ang pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa sariling bayan.
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐จ๐๐
๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐
๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐