10/08/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง, ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ
Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Baitang 9 ang kanilang galing sa paggawa at pagdisenyo ng kani-kanilang slogan bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa at pagpapahalaga sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.
Ang mga nabuong slogan ay naglalayong ipahayag sa atin lalo na sa mga kabataan ang magandang naidudulot ng AI subalit lagi nating ikintal sa isipan na ito'y kasangkapan at gabay lamang sa pagpapalawak ng pagkatuto at kaalaman, hindi dahilan upang maisantabi at maitago ang tunay na galing, kasanayan at kaalaman ng isang tao.
Lagi nating tatandaan na ang wikang Filipino ay isang paraan upang matuto at makadiskubri ng kaalaman at ang AI ay kasangkapan na makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman. Gamitin ito nang ๐๐๐๐ at sa ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
06/08/2026
Muli nating balikan at pag-aralan ang mga Bahagi ng Pananalita๐
03/08/2026
Ang San Roque National High School ay nakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon".
Ang tema ay naglalayong ituring ang AI bilang katuwang ng wika sa pagpapalaganap ng kaalaman sa makabagong panahon, subalit lagi nating pakatandaan na ang AI ay gabay lamang hindi kapalit ng tao. Gamitin ito nang wasto at bilang gabay lamang sa iyong pagkatuto. San Roque National High School
17/07/2026
Kashra Dangkahan
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ฏ๐๐๐ฅ!
Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ฆ๐
Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.
Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.
Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!
11/02/2026
OPISYALES NG SAMAHANG FILIPINO 2025-2026
11/02/2026
Available po sa murang halaga!
Mag-comment lamangโค๏ธ
23/11/2025
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG PAGBASA, SINIMULAN NA!
Sinimulan na ng San Roque National High School ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa sa pangunguna ng Language Department. Isa sa mga unang aktibidad na inilunsad ay ang Snail Mail, na muling nagbigay-buhay sa tradisyonal na paraan ng komunikasyonโang pagsusulat ng liham.
Masigla at sabik ang mga mag-aaral mula ibaโt ibang baitang habang isinusulat at ipinapadala nila ang kanilang mga liham para sa mga kaibigan, hinahangaan, at maging sa kanilang mga g**o. Naghatid ang aktibidad ng kakaibang karanasan na nagpaalala sa kahalagahan ng pagbasa at pagsulat sa gitna ng makabagong panahon.
Tiniyak naman ng paaralan na marami pang inihandang aktibidad sa buong buwan na tiyak na ikasasaya ng mga mag-aaral. Sa pagpapatuloy ng selebrasyon, layon ng San Roque National High School na maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbasa.