22/09/2026
Assalamu Alaykum warahmatullahi wabarakatuho
๐ข PAANYAYA SA ATING LAHAT NA MURID NG MAHAD
Ang ating Monthly Islamic Symposium ay hindi lamang isang simpleng pagtitipon. Ito ay kabilang sa mga palatandaan ng ating pananampalataya at isang magandang pagkakataon upang maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa Mahad at sa kaalamang ipinagkakaloob sa atin ng Allah.
Huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa atin. Kapag dumating ang araw ng ating symposium, sana ay samantalahin natin ang oras na iyon sa pagdalo, pakikinig at pagkatuto.
Kung wala naman tayong mahalagang ginagawa sa bahay sa araw na iyon, mas mainam na magtipon tayo bilang magkakapatid sa Islam at suportahan natin ang ating Monthly Islamic Symposium.
Isang beses lamang ito ginaganap bawat buwan. Bihira lamang nating binibigyan ng Allah ng ganitong pagkakataon upang magsama-sama, makinig sa mga paalala, matuto ng kaalaman sa Islam, at palakasin ang ating pananampalataya.
Kaya mga murid at students ng Mahad, hinihikayat ko kayong lahat na makiisa at dumalo. Ang inyong presensya ay malaking suporta sa ating Mahad at sa mga taong nagsisikap na ipagpatuloy ang mga ganitong gawain.
๐คฒ Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito. Samantalahin natin ang bawat oras na ipinagkakaloob sa atin ng Allah para sa paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.
Halinaโt magtipon-tipon, matuto, makinig, at suportahan natin ang ating Mahad.
ุจุงุฑู ุงููู ูููู
ุฌู
ูุนูุงุ ูุฌุฒุงูู
ุงููู ุฎูุฑูุง.
Bฤrakallฤhu fฤซkum jamฤซสฟan, wa jazฤkumullฤhu khayran.