10/09/2026
BUWAN NG WIKA 2026
TEMA: “WIKANG FILIPINO AT AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."🤖📚🇵🇭
Isang makulay, makabuluhan, at puno ng talento ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ginanap ngayong Setyembre 8, 2026 sa Mahad Al-Qur'an Wal Hadith Integrated Learning Center.
Mula Kinder hanggang Junior High School, buong sigla at pagmamalaki na nakiisa ang ating mga mag-aaral sa iba't ibang paligsahan na nagbigay-daan upang maipamalas ang kanilang talento, pagkamalikhain, kaalaman, at pagmamahal sa wikang Filipino. 🥰👏
📌 Poster Making🎨
📌 Slogan Making ✍️
📌 Likhakwento 📖
📌 Tahirawan🎭
📌 Dokyuwento 🎥
Lalong naging makulay ang selebrasyon sa pagsusuot ng mga mag-aaral ng kanilang kani-kaniyang Filipino attire, na sumasalamin sa yaman at kagandahan ng ating kultura at tradisyon.
Sa pagdiriwang na ito, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang ating wika, kundi binibigyang-halaga rin natin ang makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa pagkuha at pagbabahagi ng impormasyon.
Saludo kami sa lahat ng mag-aaral, g**o, at buong MQH-ILC community na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito.