26/07/2025
🌿 Ang Manalipa Integrated School ay Nakikiisa sa Pagdiriwang ng World Mangrove Day! 🌊
Bilang isang paaralan na matatagpuan sa isla at napapalibutan ng mayamang yamang-dagat, buong puso ang pakikiisa ng Manalipa Integrated School at ng Project W.A.T.C.H sa selebrasyon ng World Mangrove Day. Ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng mga bakawan sa ating kalikasan tuwing ika-26 ng Hulyo — bilang tahanan ng maraming lamang-dagat, panangga sa matitinding bagyo at pagbaha, at tagapangalaga ng ating baybaying-dagat laban sa pagguho ng lupa.
Sa pamamagitan ng mga gawaing pangkapaligiran, edukasyon, at aktibong pakikilahok ng mga g**o, mag-aaral, at buong komunidad, ating pinapalalim ang kaalaman at pagpapahalaga sa mga bakawan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang selebrasyong ito upang patuloy nating pangalagaan, pagyamanin, at protektahan ang ating kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
🌱Kalikasan ay kayamanan — alagaan natin ang ating bakawan!