19/08/2026
Tingnan|
Nagsimula nang mag-ayos ng kani-kanilang mga kubo ang mga estudyante mula Baitang 7 hanggang 12 bilang paghahanda sa isa sa mga pangunahing aktibidad ng Buwan ng Wika na gaganapin bukas, Agosto 20.
Tampok sa nasabing pagdiriwang ang pagdadala ng mga tradisyunal na pagkaing mula sa iba't ibang nayon. Inaasahan ding magsusuot ng Barong Tagalog at Filipiniana o Saya ang mga mag-aaral at g**o bilang pakikiisa sa taunang pambansang okasyon.
Lalong magiging makulay ang selebrasyon sa ipinamalas na kooperasyon ng bawat baitang sa pagdidisenyo ng kani-kanilang mga kubo na magsisilbing sentro ng mga aktibidad bukas.