03/08/2026
Malugod na sinimulan ng Tambobong Balacanas National High School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, sa pangunguna ni Ginoong Ernesto A. Seco, Punong G**o; Gng. Annierose A. Baconguis, District Filipino Coordinator; at Gng. Dazzel Erra R. Pascua, School Filipino Coordinator, kasama ang buong pamilya ng TBNHS.
Bilang hudyat ng makabuluhang pagdiriwang, nagsuot ang mga g**o ng makukulay at tradisyunal na kasuotang Pilipino bilang pagpapakita ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pagmamalaki sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng ating bansa. Ang simpleng gawaing ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng buong paaralan sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at pambansang identidad.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, patuloy na hinihikayat ang bawat isa na mahalin, gamitin, at pagyamanin ang wikang Filipino bilang tulay sa mas malalim na pag-unawa, pananaliksik, at pagbabahagi ng kaalaman.