30/05/2025
๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ!
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa SY 2025โ2026, isasagawa ang Brigada Eskwela sa darating na Hunyo 9โ13, 2025. Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, estudyante, alumni, partners, at iba pang miyembro ng komunidad na makiisa sa gawaing ito upang mapaghandaan ang pagbabalik ng ating mga mag-aaral.
๐ Ano ang kailangan?
May mga kagamitan po tayong kinakailangan para sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan. (Makikita po sa mga kalakip na larawan ang listahan ng ilan sa mga ito)
๐ค Paano tumulong?
Lubos po namin ipagpapasalamat ang mga nais mag-volunteer! Maaaring makipag-ugnayan agad sa aming opisina o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page upang maayos natin ang inyong schedule ng pakikiisa sa buong linggo ng Brigada Eskwela.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating paaralan at mga mag-aaral. Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at masiglang pagbabalik-eskwela!