ANG Patdan - Victorias National High School

ANG Patdan - Victorias National High School Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Lungsod ng Victorias — JHS

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-7 Lingguhang Seremonya sa VNHSHulyo 20, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng...
21/07/2026

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-7 Lingguhang Seremonya sa VNHS
Hulyo 20, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias - Main Stage

Matagumpay na isinagawa ang Ika-7 Lingguhang Seremonya ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias ngayong Hulyo 20, 2026 sa Main Stage ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa panalangin ni Bb. Amber Jimenez. Sinundan ito ng sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa sa Watawat na pinangunahan ni Bb. Jaymie Ishmika Bedoya, at Panatang Makabayan na pinangunahan naman ni Bb. Heather Trestiza.

Mas naging masigla ang seremonya nang pangunahan ng mga mag-aaral mula sa Ika-9 na Baitang, Seksyong Diamond ang Do Right.

Sa kanyang mensahe, muling ipinaalala ni Suzette S. Belandres, PhD, Punong G**o IV, ang 4 NO's na dapat tandaan at sundin ng mga mag-aaral. Binigyang-kahulugan din niya ang PEACE:
*P - Powering
*E - Empathy
*A - Acceptance
*C - Connection
*E - Everyday

Nagbahagi rin si Gng. Jave Ann Precilda, OIC Department Head ng TLE, ng 4 Major Rights ng Bata:
*Survival Rights
*Development Rights
*Protection Rights
* Participation Rights

Bilang paalala sa mga mag-aaral, tinalakay naman ni G. Mark Jun T. Condada, Head Teacher III mula sa Departamento ng Filipino, ang "My Early Warning Signs" , at ni Gng. Flordeliza B. Tupaz, Teacher VI mula naman sa Departmento ng Ingles, ang "Patakaran sa Paghikap" upang higit na maunawaan ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Nagtapos ang seremonya sa sabayang pagbigkas ng Bully Free Pledge na pinangunahan ng mga SSLG Officers, bilang paalala sa kahalagahan ng karapatan at paggalang sa kapwa.

Nagsilbing tagapagdaloy ng programa si Gng. Analyn P. Minerva mula sa Departamento ng TLE.

Isinulat nina:
Rea Ilustrisimo
Patricia Mae Nimes

Kuha nina:
Norhana Ringor | Gyann Ayesa Galvan | Ma. Clouie Ashley Taclajan

Lay out ni: Edrelaine Gonzaga

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-6 na Lingguhang Seremonya sa VNHSHulyo 13, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan...
14/07/2026

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-6 na Lingguhang Seremonya sa VNHS
Hulyo 13, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias - Covered Court

Matagumpay na isinagawa ang Ika-6 na Lingguhang Seremonya ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias ngayong Hulyo 13, 2026 sa Covered Court ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa panalangin ni Bb. Frelyn Java mula sa Ika-8 Baitang. Sinundan ito ng sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa sa Watawat na pinangunahan ni Bb. Jamaica Atones, at Panatang Makabayan na ibinigkas ni Bb. Crissel Tutor.

Sabay-sabay na inawit ng mga mag-aaral at g**o ang Bagong Pilipinas Hymn at Division Hymn. Pinasigla naman ang seremonya sa masiglang pagtatanghal ng Do Right mula sa Seksyon Chico ng Ika-8 Baitang.

Sa kanyang mensahe, inianunsyo ni Dr. Suzette S. Belandres, Punong G**o, na pansamantalang ipagpapaliban ang pagsasagawa ng deworming. Muli rin niyang ipinaalala ang 4 NO's at ang kahulugan ng PEACE:
*P - Powering
*E- Empathy
*A - Acceptance
*C - Connection
*E- Everyday

Idinagdag din niya na ang mga susunod na lingguhang seremonya ay gaganapin na sa Main Stage ng paaralan.

Bilang pagtatapos, pinangunahan ng mga SSLG Officers ang sabayang pagbigkas ng The Bully-Free Pledge bilang paalala sa kahalagahan ng paggalang sa kapwa. Binigyang-diin ni Bb. Rica Severino, Pangalawang Pangulo ng SSLG, na "Peace is the foundation of humanity."

Nagsilbing mga tagapagdaloy ng programa sina Bb. Kyla Belasa at G. Daryl Ybanez mula sa Seksyon Chico ng Ika-8 Baitang.

Ulat nina:
Almie D. Laniohan
Rhema G. Sobremesana

Lay out ni: Edrelaine Gonzaga

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-5 Lingguhang Seremonya sa Pambansang Mataas na Paaralan ng VictoriasHulyo 6, 20...
06/07/2026

BALITA | Matagumpay na Isinagawa ang Ika-5 Lingguhang Seremonya sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias
Hulyo 6, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias - Main Stage.

Sama-samang nagtipon ang mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias sa Main Stage para sa Ika-5 Lingguhang Seremonya ng Taong Panuruan 2026-2027 noong ika-6 ng Hulyo 2026.

Sinimulan ang programa sa panalangin na sinundan ng sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, Panatang Makabayan at pagbasa ng DepEd Mission, Vision, at Core Values. Sabay-sabay ding inawit ng mga mag-aaral ang Bagong Pilipinas Hymn at SDO Victorias Hymn.

Nagpasigla sa umaga ng mga g**o at mag-aaral ang mga piling mag-aaral mula sa 9-Diamond sa kanilang pagtatanghal ng Galaw Pilipinas at Do Right.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Gng. Leny Nillos, CID Chief, tungkol sa kahalagahan ng disiplina at pagmamahal sa bayan. Dagdag pa niya na laging isabuhay ang PEACE na nangangahulugang P- Powering E-Empathy A-Acceptance C-Connection and E- Everyday. Sinundan ito ng pahayag ni Ginoong Cesar Descatamiento, Assistant Principal II, kung saan ibinahagi niya ang mga bagong layunin at programa ng paaralan para sa taong ito.

Bilang pagtatapos, sabay-sabay na inawit ng lahat ang "Heal the World" bilang panalangin para sa kapayapaan. Pinangunahan naman ng SSLG ang sabayang pagbigkas ng The Bully-Free Pledge upang ipaalala ang kahalagahan ng paggalang at pagkakaisa sa loob ng paaralan.

Nagsilbing mga tagapagdaloy ng programa sina Kaileen Atienza at Precious Belle Nabatar.

Ulat ni: Ryvir Quiambao
Kuha nina: Rence Leonard Herrera at Joshua Uy
Lay out ni: Edrelaine Gonzaga

ANUNSYO | Mga Bagong Kasapi ng Ang Patdan sa Taong Panuruan 2026-2027PAGBATI ❗❗❗‼️Ikinagagalak naming ipakilala sa inyo ...
03/07/2026

ANUNSYO | Mga Bagong Kasapi ng Ang Patdan sa Taong Panuruan 2026-2027

PAGBATI ❗❗❗‼️

Ikinagagalak naming ipakilala sa inyo ang mga bagong kasapi ng pahayagang Ang Patdan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Taos-puso kayong tinatanggap ng Ang Patdan. Nawa’y maging gabay ito sa paglinang ng inyong kakayahan sa pagsulat, pagkuha, at paghahatid ng makatotohanan at makabuluhang balita para sa buong komunidad ng VNHS.

PAALALA SA MGA BAGONG KASAPI - Baitang 7 at Baitang 8:
Magkakaroon ng unang pulong at oryentasyon para sa lahat ng kategorya.
Petsa: Hulyo 7,2026
Oras at Lugar: Alas 5 ng Hapon sa Room 4 Grade 10 ( Silid aralan ng Grade 10-Eagle)

Inaasahan ang 100% na pagdalo ng lahat ng bagong kasapi upang mapag-usapan ang mga tungkulin, iskedyul, at plano para sa taong ito.

Muli, maligayang pagbati at welcome sa pamilya ng Ang Patdan.

Caption ni:Nicole Joy Mirasol
Disenyo nina: Dane Vielle Jalique at Ashley Gwen Cabarles

ANUNSYO | Pagpili at Pagsusuri sa mga Bagong Kasapi ng Ang PatdanIniimbitahan ang lahat ng mag-aaral na nagpasa kamakail...
29/06/2026

ANUNSYO | Pagpili at Pagsusuri sa mga Bagong Kasapi ng Ang Patdan

Iniimbitahan ang lahat ng mag-aaral na nagpasa kamakailan ng application form para maging kasapi ng Ang Patdan.

Gaganapin ang pagpili at pagsusuri para sa bawat kategorya sa Hulyo 1, 2026.

Paalala:Bukas pa rin ang pagpasa ng form hanggang Hunyo 30, 2026 lamang.

Pumunta sa Room 10 - Amethystsa mga nabanggit na petsa, pagkatapos ng klase.
Lokasyon: Ikatlong silid sa kanan, mula sa MAPEH Canteen.

Caption ni: Nicole Joy Mirasol
Disenyo ni: Dane Vielle Jalique

BALITA | Matagumpay na Naisagawa ang Nationwide Earthquake Drill sa VNHSHunyo 18, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan n...
21/06/2026

BALITA | Matagumpay na Naisagawa ang Nationwide Earthquake Drill sa VNHS
Hunyo 18, 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias

Matagumpay na isinagawa ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill noong Hunyo 18, 2026. Aktibong nakiisa rito ang mga g**o at mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang upang masanay sa tamang hakbang kapag tumama ang sakuna tulad ng lindol.

Tinalakay at isinabuhay ng mga kalahok ang mahahalagang teknik gaya ng “Yuko, Takip, Kapit” o Duck, Cover, and Hold. Sinundan din nila nang maayos ang itinakdang daan ng paglikas, kasabay ng mahigpit na paalala sa kaligtasan ng bawat isa.

Nagbigay ng mensahe ng suporta at pagtanggap si G. Rodolfo QE Retirado III, LDRRMO IV ng Victorias City DRRMO. Sinundan ito ng oryentasyon mula kay G. Jose Maria Deocadez, LDRRMO , kung saan ipinaliwanag ang tamang mekaniks at proseso ng pagsasanay sa oras ng lindol.

Nagpakita rin ng kahandaan ang mga miyembro ng PNP sa pamamagitan ng kanilang mabilis na responde at operasyon gamit ang sasakyang pangpatrolya. Layunin nitong ipakita kung paano tumutugon ang mga awtoridad sa aktwal na sitwasyon ng sakuna.

Sa kabuuan, napatunayan ng VNHS na ang kahandaan ay hindi aksidente—ito ay bunga ng pagsasanay. Dahil sa tunay na lindol, walang oras para sa panik, oras lang para kumilos.

Ulat nina: Mirasol, Laurencio, Gagante
Kuha nina: Gonzaga, Centina, Jalique, Nabatar, Sorbito, Flores, Amada

Lay out ni: Edrelaine Gonzaga

BALITA| Matagumpay na Isinagawa ang Mock Earthquake Drill sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias Matagumpay na is...
16/06/2026

BALITA| Matagumpay na Isinagawa ang Mock Earthquake Drill sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias

Matagumpay na isinagawa ngayong Hunyo 16, 2026 ang pagsasagawa ng Mock Earthquake Drill ng Tanggapan ng Civil Defense sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias.

Aktibong dinaluhan ito ng mga g**o at mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang bilang bahagi ng paghahanda at pagpapalakas ng kahandaan sa oras ng sakuna.

Sa isinagawang drill, isinabuhay ng lahat ang tamang pamamaraan ng “Duck, Cover, and Hold”kasunod ng hudyat ng sirena. Maayos ding sumunod ang mga mag-aaral at g**o sa pagbuo ng linya at paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Layunin ng aktibidad na sanayin ang buong komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sakaling magkaroon ng biglaang paglindol. Binigyang-diin din ng mga kinatawan mula sa Civil Defense ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at kooperasyon ng bawat isa para sa kaligtasan ng lahat.

Kuha nina: Edrelaine Gonzaga , Hannah Centina
Lay out: Edrelaine Gonzaga

Sama-samang Pagtitipon para sa Seremonya, ikalawang linggo ng klase sa Taong Panuruan 2026-2027Isinagawa ngayong Hunyo 1...
16/06/2026

Sama-samang Pagtitipon para sa Seremonya, ikalawang linggo ng klase sa Taong Panuruan 2026-2027

Isinagawa ngayong Hunyo 15, 2026 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias ang sama-samang pagtitipon para sa lingguhang seremonya, bilang bahagi ng ikalawang linggo ng klase para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Nagsimula ang programa sa pangunguna ni Bb. Rica Reinna Reira Severino sa pagbigkas ng panalangin. Sinundan ito ng sabayang pag-awit ng Pambansang Awit, pagbigkas ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, Panatang Makabayan, DepEd Mission, DepEd Vision, at pagbigkas ng mga Core Values ng Kagawaran.

Nagpamalas ng angking talento ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-awit ng Bagong Pilipinas at SDO Victorias Hymn. Kasunod nito, pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Baitang Ika-12 ang pagsayaw ng DO RIGHT. Nagpakita rin ng sabayang galaw ang mga SSLG Officers at Committee Members para sa Galaw Pilipinas.

Sa pagtatapos ng seremonya, nagbigay ng makabuluhang mensahe at paalala ang ating Punongg**o, Dr. Suzette S. Belandres. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-iingat at pagsasanay ng "Duck, Cover, and Hold" bilang paghahanda sa posibleng paglindol. Ayon sa kanya, _"It’s practical for us to form a line" bilang bahagi ng disiplina at kaayusan ng mga mag-aaral.

Ulat ni: Penetrante

Kuha nina:Dane Vielle Jalique
Marianne Rose Dereza
Reese Alyson Amada

Lay out ni: Edrelaine Gonzaga

BALITA | Mga Mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias, sabay-sabay sa unang flag ceremony ng taong panuru...
08/06/2026

BALITA | Mga Mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias, sabay-sabay sa unang flag ceremony ng taong panuruan 2026-2027

Sabay- sabay ang mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Victorias - Main Stage sa kauna-unahang flag ceremony para sa taong panuruan 2026-2027, Hunyo 8, Lunes ng umaga.

Inumpisahan ang seremonya sa panalangin na sinundan ng Sabayang Pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa sa Watawat, Panatang Makabayan, at pagbasa ng DepEd Mission at Vision. Nagpakitang-gilas din ang buong paaralan sa pag-awit ng Bagong Pilipinas at Division Hymn.

Pinangunahan naman ng mga Department Head kasama si Punongg**o IV Dr. Suzette S. Belandres ang mass dance ng Galaw Pilipinas at Do Right na nagpasigla sa umaga ng mga estudyante.

Binigyang-diin ni Gng. Suzette S. Belandres,PhD sa kanyang pambungad na mensahe ang "4 No's" ng paaralan bilang gabay sa disiplina at pag-aaral ngayong taon. Isang paalala ito sa lahat ng mga mag-aaral na unahin ang respeto, disiplina at kahusayan.

Pormal ding ipinakilala ng mga Department Head ang mga g**o sa bawat asignatura, upang maging mas pamilyar ang mga mag-aaral sa kanilang mga magiging gabay sa pag-aaral.

Nagsilbing mahusay na tagapagdaloy ng programa si Gng. Flordeliza B. Tupaz, g**o sa departamento ng Ingles.

Litrato kuha nina: Marianne Rose Dereza at Dane Vielle Jalique
Ulat ni: Nicole Joy Lobaton Mirasol

📌📍
06/06/2026

📌📍

Victorias National High School announces its Parents Orientation on Monday, June 8, 2026 at 3pm at the school covered court.

The orientation will discuss importantant matters concerning the opening of classes: school policies, programs, and other updates for the upcoming school year.

Attendance and participation of parents and guardians are highly encouraged as we work together for our learner's success.

Thank you, and see you there.

Address

Brgy 5
Victorias City
6119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANG Patdan - Victorias National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category