Ang Patdan- Victorias National High School

Ang Patdan- Victorias National High School Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias — JHS

📣 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗬𝗢? Isang tulog na lang mga bes, back to school na ulit tayo!Ihanda na ang mga gamit pang-eskwela gayund...
15/06/2025

📣 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗬𝗢?

Isang tulog na lang mga bes, back to school na ulit tayo!

Ihanda na ang mga gamit pang-eskwela gayundin ang sarili sa nalalapit na pagbubukas ng pasukan, taong panuruan 2025-2026 ngayong ika-16 ng Hunyo!

Simulan natin ang bagong kabanatang ito na may sigla at saya!

Disenyo ni: Hanna Lyza Duca

Maligayang Pagbati sa Iyong Kaarawan, Ikalawang Patnugot ng Ang Patdan, Bb. Angelica Bless Naumi Descotido!     Taos pus...
14/06/2025

Maligayang Pagbati sa Iyong Kaarawan, Ikalawang Patnugot ng Ang Patdan, Bb. Angelica Bless Naumi Descotido!

Taos puso ka naming binabati sa pagbubukas ng panibagong yugto ng iyong buhay. Kami ay nagpapasalamat dahil ikaw ay isang biyaya na naging bahagi ka sa Patnugutan at naging isang inspirasyon at patuloy itong pinapaunlad.

Naging malaki ang iyong papel sa Patnugutang ito kaya’t ang buong Patnugutan ay nagpapasalamat at patuloy humahanga at susuporta sa’yo.

Nawa’y patuloy kang bigyan ng lakas ng loob, gabay at kaalaman ng Panginoon.

Sa muli, Maligayang Kaarawan Bb. Angelica Bless Naumi Descotido, mula sa buong Patnugutan.

Kapsiyon ni: Hanna Lyza M. Duca

Kalayaan at Kabayanihan: Isang Paggunita sa mga Bayani ng PilipinasSulat ni: Angelica DescotidoDisenyo ni: Hanna Lyza M....
12/06/2025

Kalayaan at Kabayanihan: Isang Paggunita sa mga Bayani ng Pilipinas

Sulat ni: Angelica Descotido
Disenyo ni: Hanna Lyza M. Duca

“Ang kalayaan ay hindi lamang isang tagumpay ng kahapon, kundi isang pangakong dapat tuparin sa bawat araw.” — Apolinario Mabini, La Revolución Filipina.

Ngayong Araw ng Kalayaan, sabay-sabay nating itinatanghal ang sagisag ng ating kasarinlan, ang watawat na iwinagayway noon sa gitna ng pag-asa at panganib. Ngunit higit pa sa isang makulay na selebrasyon, ang araw na ito ay isang buhay ng paggunita, isang sagradong paalala sa mga sakripisyong naging haligi ng ating kalayaan. Hindi natin dapat kalimutan ang mga panahong sinikil ang ating boses, kinubkob ang ating dangal, at pinawi ang ating pagkakakilanlan bilang isang malayang bayan. Ngunit sa kabila ng lahat, bumangon ang lahing Pilipino. Bitbit ang tapang, talino, at paninindigan, dinala ng ating mga bayani ang liwanag sa panahon ng dilim. Sina Dr. José Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, at marami pang iba ang nagsilbing mukha ng katapangan. Iba-iba man ang kanilang paraang ipinaglaban ang bayan, iisa ang layunin nila: makamit ang kalayaang tunay na atin, hindi ipinagkaloob kundi isinilang sa sakripisyo at dugo.

Ang Araw ng Kalayaan ay hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay kundi pagbabalik-tanaw sa ugat ng ating pagkabansa. Isa itong panawagan na huwag hayaang maluma sa paglipas ng panahon ang mga aral ng nakaraan. Sa bawat pagtayo natin bilang malalayang mamamayan, isinasabuhay natin ang diwa ng mga bayani. Sa bawat hakbang para sa katarungan, katotohanan, at pagkakaisa, pinatutunayan nating ang kalayaan ay hindi natatapos sa deklarasyon kundi isinasabuhay sa araw-araw na gawa at paninindigan. Habang pinagmamasdan natin ang ating watawat na buong dangal na iwinawagayway, nawa’y isapuso natin na ang kalayaang ito ay hindi bunga ng pagkakataon kundi bunga ng kagitingan, paninindigan, at dakilang pag-ibig sa Inang Bayan.

Si Dr. Jose Rizal ay ilaw ng kaisipan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop. Sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ibinunyag niya ang katiwalian at pang-aapi ng mga kolonyal. Ang kanyang panulat ang naging mitsa ng kamalayan at inspirasyon ng rebolusyon tungo sa kalayaan.

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan at nanguna sa armadong pakikibaka laban sa mga Kastila. Sa tapang at paninindigan, isinulong niya ang kalayaan ng bayan. Dahil dito, siya ay kinilalang Ama ng Himagsikan.

Si Emilio Aguinaldo ang namuno sa rebolusyon laban sa mga Kastila at naging unang Pangulo ng Pilipinas. Itinatag niya ang unang Republika at siyang nagdeklara ng kalayaan ng bansa noong Hunyo 12, 1898.

Si Apolinario Mabini, kilala bilang Dakilang Lumpo, ang nagsilbing utak ng rebolusyon. Sa kabila ng kaniyang kapansanan, siya ang unang punong ministro ng rebolusyonaryong gobyerno at tagapayo sa pagtatag ng isang malayang pamahalaan.

Sila ay ilan lamang sa mga bayani ng Pilipinas na nag-alay ng buhay at talino para sa kalayaan ng bayan. Marami pang iba ang nagbigay ng mahalagang ambag, ngunit iisa ang kanilang layunin, ang maipaglaban ang karapat-dapat na kalayaan para sa Inang Bayan.

Sa bawat pahina ng ating kasaysayan ay nakaukit ang dugo’t pawis ng mga bayani na nag-alay ng lahat para sa ating kalayaan. Hindi man natin sila makilala isa-isa, ang kanilang kabayanihan ay patuloy na nagbibigay saysay sa pagiging Pilipino. Nawa’y hindi lamang natin gunitain ang kanilang sakripisyo, kundi isabuhay din natin ang diwa ng tunay na pagkamakabayan sa bawat araw ng ating buhay.

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Punong Patnugot ng Ang Patdan, Bb. Xyra J. Lape!     Lubos naming ipinagpapasalama...
18/05/2025

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Punong Patnugot ng Ang Patdan, Bb. Xyra J. Lape!

Lubos naming ipinagpapasalamat ang iyong kasipagan at dedikasyon sa paglilingkod sa Ang Patdan at sa pagbabahagi ng iyong natatanging talento sa iyong kapwa mag-aaral. Ang iyong mga nagawa at mga karangalang naidulot ay labis naming pinahahalagahan.

Nawa’y patuloy kang gabayan at ingatan ng Diyos sa iyong paglalakbay tungo sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Huwag mong kalilimutang manalangin.

Paunlarin mo pa at ibahagi ang iyong mga talento upang magsilbing inspirasyon sa iba pang mag-aaral. Narito ang Ang Patdan upang ikaw ay patuloy na suportahan.

Sa muli, Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Bb. Xyra!

Kapsiyon at Layout ni: Angelica Descotido

MGA KARAGDAGANG LARAWANkuha ni: Jenelyn Miranda
27/04/2025

MGA KARAGDAGANG LARAWAN
kuha ni: Jenelyn Miranda

GRAND ALUMNI HOMECOMING 2025: FESTIVAL CARNIVAL, IPINAGDIWANGni: Angelica Descotidokuha ni: Jenelyn Miranda     Isinakat...
27/04/2025

GRAND ALUMNI HOMECOMING 2025: FESTIVAL CARNIVAL, IPINAGDIWANG

ni: Angelica Descotido
kuha ni: Jenelyn Miranda

Isinakatuparan ang Grand Alumni Homecoming 2025: Festival Carnival na may temang “Ang Nagligad aton Handurawon, Pagpasalamat sa sining Tini-on, Paglaum sa Masanag nga Palaabuton,” na pinangunahan ng Silver Jubilarians Batch 2000, Ruby Jubilarians Batch 1985 at Golden Jubilarians Batch 1975 ngayong ika-26 ng Abril sa VNHS-Main, lungsod Victorias.
Haylayt ng pagdiriwang ang parada ng bawat batch, pagpapakitang-gilas ng kanilang mga kasuotan.
“Maging sino man kayo after your high school graduation, without telling other people, without telling the community, makilala ka kon sin o ka kag diin ka naghalin,” saad ni Corazon T. Vecino, Phd. sa paghahatid niya ng mensahe ni Punongg**o IV, Suzette S. Belandres, Phd.
Nag-alay ng Opening Salvo ang Silver, Ruby at Golden Jubilarians na nasundan ng patimpalak na “The Search for the Icon of Festival Carnival” kung saan itinalagang kampeon si contestant number one ng Batch 2007.
“This is the time to reminisce the memories,” sambit ni Hon. Javier Miguel L. Benitez sa paghahatid niya ng kaniyang mensahe.
Kinilala rin at binigyang parangal ang mga nagretiro at retirong mga g**o ng Class of 2000 na nasundan ng Serenade mula sa Silver Jubilarians Batch 2000 para sa Golden Jubilarians Batch 1975.
Naghandog ng intermission number ang Ruby Jubilarians Class of 1985 at Silver Jubilarians Class of 2000. Mayroon ring palaro, magic show at raffle.
Kinagabihan, ginanap ang Turnover Ceremony of the Key of Responsibility at mayroon ring live band na “The Nice Band” na nagtapos ng programa.

BALITA | Ang Patdan, nagpakitang-gilas sa 13th The Write Start           Namayagpag ang mga estudyanteng-mamamahayag ng ...
16/04/2025

BALITA | Ang Patdan, nagpakitang-gilas sa 13th The Write Start

Namayagpag ang mga estudyanteng-mamamahayag ng Ang Patdan sa iginanap na 13th The Write Start na may temang “Ctrl+Z: GenZ’s Power Move – Deleting Deception, Restoring Reality” nitong ika-12 hanggang 13 ng Abril sa Benjamin Hall, Bacolod City.
Nakakuha sina Audrey Zamoras at Bryle Aboy ng parangal na Most Promising sa kategoryang Column Writing, Most Promising sa Pagsulat ng Balita naman ang nakamit ni Xyra Lape, at Most Promising sa Pagkuha ng Pampahayagang Larawan (Filipino) naman ang nakuha ni Anton Jay De la Rosa.
Nagkaroon din ng partisipasyon si Angelica Bless Naumi Descotido sa kategoryang Pagsulat ng Balita (English).
Nakiisa ang mahigit 100 na mga mamamahayag mula sa iba’t ibang sekondaryang paaralan at kolehiyo kung saan may limang piling mamamahayag ang bawat publikasyon.
Lubos na ipinagmamalaki ng publikasyong Ang Patdan ang mga estudyanteng-mamamahayag na nakibahagi at nag-uwi ng parangal sa 13th The Write Start.


ni: Xyra Lape
disenyo ni: Kyle Jarvis Tecson

HIRAYASa likod ng TagumpayNi: Janelle Marie F Banaylo Walang medalya sa inyong leeg,Ngunit ang puso'y puno ng alab at in...
15/04/2025

HIRAYA

Sa likod ng Tagumpay
Ni: Janelle Marie F Banaylo

Walang medalya sa inyong leeg,
Ngunit ang puso'y puno ng alab at init.
Kayo ang bayani sa likod ng layag,
Tahimik na sipag, tunay na halakhak.

Hindi nasukat sa gintong plake,
Ang tapang ninyong di madaling mapeke.
Kayo’y patunay, sa bawat hakbang,
Tagumpay ay 'di lang nasusukat ng ranggo’t dangal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinang ng parangal
Ni: Janelle Marie F Banaylo

Medalyang tinanggap, dangal ng sipag,
Bunga ng puyat, ng pawis at hirap.
Sa klase taas ang noo,
Kayong huwaran ng buong paaralan, oo.

Ngiti ng tagumpay, inyong tinamo,
Sa bawat pagsubok, kayo’y panalo.
Pagbati sa inyo, aming bituin,
Sa kinabukasa’y tiyak magwawagi rin!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAGSAPIT NG WAKAS
Ni: janelle banaylo

Sa silid-aralang puno ng saya,
Panahong kay bilis, ngayo’y paalam na.
Mga araling minsang pinahirapan,
Ngayo’y alaala sa puso’t isipan.

Tawanan sa likod, tahimik sa harap,
Mga lihim na sa papel ay sinulat.
Guro’t kaibigang naging kasama,
Sa bawat sandaling di malilimutan pa.

Ngayon ay oras ng pamamaalam,
Bagong yugto’y ating haharapin naman.
Ngunit sa puso, isang 'di mawawala—
Ating klase, alaala’y kay ganda.

BALITA | VNHS – MAIN: IKASAMPUNG SEREMONYA NG PAGTATAPOS, idinaosni: Angelica Descotidokuha ni: Jenelyn Miranda     “Edu...
15/04/2025

BALITA | VNHS – MAIN: IKASAMPUNG SEREMONYA NG PAGTATAPOS, idinaos
ni: Angelica Descotido
kuha ni: Jenelyn Miranda

“Education does not change the world. Education changes people, people changed the world,” sipi mula kay Paulo Freire na binanggit ni Guest Speaker, Engr. Ma. Socorro P. Uvero.
Ginanap ang 10th Graduation and Completion Ceremony na may temang “Generation of Unity: Partners for the New Philippines,” ngayong ika-14 ng Abril sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias, lungsod Victorias.
Inumpisahan ang seremonya sa pag-awit ng Pambansang Awit at isang panalangin mula kay G. Allen Emil L. Eres ng 10-Amethyst. Nasundan ito ng pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at Victorias Hymn.
“This moment is more than just a ceremony, this is a celebration of our hardwork as a student,” saad ni Bb. Lawraine L. Villanueva ng 10-Amethyst sa pag-alay niya ng kaniyang pamungad na mensahe.
1108 Completers na may 40 with high honors at 370 with honors ang ipinakilala ni Punongg**o IV, Suzette S. Belandres, Phd. Inaprubahan ni Dr. Portia M. Mallorca, Phd. Ceso V.
Haylayt ng seremonya ang distribusyon ng mga sertipiko sa mga magtatapos at medalya sa mga academic awardees.
“Let us remember that true success begins with putting God first,” ani Guest Speaker, Engr. Ma. Socorro P. Uvero. “Education is not a preparation for life, education is life itself,” dagdag niya.
Si Dr. Portia M. Mallorca, Phd. Ceso V ang naghatid ng mensahe ni DepEd Secretary, Sonny Angara. “You are the generation that binds all of us together,” sambit nito.
“They say the end of the chapter of a page, starts a new story,” mensahe ni Hon. Javier Miguel L. Beñitez. “Whatever you want to become is always possible,” pagtatapos niya ng kaniyang mensahe.
Ibinahagi naman ni Bb. Rechie Lorraine R. Lauron ang kaniyang pasasalamat. “We are the combined effort of everyone we know,” sambit nito.
Nasundan ito ng pag-awit ng mga mag-aaral ng kanilang Tribute Song na “Awit ng Anak” at Completion Song na “Dreams We Hold”.

BALITA | VNHS – Main: Recognition Ceremony, iginanapni: Xyra Lape | Ma. Alysa Claire Rosaleskuha nina: Anton Jay De la R...
11/04/2025

BALITA | VNHS – Main: Recognition Ceremony, iginanap
ni: Xyra Lape | Ma. Alysa Claire Rosales
kuha nina: Anton Jay De la Rosa | Bryan Jay Buenconsejo

Isinagawa ang Recognition Ceremony na may temang “Generation of Unity: Partners for the New Philippines” ngayong ika-11 ng Abril sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias – Covered Court, lungsod Victorias.
“As we move ahead let's continue to strive for excellence supporting each other in this collective journey.” saad ni Gng. Suzette S. Belandres, PhD sa kaniyang pamungad na mensahe.
Si G. Ernie Lumawag, PhD naman ang nagsilbing Guest Speaker ng seremonya. “My life is not a straight line of success. It's a path built with failures, rejections, bullying, shame, mistakes and a choice to keep going,” saad niya.
Binigyang-parangal ang mga estudyante mula ikapito hanggang ikasiyam na na baitang kasama rin ang mga Non-academic awardees mula sa ika-10 baitang.
Nagsilbing tagapagdaloy ng programa si G. Daniel Catalan.
Gaganapin naman ang Graduation Ceremony sa ika-14 ng Abril.

BALITA | Baccalaureate Mass, isinagawani: Xyra Lapekuha nina: Anton Jay De la Rosa | Prince Jhayden Infante | Janelle Ma...
10/04/2025

BALITA | Baccalaureate Mass, isinagawa
ni: Xyra Lape
kuha nina: Anton Jay De la Rosa | Prince Jhayden Infante | Janelle Marie Banaylo

Dumalo sa Baccalaureate Mass ang mga ika-10 baitang na mga estudyante mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias – Main ngayong ika-10 ng Abril sa Our Lady of Victory Parish Church, lungsod Victorias.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Gerald Liboon ang misa. Bahagi ng seremonya ang pagbabasbas ng mga medalya ng mga estudyante sa kanilang pagtatapos.
Nag-alay rin ng mga handog ang bawat seksiyon sa baitang 10 simbolo ng pasasalamat para sa taong panuruan.

Address

Victorias National High School
Victorias City
6119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Patdan- Victorias National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Ang Patdan- Victorias National High School:

Shortcuts

Share