11/05/2026
DORMITORYO
“Hindi lahat ng sugat ay naghihilom… lalo na kung ang dahilan ay pag-ibig na nauwi sa matinding sakit at pagtanggi. Sa loob ng Dormitoryo, minsang may isang estudyanteng buong pusong umibig, ngunit matapos siyang iwan at pagtawanan dahil sa kaniyang nararamdaman, tuluyan siyang nawalan ng pag-asa at kumitil ng sariling buhay. Akala ng lahat ay doon nagtatapos ang kaniyang kwento… ngunit may mga pusong nasaktan na hindi kailanman nananahimik. Habang muling nabubuhay ang mga lihim at alaala sa Dormitoryo, isa-isang haharapin ng mga nakatira rito ang bangungot ng nakaraang pilit nilang kinalimutan. Sapagkat ang pag-ibig na winasak ng rejection… ay maaaring bumalik hindi para magmahal, kundi para maghiganti.”