25/03/2026
FIRE PREVENTION MONTH SYMPOSIUM: ISINAGAWA SA PAARALAN
Matagumpay na nagsagawa ng Fire Prevention Month Symposium sa paaralang Banca-Banca Integrated National High School noong ika-25 ng Marso 2026 sa ganap na 9:00 ng umaga bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso na may temang โSa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisaโ. Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at g**o tungkol sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog at tamang paghahanda sa oras ng sakuna.
Pinangunahan ng mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sina FO3 Harold Galarosa, FO2 Jamaica Cauilan at FO1 John Keneth Katigbak ang nasabing symposium kasama ang DRRM Coordinator ng paaralan na si G. Myron Vergara kung saan tinalakay ang mga karaniwang sanhi ng sunog, mga paraan upang ito ay maiwasan at ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng insidente ng sunog sa paaralan o tahanan. Ipinakita rin sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng fire extinguisher.
Sa pamamagitan ng symposium na ito, muling pinaalalahanan ang lahat na ang pag-iwas sa sunog ay responsibilidad ng bawat isa at ang kaalaman at kahandaan ay mahalagang sandata upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
โ๏ธ Haicel Avienda
๐ธ Jhaela Mae Garcia at Ly-Anne Espiritu
12/03/2026
PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL PI DAY: ISINAGAWA NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA
Isinagawa ng mga mag-aaral at mga g**o sa pangunguna ng Mathematics Koordineytor na si Gng. Joana Marie Carpio ang pagdiriwang ng International PI Day bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga sa asignaturang Matematika noong ika-10 ng Marso 2026 sa ganap na 1:00 ng hapon.
Layunin ng aktibidad na mapaigting ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Matematika sa pamamagitan ng ibaโt ibang gawaing pang-edukasyon gaya ng quiz bee, tangrams, sudoku at rubics cube. Ipinakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa mabilisang pagkwenta at pag-unawa sa kahalagahan ng PI sa agham at teknolohiya.
Nagwagi sa Tangrams ng baitang pito si Gabriel Medina. Sa baitang walo naman si Kyle Cedric Novio ang nanalo sa Sudoku at si Riana Cassandra Castillo sa Rubics. Sa baitang siyam naman itoโy nakamit ni Ma. Crizzel Quising sa sudoku at sa baitang sampu naman si Zairen Joy Venus para sa sudoku, Robie Austria sa tangrams at Mark Nathaniel Lopez sa rubics. Si Paul Benedict Llanes naman ang nagwagi sa SHS sa sudoku. Ang mga naging kampyeon naman sa quiz bee ay sina Laureen Dalisay (baitang 7), Kyle Cedric Novio (baitang 8), Justine Balatibat (baitang 9), Michael Angelo Ferrer (baitang 10) at Jaycel Lianzon (baitang 11).
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang ng International PI Day sapagkat hindi lamang ito nagbigay ng kasiyahan sa mga mag-aaral kundi nagpapalalim din ng kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng Matematika sa edukasyon at sa pang-araw-araw na pamumuhay.
11/03/2026
Ipinagdiriwang ng Banca Banca Integrated National High School ang Womenโs Month 2026 bilang pagkilala sa lakas, talino, at kakayahan ng bawat kababaihan sa ating paaralan at komunidad.
Sa temang โBabae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Henerasyonโ, sama-sama nating ipagdiwang ang ambag ng kababaihan sa edukasyon, pamumuno, at paghubog ng kinabukasan.
Mabuhay ang mga kababaihan! ๐
Patuloy tayong maging inspirasyon, lakas, at pag-asa ng bayan.
20/02/2026
GIRL SCOUT INVESTITURE 2026, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA PAARALAN
Matagumpay na idinaos ang Girl Scout Invenstiture noong ika-20 ng Pebrero 2026 sa ganap na ika-3 ng hapon sa pangunguna ng kanilang Outfit Advisor na si Gng. Ericka Mae Lalog, Girl scout Coordinator na may temang โEmpowered Girls, Shaping the Futureโ.
Nagsimula ang palatuntunan sa pamamagitan ng pagpasok ng kulay na ginampanan ng mga piling Girl Scout ng paaralan, pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna nina Ivy Lean Pantua at Xyrielle Louise Quiap na sinundan ng isang panalangin na ginampanan naman ni Reiann Kelly Araneta. Nagbigay ng pambungad na pananalita ang punongg**o ng paaralan na si G. Gregorio V. Silang.
Ang pagsindi ng mga kandila ay ginampanan nina TL. Ericka Mae Lalog, TL. Mary Joy Ann Manese at TL. Kharen Dela Roca. Ang Girl Scout Oath ay pinangunahan naman ni Laurice Dalisay. Bakas sa mukha ng mga mag-aaral na bininyagan ang kasiyahan habang sila ay sinusuotan ng neckerchief ng kani-kanilang ninong at ninang tanda ng pagiging pormal na kasapi ng organisasyon. Ang opisyal na pagtanggap sa Girl Scouting ng mga Girl Scout ay pinangasiwaan ni TL. Lucyl Agra, Investing Officer.
Ang Girl Scout Investiture sa paaralan ay nagbibigay hindi lamang ng mga praktikal na kasanayan sa outdoor at survival, kundi nagtataglay rin ng mga halaga at kasanayan sa liderato, pagkakaroon ng disiplina at pagiging handa sa pagtulong sa iba. Itoโy patunay na patuloy na hinuhubog ng paaralan ang mga mag-aaral upang maging huwarang kabataan at responsableng mamamayan.
10/02/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ญ๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ โ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ | ๐
๐๐๐ซ๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐, ๐๐๐๐
A comprehensive validation was conducted for the Outstanding High School Principal โ Gawad Marangal nominee, marking a significant step in recognizing excellence in school performance and leadership.
Dr. Mercy S. Capistrano, former Principal of Banca-Banca Integrated National High School, whose leadership and commitment to quality education have long been evident. The present principal, Mr. Gregorio Silang also showed his support in this milestone.
The process was guided by Cristina E. Talambayan, EPS-TLE/TVL, and Lucia F. Pagalanan, EPS-AP, who ensured that all standards, criteria, and supporting documents were thoroughly reviewed and evaluated.
Through careful assessment and validation of records, accomplishments, and best practices, the initiative underscored the schoolโs dedication to continuous improvement and excellence. The activity reflects the shared commitment of administrators and stakeholders to uphold the highest standards in public education and to bring honor to the institution.
10/02/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ญ๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ง-๐๐๐๐๐ก๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐๐
๐
๐๐๐ซ๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐, ๐๐๐๐
A validation process was successfully conducted for Myron O. Vergara, Stage 2 Qualifier, as part of the assessment for the Outstanding Non-Teaching Personnel Level 1 recognition.
The validation was carefully assessed and guided by Kyra Camille R. Escuadra, Administrative Officer IV, Angela F. Latina, Administrative Officer V, and Luis Tito B. Dela Torre Jr., Administrative Officer IV, who ensured that all criteria and standards were properly met.
The activity reflects the institutionโs continued commitment to recognizing the invaluable service and hard work of its non-teaching personnel, whose efforts significantly contribute to the overall success of the school.
06/02/2026
PAGPAPAKITA NG KAKAYAHAN, PAKIKIISA NG MGA MAG-AARAL SA CULMINATING ACTIVITIES NG PAARALAN
Isang makulay, masigla at makabuluhang pagtatanghal ang nasaksihan sa isinagawang Culminating Activity sa asignaturang MAPEH na may temang โDances Through Time: Tradition to Modern Expressionโ. Layunin ng gawain na ipakita ang paglalakbay ng sayaw mula sa tradisyunal hanggang makabagong anyo bilang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Kaugnay nito, ang MAPEH Department sa pangunguna ni Bb. Aira Mae Carillo, MAPEH Coordinator at G. Joselito Isogon ang nanguna sa aktibidad na ito sa tulong at buong suporta ng punongg**o ng paaralan na si G. Gregorio V. Silang katuwang ang lahat ng kaguruan. Ang mga mag-aaral ay nagpamalas ng kani-kanilang presentasyon . Modern Folk Dance featuring Kuratsa para sa baitang 7, Chacha with Modern Twist sa baitang 8, Festival Dance sa baitang 9 at Modern Hip-hop Dance sa baitang 10.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa noong ika-6 ng Pebrero 2026 sa ganap na 1:00 hanggang 3:00 ng hapon. Nagsimula ang palatuntunan sa pamamagitan ng pag-awit ng makabayang awitin na sinundan ng isang panalangin sa pamamagitan ng awdyo Biswal na presentasyon at nagtapos sa pangwakas na pananalita na ginampanan ng isa sa mga MAPEH teacher, G. Christopher Faylon. Ang mga nagwagi sa nasabing programa ay ang 7-Aquino, 8-Mabini, 9-Zamora at 10-Bonifacio.
Ang Culminating Activity na ito ay patunay na ang sayaw ay isang wika ng panahon-mula noon hanggang ngayon, patuloy itong nagsisilbing salamin sa kultura, damdamin at pagkakakilanlan ng bawat henerasyon.
02/02/2026
Isang masigabong pagbati at malugod na pagtanggap sa bagong punongg**o ng paaralang Banca-Banca Integrated National High School, G. Gregorio Silang.
Isang bagong yugto ang ating sisimulan! Sa inyo pong pamumuno, sama-sama po nating haharapin ang mga hamon at tagumpay sa edukasyon.
31/01/2026
Ready ka na ba? Magpa-Early Registration na!
Nagbukas na ang Early registration sa Banca-Banca Integrated National High School. Ito ay bukas para sa Incoming grade 7 and 11 learners, Transferees and Balik-Aral.
28/01/2026
Congratulations to all the outstanding nominees across different categories of Gawad Marangal 2025! ๐
Your dedication, excellence, and service truly inspire and set a shining example of honor and commitment.