14/05/2022
MAHALAGANG ANUNSYO |
BackToSchool
Face-to-Face Classes Sisimulan na sa Ordovilla ES
Mayo 16, 2022
Matapos dumaan sa iba't ibang masusing evaluation at validation process gamit ang School Safety Assessment Tool (SSAT), inaprubahan na ni Dr. Nicolas T. Capulong, DepEd MIMAROPA Regional Director, ang muling pagbubukas ng klase sa Ordovilla ES.
Malugod po naming ipinababatid na pormal nang magsisimula ang face-to-face classes sa Mayo 16, 2022 (Lunes) para sa mga mag-aaral ng Ordovilla ES.
Magiging katuwang po ng paaralan ang mga stakeholders, Barangay Health Response Team (BHERT), Barangay Health Workers (BHW), Barangay Tanod at Barangay Officials upang tiyaking ligtas at maayos ang pagbubukas ng klase.
Para sa iba pang detalye , mangyaring makipag ugnayan sa mga gurong tagapayo.
Maraming salamat po.