DepEd Tayo-Kisloyan Minority School

DepEd Tayo-Kisloyan Minority School

Share

DepEd Oriental Mindoro - Victoria District

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 11/05/2026

Turnover Ceremony ✨
Grateful for the leadership of Sir Mark and excited for the journey ahead with Mam Beauty. 📚

09/05/2026
Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 30/03/2026

“Proud kami sa inyong tagumpay! Sa kabila ng mga hamon, pinatunayan ninyo na ang sipag at determinasyon ang susi sa tagumpay.
Ang karunungan ay kayamanang hindi mananakaw—tulad ng punlang inalagaan, ang inyong pagsisikap ay magbubunga ng magandang kinabukasan. 🌱✨
Mabuhay ang mga katutubong mag-aaral! 👏🌟”

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 30/03/2026

Sa temang:
“Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao”

Buong galak at karangalan naming ipinagdiriwang ang tagumpay ng Class of 2026. Ang pagtatapos na ito ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral sa kabila ng mga hamon na inyong hinarap.

Kayo ang mga kabataang hinubog hindi lamang sa kaalaman kundi pati sa wastong pagpapahalaga, kahusayan, at mabuting asal—mga katangiang maghahanda sa inyo bilang mga lider ng kinabukasan.

“Madayaw nga pagpaningkamot” — tunay ngang ang inyong pagsisikap ay nagbunga ng tagumpay. Nawa’y patuloy ninyong dalhin ang karangalan ng inyong paaralan at ipagmalaki ang inyong pinagmulan at kultura.

Dalangin namin ang inyong patuloy na pag-unlad at tagumpay sa susunod na yugto ng inyong buhay.

Taos-pusong pagbati, mga nagsipagtapos ng Class of 2026! 🌟
Padayon sa inyong mga pangarap!

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 26/01/2026

Isang malaking pasasalamat ang aming ipinapaabot sa ASA Philippines Foundation para sa matagumpay na paglulunsad ng programang Pag-ASA at Sustansya. Dahil sa inyong suporta sa 120-day feeding program sa Kisloyan Minority School, mas naging malusog at masigla ang ating mga mag-aaral.

Salamat sa pagtulong sa aming hubugin ang isang komunidad na busog sa sustansya at pag-asa! 🍲📖




19/12/2025

We wish you a Merry Christmas—from the hearts of our Indigenous learners. 🎄🎶Namamasko po😍😊🎁🤗

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 19/12/2025

Christmas feels hit different when shared with smiles like these. 🎄😊
✨Pasko sa paaralan 2025
Pagmamahalan❤️😍, Pagbabahagi🎁 at Pagdiriwang🎊🎉

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 18/11/2025

Happy Birthday po Mam Zulueta Erlin 🎂🎂🎂 Maraming Salamat po

Photos from DepEd Tayo-Kisloyan Minority School's post 02/09/2025

Ngayong buwan, nakiisa ang Kisloyan Minority School sa pagbubunyi ng yaman ng ating wikang Filipino at mga katutubong wika—mga salitang humubog sa ating kasaysayan, kultura, at pagkatao bilang isang sambayanan. Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” muling pinatunayan ng bawat batang KMS na ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon, kundi tulay ng pagkakaunawaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Nakita natin ang sigla ng kabataang Pilipino sa pagsasayaw, pagkanta, pagtula, at paglikha ng mga obrang nagpapakita ng kahalagahan ng ating mga wika. Sa bawat pagtatanghal, dama ang alab ng damdamin at ang diwa ng pagiging tunay na makabayan.

Ang paglinang sa ating wika ay paglinang din sa ating pagkatao. Sa bawat salitang ating pinagyayaman, binubuo natin ang mas matibay na pundasyon para sa isang bansang nagkakaisa, may malasakit, at may pagpapahalaga sa sariling kultura.

Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang mga katutubong wika! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!


Want your school to be the top-listed School/college in Victoria?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Villa Cerveza
Victoria
5205

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm