07/08/2026
PROJECT NUTRI-SNACK πππ₯
A Nutritional Snack Feeding Program for Severely Wasted Learners
Bilang bahagi ng patuloy na pagsasakatuparan ng adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtataguyod ng kalusugan at wastong nutrisyon ng mga mag-aaral, inilulunsad ng VERUELA NATIONAL HIGH SCHOOL ang Project NUTRI-SNACK: A Nutritional Snack Feeding Program for Severely Wasted Learners.
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng masustansyang meryenda sa mga mag-aaral na may matinding kakulangan sa nutrisyon upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang nutritional status, mapalakas ang kanilang resistensya, at mapataas ang kanilang kakayahang makilahok nang aktibo sa mga gawaing pampaaralan.
Ang Project NUTRI-SNACK ay sumasalamin sa sama-samang adhikain ng paaralan, mga magulang, mga stakeholder, at ng buong komunidad na matiyak ang kapakanan ng bawat mag-aaral. Naniniwala kami na ang isang batang may sapat na nutrisyon ay mas handa sa pagkatuto at may higit na pagkakataong magtagumpay sa buhay.
Ang programang ito ay isang konkretong hakbang tungo sa pagsusulong ng isang malusog, ligtas, at inklusibong kapaligirang pampagkatuto, alinsunod sa layunin ng DepEd na matiyak ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat.
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming mga katuwang at sumusuporta sa programang ito. Ang inyong malasakit at pakikiisa ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga mag-aaral.
"Masustansyang Meryenda, Malusog na Mag-aaral, Matatag na Kinabukasan."