02/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฟ๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ช๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ด๐น๐ถ๐๐ต ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ค๐๐ถ๐ ๐๐ฒ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป๐
Nagwagi ang ibaโt ibang mag-aaral ng St. Gregory College of Valenzuela sa magkakasunod na patimpalak para sa English Month noong Nobyembre 13โ14, 2025, kabilang ang Senior High School Quiz Bee at Junior at Senior High School Spelling Bee, kung saan ipinamalas nila ang husay at kahandaan sa akademikong kompetisyon.
Noong Nobyembre 13, itinanghal na kampeon sa Quiz Bee: Battle of the Brightest ang 11-HUMSS 2 matapos manguna sa clincher round laban sa 11-HUMSS 1 at 11-ABM 1.
Nagtabla ang tatlong pangkat sa hard round na may tig-31 puntos, dahilan upang magsagawa ng tie-breaker. Sa huli, nanguna ang HUMSS 2 na may 36 puntos, sinundan ng HUMSS 1 na may 35, at ABM 1 na may 34.
Ayon sa mga miyembro ng 11-HUMSS 2, hindi nila inaasahan ang panalo dahil kulang umano sila sa paghahanda.
Ayon kay Alessandra Cabaรฑeros, puno man sila ng kaba at kulang sa ensayo, nagbunga pa rin ang kanilang determinasyon. Dagdag ni Audrey Ayubong, nagpasya silang mag-enjoy at sagutin ang kaya nila, habang sinabi ni Carmilla Reyes na mas naging epektibo sila nang i-enjoy ang laban sa kabila ng pressure, dahilan ng sunod-sunod na tamang sagot.
Samantala, noong Nobyembre 14, nagtanghal din ng mga bagong kampeon sa Junior High School Spelling Bee, kung saan nanalo ang Grade 10 โ Reverence.
Sina Gabe Xander F. Limbauan, Migs Daniel F. Mandawe, at Tiara Mei S. Chua ang kumatawan sa kanilang baitang.
Ayon kay Limbauan, labis ang kanyang saya sa kabila ng biglaang paglahok. Si Mandawe naman ay umaming nahirapan sa ilang salita ngunit nakaangat dahil sa paghahanda at suporta ng mga kaklase. Para kay Chua, ipinakita ng karanasan na kahit mahirap, ibinigay ng lahat ang kanilang makakaya.
Sa Senior High School division ng Spelling Bee, itinanghal namang kampeon ang 12-STEM 1, na kinabibilangan nina Earl Inocencio, Meiell Onayan, at Princess Posadas.
Ayon kay Onayan, masinsinang paghahanda ang kanilang ginawa dahil inasahang mahirap ang mga salita, ngunit marami rito ang โmadalas nilang gamitin,โ na nagbigay sa kanila ng kumpiyansa. Dagdag pa niya, ang kanilang tagumpay ay bunga ng โoras ng pag-aaral, fokus, at teamwork.โ
Ang magkakasunod na panalo sa Quiz Bee at Spelling Bee ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng St. Gregory College of Valenzuela sa mga programang pang-akademiko, at ng kahusayan ng mga mag-aaral nito sa ibaโt ibang larangan ng talino at kasanayan.