Sibol-Arko

Sibol-Arko

Share

school events and happenings

Photos from Sibol-Arko's post 20/01/2026

Ramdam ang tensyon at kaba ng mga mag-aaral para sa screening ng Mr. and Ms. Arkong Bato National High 2026. Ngayong araw ika-20 ng Enero ay nagkaroon ng pagsala sa mga lumahok sa nasabing patimpalak na isinagawa sa canteen area. 12 na babae at lalaki lamang ang mapipili upang mapabilang sa darating na culminating sa ating paaralan.

Ibinigay ng mga Arkonians ang kanilang buong husay sa pagrampa at pagpapakilala sa sarili upang mapasama sa 12 na mapipili. Ipapaskil ang anunsyo bukas sa Bulletin board ng MAPEH na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Junior High School building ang mga mapapalad na mapipili ng para sa nasabing gawain. Arkonians: ngayon pa lang ay pagbati na sa inyong ipinamalas na husay at galing ๐Ÿ‘
๐Ÿ“ธ ๐Ÿ“ Prince Espiรฑa Catalong

16/01/2026

I got over 70 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! ๐ŸŽ‰

11/11/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ’๐ŸŽ๐Ÿ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ , ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ณ๐ฎ๐ž๐ฅ๐š

Ngayong Nobyembre 12, 2025 (Miyerkules), ipinagdiriwang natin ang ika-402 anibersaryo ng pagkakatatag ng Valenzuela, isang mahalagang petsang kinikilala bilang Araw ng Valenzuela.

Ang kasaysayan ng ating lungsod ay nagsimula noong Nobyembre 12, 1623, nang ideklara ni Spanish Governor-General Alonso Fajardo de Entenza ang paghihiwalay ng Sitio Polo mula sa malawak na teritoryo ng Catangalan (Meycauayan), Bulacan, upang maging isang independiyenteng bayan. Mula noon, ang Polo ay umunlad bilang isang komunidad na may matatag na kultura at ekonomiya.

Di naglaon, pinalitan ang pangalan ng bayan mula Polo tungo sa Valenzuela, bilang pagkilala kay Dr. Pรญo Valenzuelaโ€”isang bayaning tubong Polo, doktor, at aktibong kasapi ng Katipunan, na nag-ambag nang malaki sa rebolusyon at pakikibaka para sa kalayaan.

Higit pa sa pagdiriwang, ang araw na ito ay isang paggunita sa ating pinagmulan. Ang makasaysayang Simbahan ng San Diego de Alcalรก, kasama ang natitirang bahagi ng lumang simbahan (convento at kampanaryo), ay nananatiling tahimik na saksi sa pag-unlad ng ating bayanโ€”mula pagiging Polo hanggang sa pagiging ganap na Lungsod ng Valenzuela.

Tunay na mayaman sa kasaysayan, kultura, at pamanang Pilipino ang ating lungsod. Nawaโ€™y patuloy natin itong pahalagahan, ingatan, at ipagmalaki.

Muli, Maligayang ika-402 Anibersaryo ng Pagtatag, Lungsod ng Valenzuela!

Isinulat at pubmat ni: Prince Espiรฑa Catalong
Iniwasto ni: M. Marcelo

Photos from Sibol-Arko's post 08/11/2025

Pagbati rin sa mga natatanging Filipino Journalist na lumahok sa nakaraang Abnhs Mr. and Ms. United Nations 2025.
mula sa Team Sibol-Arko ikinararangal namin kayo
๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
James Jabagat
Mathew Barba
Ashley Mae Magtanggol
Adrey Lizette Salinas
Ma. Janmelyn Libot
(1st. Runner up)

Photos from Sibol-Arko's post 08/11/2025

United Nations Celebration sa ABNHS, Matagumpay at Masaya

ARKONG BATO, Nobyembre 7, 2025 โ€“ Masaya, matagumpay, at puno ng talento ang pagdiriwang ng United Nations sa Arkong Bato National High School, na may temang โ€œCooperatives Build A Better Worldโ€, sa pangunguna ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panalangin. Masiglang binati ng mga tagapagpadaloy ng programa, sina Bb. Althea Rein Castillo Saquita at G. John Michael Bueno , ang mga dumalo. Nagbigay ng paunang pananalita ang punong-g**o, Gng. Juliana Tamayo-Alvarez , na isa rin sa mga hurado kasama sina G. Allan del Mundo at bisitang hurado G. Jeric J. Ambrad.

Bago ang pangunahing bahagi ng pagdiriwang, nagtanghal ang ikasiyam na baitang ng kanilang kampeong sayaw mula sa Cultural Dance Competition. Pagkatapos nito, ipinakilala ang mga kalahok ng Mr. and Ms. UN 2025 mula sa ibaโ€™t ibang baitang, na nagpakita ng talento, kagandahan, at kani-kanilang adbokasiya. Umulan din ng medalya, sertipiko, at tropeo bilang pagkilala sa mga nagwagi sa mga kompetisyong ginanap buong Oktubre.

Matapos mapili ang limang Ginoo at limang Binibini, sinuri ng mga hurado ang kanilang talino at husay sa pagsagot sa mga katanungan. Sa huli, inanunsiyo ang mga nagwagi:

Ikaapat na Puwesto: Mr. Netherlands Tristan Troy Bartolome at Ms. Philippines Raniesha Peregrino Iesha Suarez

Ikatlong Puwesto: Mr. Philippines Jadrienne Kristoff San Miguel at Ms. Netherlands Selina Gwenn Dela Cruz

Ikalawang Puwesto: Mr. Dominican Republic Kurt Nathan Manalo at Ms. USA Tiffany Jhane Famis

Unang Puwesto: Mr. China Steven Francis Armado at Ms. Russia Maria Ma Janmelyn Libot

Mr. and Ms. United Nations 2025: Mr. Ralph Aaron Estares Rae Ron at Ms. Kylie Santiago ng bansang Jamaica, Baitang 10, Pangkat Aristotle, sa pamamatnubay ng kanilang g**o, G. Victor Sayo.

Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Ni**od Gamayo bilang pasasalamat. Pagbati rin sa Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Fernandez Canlas , at sa mga g**ong sina G. Ni**od Gamayo (Baitang 7), Gng. Melissa Rabino (Baitang 8), G. John Michael Bueno (Baitang 9), at G. Victor Sayo (Baitang 10) sa kanilang dedikasyon.

๐Ÿ“ท Ynna Gutierrez, Merialyn Replentes, Miel Macasieb, Enzo Abadines
๐Ÿ“ Ayesha Gail Paduada, Xyriel Jeff Santiago
Iniwasto ni: M. Marcelo

25/10/2025

Wellness Break: Ito ay para sa mga mag-aaral at g**o, upang bigyan daan ang kalagayang pangkalusugang pisikal at mental ng lahat. Kaya naman ay gawing makabuluhan ang inyong isang lingong bakasyon kasama ang buong pamilya.
Pagkakataon din ito upang makapaghanda para sa nalalapit na Undas, na pagdalaw sa inyong mga mahal sa buhay na pumanaw na O umuwi at bumisita sa probinsya ng bawat pamilya.

Kaya Arkonians munting paalala, mag-iingat palagi at sulitin ang bawat araw na may ngiti at sigla.

12/10/2025

NCR No Face to Face Oct. 13-14

Photos from Sibol-Arko's post 11/10/2025

Waging Muli!
Nagkamit ng pwesto ang TEAM AGHAM ABNHS sa idinaos na DIVISION SCIENCE and TECHNOLOGY FAIR 2025 na may temang: Harnessing the Unknown: Powering the Future Through Science and Innovation na ginanap ngayong ika-11 ng Oktubre 2025 sa Canumay East National HS. Nasungkit ang ikalawang pwesto para sa QUIZ BEE ni Audrey Lizette M. Salinas ng 8- Aquamarine sa pamamatnubay ni Gng. Mary Ann J. Rupinta at ikatlong pwesto para sa INVESTIGATORY PROJECT ni Kylie M. Santiago ng 10-Aristotle sa pamamatnubay ni Gng. Alma M. Manalo. Sa pangunguna ng ulo ng Kagawaran, Gng. Anicia B. Rivera kasama ang ibang nga G**o ng ABNHS TEAM AGHAM at ng aming punongg**o Gng. Juliana Tamayo-Alvarez salamat po palagi sa malaking pagsuporta. Hindi mapasusubalian ang husay at dedikasyon ninuo kaya naman
Pagbati at Pagkilala ang aming handog ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
๐Ÿ“ท Gng. Anicia B. Rivera

Photos from Sibol-Arko's post 11/10/2025

Ikalawang Araw ng Camping,
sinimulan ang araw ng mga Boy Scout sa isang masiglang ehersisyo at sinundan ng kanilang paghahanda para kumain ng almusal, maligo at magbihis ng kanilang mga Boy Scout Uniform.

Nagsimula ang programa sa ikalawang araw sa isang panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang, pagkatapos ay nagkaroon ng paunang pagbibigay ng mga parangal para sa mga Scout at crew na nagpamalas ng kanilang husay at dedikasyon. Nagkaroon ang mga Scout ng tatlong sesyon na pinangunahan ng mga Scout Master John Michael Bueno , Scout Master Joshua Lorzano at Red Cross Coordinator ma'am Elaine Rivera. Pagkatapos ng mga sesyon ay masayang nagtanghalian ang mga Scout at Scout leader sa inihandang pagkain ng ating mga support team, ang ating mga canteeners na buong siglang inasikaso ang kanilang tanghalian.

Pagkatapos kumain at makapagpahinga ang lahat ay nagsipaghanda naman ang mga Scout para sa pagwawakas ng progama na sinimulan sa pagbigkas ng kanilang mga Yell at awit. At sa ikalawang bahagi naman ay ang pagbibigay muli ng mga parangal, ribbon at sertipiko para sa iba't kategorya ng kanilang gawain at ang sertipiko ng pakikiisa ng mga Boy Scouter ng ABHNS. Sa huli ay nagbigay ng mga pangwakas na pananalita ang mga Scout Master. Natapos ang gawain sa isang masayang pamamaalam sa bawat isa at busog silang umuwi dahil sa meryendang inihanda para sa kanila.
Maraming Pasasalamat rin po sa mga g**o at kay Sir Allan del Mundo na buong buo ang suportang ibinahagi para sa School Based Camping na ito.. Higit lalo sa aming Punongg**o Juliana Tamayo-Alvarez sa tiwala at suporta na kakayanin ng mga Scouter ang hamon ng gawaing ito. Muli salamat po ma'am sa Suporta at pakikiisa.

ABNHS Boy Scouters, pag-SALUDO sa Inyong Dedikasyon at Determinasyon sa pagtanggap sa hamon at responsibilidad na naiatang sa inyo. Nawa ay magamit ninyo sa ating lipunan ang mga natutuhang aral at kasanayan na magpapakilala sa inyo bilang mabubuting mamamayan ng bansang Pilipinas ๐Ÿซก๐Ÿซก๐Ÿซก

Photos from Sibol-Arko's post 11/10/2025

Harnessing the Unknown: Powering the Future Through Science and Innovation

Masaya at puno ng Talento ang isinagawang pagdiriwang ng Buwan ng Agham sa Arkong Bato NHS noong ika-6 ng Oktubre 2025 Dinaluhan ito ng mga mag-aaral at piling mga g**o sa bawat antas. Pinangunahan ng ulo ng Kagawaran ng Agham na si Gng. Annie Baltazar Rivera kasama ang mga g**o sa bawat antas ang pagsisimula ng programa.

Nagbigay rin ng pananalita ang ating punongg**o Gng. Juliana Tamayo-Alvarez at ipinakilala ang mga hurado ni Gng. Mary Ann Juan Rupinta mula sa ibang paraalan na silang pipili ng mga magwawagi sa pinaka sentro ng pagdiriwang, ang G. at Bb. KALIKASAN 2025. Ginawaran din ng mga sertipiko, medalya at tropeyo ang mga nagsipagwagi sa iba't ibang paligsahan para sa nasabing buwan ng pagdiriwang. At sa huli ay itinanghal sina Glacey Ann Baldon at Xian Benedict Tan na G. at Bb. Kalikasan 2025
PAGBATI ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
๐Ÿ“ท Enzo Abadines
Hiako Macasieb

Photos from Sibol-Arko's post 10/10/2025

Karangalan!
Pagbati sa inyong tagumpay Kinn Ivler I. Acosta ng 10 Aristotle at sa iyong mahusay na tagapagsanay sir Daniel S. Jaucian kasama ang buong suporta ng ulo ng kagawaran ng Sipnayan ABNHS Ma'am Maricar Aguinaldo, sa pagkamit ng ikatlong pwesto para sa patimpalak ng DIVISION SCIENCE TECHNOLOGY FAIR 2025 MATHEMATICS & COMPUTATIONAL SCIENCES, Individual Category na ginanap sa VALENZUELA CITY ACADEMIC CENTER OF EXCELLENCE( ValACE) Malinta Valenzuela City, ngayong ika-10 ng Oktubre 2025
Mabuhay at ikinararangal namin kayo ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘
๐Ÿ“ท Maricar Aguinaldo

Photos from Sibol-Arko's post 10/10/2025

ABNHS BOY SCOUT OVERNIGHT CAMPING 2025

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Mh Del Pilar Road
Valenzuela