08/11/2025
United Nations Celebration sa ABNHS, Matagumpay at Masaya
ARKONG BATO, Nobyembre 7, 2025 โ Masaya, matagumpay, at puno ng talento ang pagdiriwang ng United Nations sa Arkong Bato National High School, na may temang โCooperatives Build A Better Worldโ, sa pangunguna ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.
Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panalangin. Masiglang binati ng mga tagapagpadaloy ng programa, sina Bb. Althea Rein Castillo Saquita at G. John Michael Bueno , ang mga dumalo. Nagbigay ng paunang pananalita ang punong-g**o, Gng. Juliana Tamayo-Alvarez , na isa rin sa mga hurado kasama sina G. Allan del Mundo at bisitang hurado G. Jeric J. Ambrad.
Bago ang pangunahing bahagi ng pagdiriwang, nagtanghal ang ikasiyam na baitang ng kanilang kampeong sayaw mula sa Cultural Dance Competition. Pagkatapos nito, ipinakilala ang mga kalahok ng Mr. and Ms. UN 2025 mula sa ibaโt ibang baitang, na nagpakita ng talento, kagandahan, at kani-kanilang adbokasiya. Umulan din ng medalya, sertipiko, at tropeo bilang pagkilala sa mga nagwagi sa mga kompetisyong ginanap buong Oktubre.
Matapos mapili ang limang Ginoo at limang Binibini, sinuri ng mga hurado ang kanilang talino at husay sa pagsagot sa mga katanungan. Sa huli, inanunsiyo ang mga nagwagi:
Ikaapat na Puwesto: Mr. Netherlands Tristan Troy Bartolome at Ms. Philippines Raniesha Peregrino Iesha Suarez
Ikatlong Puwesto: Mr. Philippines Jadrienne Kristoff San Miguel at Ms. Netherlands Selina Gwenn Dela Cruz
Ikalawang Puwesto: Mr. Dominican Republic Kurt Nathan Manalo at Ms. USA Tiffany Jhane Famis
Unang Puwesto: Mr. China Steven Francis Armado at Ms. Russia Maria Ma Janmelyn Libot
Mr. and Ms. United Nations 2025: Mr. Ralph Aaron Estares Rae Ron at Ms. Kylie Santiago ng bansang Jamaica, Baitang 10, Pangkat Aristotle, sa pamamatnubay ng kanilang g**o, G. Victor Sayo.
Nagtapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Ni**od Gamayo bilang pasasalamat. Pagbati rin sa Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Fernandez Canlas , at sa mga g**ong sina G. Ni**od Gamayo (Baitang 7), Gng. Melissa Rabino (Baitang 8), G. John Michael Bueno (Baitang 9), at G. Victor Sayo (Baitang 10) sa kanilang dedikasyon.
๐ท Ynna Gutierrez, Merialyn Replentes, Miel Macasieb, Enzo Abadines
๐ Ayesha Gail Paduada, Xyriel Jeff Santiago
Iniwasto ni: M. Marcelo