31/03/2026
Sa pagtatapos ng School Year 2025–2026, lubos po naming pinasasalamatan ang mga Ate at Kuya ng ESP Club Family. Sa inyong walang sawang paggabay, suporta, at pagtulong sa amin na mas nakababatang ka-officers, naging mas maayos at matagumpay ang pagpapatupad ng ating mga proyekto at aktibidad sa Club.
Maraming salamat po sa inyong oras, sakripisyo, at dedikasyon. Kayo po ang nagsilbing inspirasyon at gabay upang mas matutunan naming maging responsable, masipag, at mas maayos na lider para sa kapakanan ng aming kapwa.
Habang kayo ay patuloy na tumatahak sa bagong yugto ng inyong buhay, hinihiling po namin ang lahat ng kabutihan at tagumpay na inyong nararapat. Nawa’y dalhin ninyo ang mga alaala at aral na inyong naibahagi, at magsilbi itong lakas sa inyong pag-abot ng mga pangarap.
Muli, maraming maraming salamat po, Ate at Kuya. Hindi namin malilimutan ang inyong kabutihan at ang mga naging ambag ninyo sa aming club at sa aming mga puso. 💙✨
President & Vice President: Charles Dela Llarte & Mark Jayvee Orcullo
Auditor & Gr.10 Representative: Yui Niño & Haven M. Hughes
16/12/2025
15/12/2025