CWES - The Caring Corner

CWES - The Caring Corner

Share

Official page of CWES Guidance Office

23/10/2025

𝑴𝒂𝒚 𝒕𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒉𝒂𝒓𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝒕𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑.

Ngayong araw ng pagsusulit, masusubok ang kaalaman at natutuhan sa loob ng ilang buwan sa silid-aralan. Mula sa mga talakayan at pagsasanay, nahubog ang karunungan at nahasa ang talas ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Pinakamahalagang magtiwala sa sarili sa ganitong mga pagkakataon.

𝙽𝚊𝚗𝚒𝚗𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚢𝚊𝚗𝚐-𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚒𝚢𝚘 '𝚢𝚊𝚗! 🍀

🧸

22/10/2025

𝑴𝒂𝒚 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒂𝒉𝒆 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒊𝒔𝒂
𝒏𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒃𝒂𝒔𝒕𝒂-𝒃𝒂𝒔𝒕𝒂 𝒏𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒕𝒂.

Isang pagsubok ang bawat araw para sa ating dalhin ang lahat ng mabibigat na alalahanin. Walang kapaguran ang pares ng mga balikat na pasanin ang mga bagaheng laman ay ang agam-agam ng bukas.

Ngunit madalas, gumagaan ang mga bagaheng ito sa pamamagitan ng mga simpleng pangungumusta.

𝐈𝐤𝐚𝐰, 𝐤𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐤𝐚?

🔱
🧸

Photos from CWES - The Caring Corner's post 16/10/2025

Bilang pakikiisa ng paaralan ng Canumay West Elementary School sa 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 𝑴𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉, ipinagdiriwang namin ang buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad na layuning maghatid ng 𝙠𝙖𝙨𝙞𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣, 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣 sa mga batang Canumay West.

Hangad ng bawat isa na 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 patungkol sa kalusugang pangkaisipan upang mas maaga nilang maunawaan ang mga bagay na 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 para sa mas 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠, 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 na mental health. 🧠

🔱
💚
🧸

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


63 L. San Diego Street, Canumay West
Valenzuela
1443