DepEd Ugong Senior High School - Valenzuela City

DepEd Ugong Senior High School - Valenzuela City This is the official online bulletin of Ugong Senior High School (USHS) under the Schools Division Office of Valenzuela

03/09/2026

πŸ“£ FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 134 ng Tanggapan ng Pangulo, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, sa Valenzuela City, Setyembre 4, 2026.

Ito ay bilang pag-iingat sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat at mababang kalidad ng hangin sa NCR dahil sa haze.

Nasa paaralan po ang pagpapasya sa angkop na alternative mode of learning.

Unahin po natin ang kaligtasan. Mag-ingat tayong lahat, Valenzuelanos! πŸ’™

🌟 PASKONG PINOY ✨ Welcome, 'BER Months!As we welcome the Ber Months, we embrace a season filled with warmth, joy, gratit...
01/09/2026

🌟 PASKONG PINOY ✨

Welcome, 'BER Months!

As we welcome the Ber Months, we embrace a season filled with warmth, joy, gratitude, and togetherness. In the Philippines, this time of year marks the beginning of the much-anticipated Christmas seasonβ€”a celebration that brings families, friends, and communities closer together.

The Philippines is widely known for having one of the longest Christmas celebrations in the world, with the festive spirit often beginning as early as September and lasting through the Feast of the Epiphany in January.

May these coming months inspire us to cherish meaningful moments, spread kindness, and share the spirit of hope and joy with one another.

From our school community to yours, may the Ber Months bring light, happiness, and wonderful memories to all! βœ¨πŸŽ„

31/08/2026

PAALALA SA PUBLIKO

Dahil sa usok at haze na maaaring dulot ng mga wildfire sa Borneo, pinapayuhan ang lahat, lalo na ang mga may Asthma, COPD, at iba pang respiratory illnesses, na mag-ingat at protektahan ang kanilang kalusugan.

😷 Magsuot ng face mask, lalo na kapag nasa labas o sa mga lugar na may makapal na usok o haze.

βœ… Iwasang manatili sa labas kung hindi kinakailangan.
βœ… Isara ang mga bintana at pinto upang mabawasan ang pagpasok ng usok.
βœ… Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas.
βœ… Dalhin at gamitin ang inyong maintenance o rescue medication ayon sa payo ng doktor.
βœ… Kung makaranas ng matinding hirap sa paghinga, agad na humingi ng medical assistance.

Mag-ingat, maging alerto, at protektahan ang respiratory health ng bawat isa.

ARAW NG MGA BAYANISa mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas, halos mag-iisang siglo na ang pagdiriwang nito ng "Pam...
31/08/2026

ARAW NG MGA BAYANI

Sa mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas, halos mag-iisang siglo na ang pagdiriwang nito ng "Pambansang Araw ng mga Bayani." Sa araw na ito, inaalala at binibigyang-pugay natin ang mga kinikilala nating bayani kasama ang hindi mabibilang na mga Pilipinong hindi napangalanan sa kasaysayan ngunit nag-alay ng kani-kanilang mga buhay para sa pagmamahal sa bayan, para sa kasarinlan.

Ang pagkabayani ay hindi lamang makikita o matutunghayan sa panahon ng digma. Sapagkat ang pagkabayani ay naipapasa isa iba't ibang anyo sa sunod-sunod na ipinanganganak na henerasyon. Kaya naman ang pagakabayani ay nakikita sa iba't ibang mga propesyon at maging sa payak na pakikipagkapwa. Ang pagkabayani, o ang pag-aalay ng pag-ibig sa tinubuang lupa, ay marapat na malugod na tinatanggap at pinaninindigan ng mga henerasyong nagpapatuloy ng ating kasaysayan at kalinangan.

Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, inaanayayahan ng Ugong Senior High School ang lahat na alalahanin at pagnilayan ang mga isinakripisyo ng mga bayani sa bayan. Alamin at kilalanin ang tunay na diwa ng ating pagkalahi at pagkabansa.

πŸ“£ UPDATED FIRST TERM EXAMINATION SCHEDULE πŸ“Take heed, Ushers, parents and guardians!Due to suspension of face-to-face cl...
29/08/2026

πŸ“£ UPDATED FIRST TERM EXAMINATION SCHEDULE πŸ“

Take heed, Ushers, parents and guardians!

Due to suspension of face-to-face classes today, August 28, 2026, caused by heavy rains brought by Southwest Monsoon (Habagat), our First Term Examination has been rescheduled to September 01-02, 2026.

To all Ushers,
Please keep yourselves safe and stay updated with the latest weather forecasts and advisories. Take this opportunity to review your lessons, catch up on missed work, and prepare for your upcoming assessments.

To our parents and guardians,
We kindly ask for your support in guiding and encouraging our learners as they review their lessons at home. Your assistance and encouragement can help them stay focused and prepared.

Stay safe, stay informed, and keep learning, Ushers!

πŸ“£ IMPORTANT DATES TO REMEMBER πŸ“†Heads up, Ushers!As we approach the End of Term Block of First Term in School Year 2026-2...
29/08/2026

πŸ“£ IMPORTANT DATES TO REMEMBER πŸ“†

Heads up, Ushers!

As we approach the End of Term Block of First Term in School Year 2026-2027, here are the important dates to mark on your calendars.

From assessments and academic requirements to other end-of-term activities, every date counts! Make sure you’re informed, prepared, and ready to wrap up the First Term on a high note.

πŸ“Œ SAVE THE DATES. STAY ON TRACK. FINISH STRONG!

Check the schedule below and keep these important dates on your calendars.

Source: DepEd Order No. 009, s. 2026, or the Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education.

27/08/2026

πŸ“£ FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION

SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE classes sa LAHAT NG ANTAS, pampubliko man o pribado, sa Lungsod ng Valenzuela bukas, Agosto 28, 2026. Ito ay bilang pag-iingat dahil sa banta ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat sa mga susunod na araw.

Nasa diskresyon ng bawat paaralan ang pagpapatupad ng angkop na alternative mode of learning matapos ang suspensiyon ng face-to-face classes.

Hinihikayat ang lahat na unahin ang kaligtasan, manatili sa ligtas na lugar, at iwasan ang anumang hindi kinakailangang paglabas ng bahay. Manatili ding nakaantabay sa aming opisyal na social media accounts para sa mga abiso.

Mag-ingat po tayong lahat, Valenzuelanos! 🌧

23/08/2026

Yes po, opo, MAY PASOK BUKAS! πŸ“šπŸ’™

Maayos na po ang lagay ng panahon kaya bukas, Agosto 24, 2026, ay MAGPAPATULOY na ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Lungsod ng Valenzuela.

Ihanda na ang mga uniporme, ayusin ang mga bag, at i-set na ang alarm clock! β°πŸŽ’

Patuloy pa rin po tayong mag-ingat at manatiling nakatutok sa mga opisyal na updates mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Magkita-kita tayo sa paaralan, ! πŸ’™πŸ“š

Address

Ugong
Valenzuela

Opening Hours

Monday 6am - 2pm
Tuesday 6am - 2pm
Wednesday 6am - 2pm
Thursday 6am - 2pm
Friday 6am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Ugong Senior High School - Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Ugong Senior High School - Valenzuela City:

Shortcuts

Share