Antonio M. Serapio Elementary School

Antonio M. Serapio Elementary School

Share

127421
Amplifying Meaningful Success from Excellent Services

27/05/2026

📢 MAGANDANG ARAW PO! 📢

Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral sa Kindergarten na dumalo sa ating gaganaping 🏫 General Assembly. Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mahahalagang impormasyon, alituntunin, at mga paghahanda para sa maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase ng ating mga munting mag-aaral. 👧🧒✨

📝 IMPORMASYON TUNGKOL SA PAGPUPULONG
👨‍👩‍👧 Para kanino: Mga Magulang at Tagapangalaga ng Kindergarten Learners
📅 Araw: Biyernes, Mayo 29, 2026
🕙 Simula: 8:00 AM
📍 Gaganapin sa: AMSES Covered Court

✅ MGA PAALALA
🖊️ Magdala ng sariling ballpen.
⏳ Mangyaring dumating nang mas maaga sa itinakdang oras.
🤝 Inaasahan po namin ang inyong suporta at kooperasyon para sa ikabubuti ng pag-aaral at pag-unlad ng ating mga Kindergarten learners. 🌟

💖 Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo!

27/05/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral sa Grade 6 na dumalo sa ating gaganaping General Assembly at Distribution of School Kits. Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mga plano para sa huling taon ng inyong mga anak sa elementarya at makuha ang kanilang mga kagamitan.

📋Detalye ng Kaganapan
Sino: Mga Magulang at Tagapangalaga ng Grade 6 lamang
Petsa: Biyernes, Mayo 29, 2026
Oras: 10:00 AM
Lugar: AMSES Covered Court

✅Mga Paalala
Magdala ng sariling ballpen para sa paglagda ng attendance.
Mangyaring dumating nang mas maaga sa takdang oras.
Inaasahan po namin ang inyong buong suporta at kooperasyon para sa pagbubukas ng klase. Maraming salamat po!

27/05/2026

BRIGADA NA, ANO TARA?

Oras na para ihanda ang pangalawang tahanan ng ating mga anak! Ang Antonio M. Serapio Elementary School ay magsasagawa ng taunang Brigada Eskwela ngayong June 1-5, 2026.

Markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil magkakaroon tayo ng Kick-Off ngayong June 1! 🎉

Dala ang inyong mga walis, basahan, pintura, at higit sa lahat—ang inyong ngiti at dedikasyon—magtulungan tayong lumikha ng isang ligtas, malinis, at masayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

"Maliit na tulong kung pagsasamahin, malaking ginhawa ang kayang dalhin."

Ano pang hinihintay ninyo? I-share ang post na ito at i-tag ang inyong mga kapitbahay at kapwa magulang! Magkita-kita tayo sa June 1! 👋👷‍♂️👩‍🎨

📣 Save the date, mga ka-DepEd!

Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.

Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.

Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/2026/05/05/may-5-2026-dm-027-s-2026-2026-brigada-eskwela-implementing-guidelines/

23/04/2026

📚✨ Handa na ba ang lahat para sa School Year 2026–2027?

Simulan ang paghahanda nang maaga—kumpletuhin ang requirements, alamin ang schedule ng enrolment, at makiisa sa mga gawain ng paaralan. Tandaan, ang maayos na paghahanda ay susi sa matagumpay na pagbabalik-eskwela!

Kita-kits sa enrolment at sa unang araw ng klase! 🎒🏫

04/04/2026
01/04/2026

Sa minamahal naming Batch 2026,

Taos-puso naming ipinagmamalaki ang inyong mga tagumpay at pagsisikap na inyong ipinakita sa paglalakbay na ito. Ang bawat hamon na inyong nalagpasan ay patunay ng inyong katatagan, sipag, at dedikasyon sa pag-aaral.

Dalhin ninyo ang mga aral at pagpapahalagang inyong natutunan bilang gabay sa susunod ninyong hakbang. Nawa’y patuloy kayong mangarap, magsumikap, at magbigay inspirasyon sa iba.

Mula sa inyong mga g**o at pamunuan ng AMSES, kami ay lubos na naniniwala sa inyong kakayahan na magtagumpay sa hinaharap.

Mabuhay kayo, Batch 2026!

23/03/2026

🎉 Maligayang bati sa lahat ng Batang AMSES para sa Taong Panuruan 2025–2026! 🎓

Narito ang listahan ng mga batang bibigyang parangal sa Araw ng Pagkilala 2026.

Ipinagmamalaki namin ang inyong sipag at dedikasyon. Para sa karagdagang detalye tungkol sa Araw ng Pagkilala, makipag-ugnayan lamang sa inyong g**o.

18/03/2026

The 2026 Paraiso Drum and Lyre Ensemble Showando
2nd Place - Overall
13 Awards

🥇 Best Majorettes
🥇 Best in Marching Ex*****on
🥈 Best Mallets
🥈 Best in Musicality
🥈 Best Drumline
🥈 Most Disciplined Band
🥈 Best Conductor
🥈 Best in Visual Performance
🥈 Best in Pit Section
🥉 Best in General Effects
🥉 Most Supportive Fan Base
🥉 Band with Most Contingents
🥉 Best in Uniform

Congratulations guys! 🥳🥰
To God be the Glory 🙏



Ma’am Janelle C. Buenvenida
Ma’am Ma'am Bernadette
Sir Ernel Manucom
Sir Jhon D'c Partìdo
And to all parents/guardians.

Congratulations and thank you for your support 💚

Photos from Antonio M. Serapio Elementary School's post 06/03/2026

From finishing 16th last year to rising all the way to the Grand Finals of the NCR Palaro, our boys’ volleyball team has rewritten their story with heart, sweat, and teamwork.

Today, March 6, 2026 at Xavier School, they battled fiercely against SDO‑Marikina in a thrilling championship match that showcased their determination, skill, and the countless hours of hard work.

The team proudly finishes as NCR Palaro Silver Medalists, proving that perseverance and unity can turn challenges into remarkable achievements. Every serve, spike, and block reflected the dedication of these young athletes who carried the pride of Valenzuela City throughout the competition.

Special congratulations to Ashton Dave Ortega, hailed as Best Setter, and Alkrys Leoncio Pascual, recognized as Best Middle Blocker 2, for their outstanding performances and leadership on the court.

We also extend our heartfelt gratitude to Bitik Elementary School and Malinta Elementary School for loaning their outstanding players, Mark Kyle T. Fuentes & Kiefer Eve O. Buagas (Malinta ES) and Rainz Carl Esuagen (Bitik ES), whose contributions greatly strengthened the team throughout the tournament. Your support and collaboration truly embody the spirit of teamwork and sportsmanship.

Congratulations for making our school and community proud!

Photos from Antonio M. Serapio Elementary School's post 10/02/2026

AMSES proudly extends its heartfelt congratulations to our exemplary young campus journalists for their outstanding performance during the 2026 Division Schools Press Conference, held at Maysan Elementary School on January 30, 2026.

Prince Brent Aeron M. Frias
Sports Writing | 1st Place
Regional Qualifier
Trainer: John Louie Macam

Princess Lian M. De Vera
Pagsulat ng Lathalain | 3rd Place
Regional Qualifier
Trainer: John Louie Macam

Jesiah Mae L. Bunag
Editoryal Kartuning | 9th Place
Trainer: John Louie Macam

Janine R. Acalain
Copyreading and Headline Writing | 5th Place
Trainer: Mary Rose Ampong

Eunice Grace C. Rogel
News Writing | 5th Place
Trainer: Mary Rose Ampong

Maria Roxette Miguel
Pagsulat ng Balita | 5th Place
Trainer: Mary Rose Ampong

Zianna Eufah D. Canales
Science, Health & Technology Writing | 8th Place
Trainer: Sophia Andrea Bautista

Your dedication, diligence, and passion for journalism have brought honor and distinction to our school.

We also express our sincere appreciation to our committed trainers, and supportive parents whose guidance and encouragement have been instrumental in nurturing our learners’ growth and success.

May God continue to bless our Batang AMSES journalists as they pursue greater achievements in their journey of excellence.

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


C. De Leon Street , Ugong
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm