Malinta NHS Supreme Secondary Learner Government

Malinta NHS Supreme Secondary Learner Government

Share

Ito ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng Malinta Nat'l High School upang manguna sa lahat ng balita at proyekto ng SSLG.

07/06/2026

🏫𝙒𝙀𝙇𝘾𝙊𝙈𝙀 𝘽𝘼𝘾𝙆 𝙏𝙊 𝙎𝘾𝙃𝙊𝙊𝙇, 𝙈𝘼𝙇𝙄𝙉𝙏𝘼𝙉𝙄𝘼𝙉𝙎!🏫

Handa na ba kayo sa pagbabalik Eskwela? Kung oo, malugod naming tinatanggap ang bawat mag-aaral sa pagbabalik pasukan ngayong taon. Nawa’y maging simula na ito upang higit pang paghusayan ang pag-aaral, palakasin ang disiplina, at linangin ang mga kakayahang magdadala sa atin tungo sa tagumpay.🏆✨

Sabay-sabay nating simulan ang taong panuruan na may positibong pananaw, dedikasyon, at pagpapahalaga sa edukasyon.📚📚

Maligayang pagbabalik at maligayang pagdating sa ating Sintang Paaralan, Malintanians!✨

01/06/2026

Pabatid sa mga Magulang at Mag-aaral
Magandang araw po!
Narito po ang ilang mahahalagang paalala at iskedyul para sa nalalapit na pagbubukas ng klase:
1. Listahan ng mga Seksyon - Nakapaskil na po sa Activity Center ang mga pangalan at seksyon ng mga mag-aaral. Maaari po ninyo itong tingnan ayon sa itinakdang iskedyul.
2. Brigada Eskwela - Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, guardian, at iba pang stakeholder na makiisa sa Brigada Eskwela. Sama-sama po nating linisin at ayusin ang ating paaralan upang maging handa at ligtas para sa darating na pasukan. Maaari rin po kayong magdala ng mga cleaning materials bilang inyong kontribusyon.
3. State of the School Address (SOSA) - Inaasahan po ang pagdalo ng mga magulang at guardian sa gaganaping State of the School Address (SOSA). Mahalaga po ang gawaing ito sapagkat ilalahad ng Punong G**o ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan, mga nagawa nitong programa at proyekto, gayundin ang mga plano at layunin para sa susunod na taon ng pag-aaral.
4. Mahahalagang Iskedyul - Pakitingnan po ang mga iskedyul na nakalagay sa ibaba at tandaan ang mga ito upang maging gabay sa mga aktibidad ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa, suporta, at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng ating paaralan.

https://www.facebook.com/share/p/1H3rd8Tg4U/

Pabatid sa mga Magulang at Mag-aaral!
Ipinababatid po na ang Brigada Pagbasa (Pagpapabasa sa Asignaturang Filipino)para sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ay gaganapin bukas, Hunyo 2, 2026, magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga. Ito po ay isasasagawa sa MNHS Activity Center.
Inaasahan pong ang lahat ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ay makadalo sa itinakdang oras. Maraming salamat po.

https://www.facebook.com/share/p/1KsMZbfbMN/

01/05/2026

𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘄𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝘂𝗺𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗸 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗺𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽.

Ngayong 𝙇𝙖𝙗𝙤𝙧 𝘿𝙖𝙮, kinikilala natin ang tibay, sakripisyo, at walang kapantay na ambag ng 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤. 🇵🇭 Patuloy tayong tumindig, magkaisa, at buong tapang na ipaglaban ang karapatan at dignidad ng 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖. ✊

27/04/2026

https://www.facebook.com/share/p/1CcKuWaGaz/

Narito po ang schedule ng Enrollment at Oral Reading Assessment.
Basahin ang mga detalye, ihanda ang kinakailangang requirements, at sundin ang itinakdang schedule.

18/03/2026

Ang 𝗜𝗸𝗮𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗶𝘁 ay ang huling hakbang patungo sa tagumpay ng bawat mag-aaral. Malintanians, ating ipaalala sa sarili na ito na ang oras upang gawin ang lahat ng ating makakaya at labanan ang bawat hamon. 𝙏𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙗𝙖𝙣, 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖, 𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙥𝙪𝙨𝙞𝙣 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙜!

Photos from Malinta NHS Supreme Secondary Learner Government's post 14/03/2026

Pagbati sa mga pangkat na nagwagi sa 𝗕𝗜𝗗𝗔 𝗕𝗘𝗦𝗧 sa Buwan ng 𝗣𝗘𝗕𝗥𝗘𝗥𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲. 💌 Ang inyong dedikasyon ay siyang daan patungo sa tagumpay. Paniguradong ito ay buwan na puno ng pagsisikap, pagmamahal, at pag-asa. 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗻𝘆𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝘁𝗮𝗻𝗶𝗮𝗻!

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm