05/08/2026
๐๐ข๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐ง๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ณ๐ฎ๐๐ฅ๐
๐ญ๐ ๐ฉ๐๐บ๐๐๐
๐๐ ๐ฌ๐๐บ๐ ๐ฒ. ๐ก๐๐พ๐๐๐๐บ๐๐พ
Nakiisa ang Victors sa inilunsad na Child-Friendly Safe School Program ng lungsod ng Valenzuela nitong Agosto 5, 2026 sa ALERT Multipurpose Hall, Malinta.
Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang programa na naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiya at patakaran laban sa karahasan sa loob ng paaralan.
Sa umpisa, tinalakay ni Mayor Wes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran at mga hakbang na dapat gawin upang malabanan ang karahasan at pananakit sa loob ng paaralan.
Nagpahayag din ng suporta ang Valenzuela City Police Chief na si PCOL Joseph Talento at nagpabatid na magkakaroon at magsasagawa ng school safety simulation sa mga paaralan. Nabanggit din ang mga hotline na maaaring tawagan sakaling magkaroon ng insidente.
Binigyang-diin din ang mga batas at patakaran laban sa karahasan at bullying. Gayundin ang pagpapaigting ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pulisya, at mga paaralan upang maisulong ang mithiing ang bawat paaralan ay maging lugar na ligtas at payapa para sa lahat.
Para sa SSLG President na si John Jericho Abuela, napakahalaga ng programang ito dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng kapanatagan at pokus ang mga mag-aaral sa pagkatuto. Naniniwala siyang ang ligtas na paaralan ay tahanan ng matatag at matalinong kabataan.
Kabilang rin sa mga dumalo mula sa Veinte Reales National High School sina Dr. Roderick D. De Leon, Sir Dioscorro Lumogdang III, Ma'am Kristy B. Posas, Ma'am Armina Angela C. Cereno, Ma'am Jennievive T. Buna pati na rin ang ilang piling kinatawan ng SPTA, SSLG Officers at mamamahayag ng Victors Publication.