04/10/2024
Sa lahat ng aking mga mag-aaral at mga naging mag-aaral na hindi nakalimot para magbigay ng kanilang mga pagbati at sa mga nagextend pa ng effort para makapagbigay ng mumunti nilang handog at sulat na taos sa kanilang puso, MARAMING MARAMING SALAMAT sa inyo.
Naramdaman kong muli kung gaano kahalaga ang aking tungkuling ginagampanan. Maraming salamat sa pagpaparamdam ng pagpapahalaga sa aming mga sundalo ng karunungan.
Hangad namin ang inyong tagumpay sa mga larang na inyong tinahak/tinatahak. Isa kami sa mga naghuhumiyaw sa kagalakan sa inyong mga tagumpay na nakakamit sa buhay.
Mabuhay ang lahat ng mga g**o saan man dako ng daigdig.