11/05/2026
The Lingunan NHS community warmly welcomes Sir Filmore R. Caballero as the Officer-in-Charge (OIC) of the school.
We look forward to your leadership in advancing quality service for our learners and stakeholders.
Mabuhay at Maligayang Pagdating po, Sir!
07/05/2026
π MAGANDANG BALITA, MGA MAGULANG AT MAG-AARAL! βοΈ
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning Program), muling magsasagawa ang paaralan ng ARAL Summer Reading Program 2026 upang mapahusay ang kasanayan sa pagbasa, matugunan ang kakulangan sa literacy, at mahikayat ang tuloy-tuloy na pagkatuto kahit bakasyon.
π Ang programang ito ay alinsunod sa:
β
Republic Act No. 12028 (ARAL Program Act)
β
DepEd Order No. 10, s. 2026
ποΈ ISKEDYUL NG KLASE
π
Mayo 6 β Hunyo 3, 2026
β° 10:00 AM β 12:00 PM
π LunesβHuwebes: Face-to-face Sessions
π Biyernes: Home-based Activities
Inaanyayahan ang mga piling mag-aaral na aktibong makilahok sa programang ito upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa ngayong bakasyon.
Maraming salamat po sa inyong suporta sa patuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral! π
05/05/2026
Magandang araw!
Habang papalapit na ang panibagong taong panuruan, narito ang ARAL READING Summer Program upang tulungan ang ating mga mag-aaral na maging handa sa kanilang susunod na mga aralin sa pamamagitan ng mas pinaunlad na kasanayan sa pagbasa at mas mataas na antas ng pag-unawa.
Bilang paghahanda sa programa, inaanyayahan ang mga na-assess na mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang na dumalo sa Program Orientation sa 10:00 AMβ11:00 AM sa Lingunan National High School Computer Laboratory. Lubos naming pahahalagahan ang inyong pagdalo para sa higit na ikabubuti at tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Paglilinaw: Ayon sa DO 10, s. 2026 o Guidelines on the Implementation of the 2026 Summer Reading Programs, ngayong tag-init ay ang ARAL Summer Reading Program lamang ang ipatutupad para sa Junior High School, habang ang ARAL Summer Numeracy Program naman ay eksklusibo para sa mga mag-aaral sa Elementarya.
27/04/2026
π£ Satellite Voter Registration
Mangyaring basahin ang buong detalye sa orihinal na post. Ito ay mahalaga para sa mga nagnanais magparehistro at makaboto sa darating na halalan.
Magandang Araw mga Kabarangay!
Sa pakikipagtulungan ng COMELEC Valenzuela at ng ating Punong Barangay Jose Cabral ay magkakaroon po tayo ng satellite registration na gaganapin sa 3S Center Function Hall Barangay Lingunan. May 01, 2026 araw ng Biyernes sa ganap na alas 08:00 ng umaga hanggang alas 05:00 ng hapon. Sa lahat ng gustong mag-parehistro maari lamang pong mag tungo sa araw na nabangit at Dalhin ang mga ID gaya ng National ID, Postal ID at NBI Clearance na naka address sa Lingunan. Maraming Salamat mga Kabarangay.
21/04/2026
π£ Paalala sa lahat ng magulang at mag-aaral! Patuloy pa rin ang enrollment para sa S.Y. 2026β2027.
Tara na, mag-enroll at ipagpatuloy ang pagkatuto at pag-abot ng pangarap!
09/04/2026
π’ Paalala sa ating mga ka-guro, magulang, at mag-aaral!
Tuwing Biyernes, mula April 10, 2026 hanggang June 5, 2026, ang mga non-teaching at teaching-related personnel ng Lingunan National High School ay naka-Work-From-Home (WFH), alinsunod sa DepEd Memorandum.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang operasyon ng paaralan. Para sa anumang katanungan, transaksyon, o pangangailangan, maaari ninyo kaming maabot sa pamamagitan ng opisyal na page ng paaralan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa!
Basahin ang opisyal na memorandum ng DepEd hinggil sa pagpapatupad ng Work-from-Home arrangement tuwing Biyernes para sa school-based personnel mula April 10 hanggang June 5, 2026, bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya ng Kagawaran.
31/03/2026
π’ENROLLMENT PARA SA TAONG PANURUAN 2026β2027
Malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na maging bahagi ng Lingunan National High School para sa panibagong Taong Panuruan 2026β2027. π
Ito ay panibagong pagkakataon upang magsimula, magpatuloy, at magtagumpay sa iyong pag-aaral. Kayaβt hinihikayat ang lahat na maghanda, sumunod sa itinakdang schedule at oras, at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at organisado ang proseso ng enrollment.
Sa Lingunan NHS, bawat mag-aaral ay pinahahalagahan at binibigyan ng pagkakataong umunlad at tuparin ang kanilang mga pangarap. πβ¨
30/03/2026
Inaanyayahan ang lahat ng magulang at guardian ng mga mag-aaral sa 4th Parent-Teacher Conference (PTC) at Distribution of Report Cards sa March 31, 2026 (Tuesday).
Magsama-sama tayo upang pag-usapan ang progreso ng ating mga mag-aaral sa nagtapos na taong panuruan 2025-2026.
Ang inyong presensya ay mahalaga!
19/03/2026
Alinsunod sa Proclamation No. 1189, s. 2026, walang pasok sa Lingunan NHS sa Biyernes, March 20, 2026, bilang pagdaraos sa Eid'l Fitr.
16/02/2026
Alinsunod sa Proclamation No. 1006, s. 2025, walang pasok sa Lingunan NHS sa Martes, February 17, 2026, bilang pagdiriwang sa Chinese New Year.