01/04/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ข๐ซ ๐๐!
Kayo ang g**ong nagbigay ng kulay sa aming paglalakbay sa mundo ng literatura. Ang inyong pagtuturo at malasakit ay nag-ukit ng mga aral na hindi namin makakalimutan. Tulad ng mga librong aming nabasa, isa kayo sa mga karakter na nagbigay ng inspirasyon at lakas sa amin.
Sa araw na ito, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang-sawang sakripisyo at dedikasyon. Hindi lang kayo g**o, kundi kayo'y aming sandigan, inspirasyon, at bayaning lumalaban para sa amin. Ang inyong pagmamahal sa pagtuturo ay nagbigay sa amin ng determinasyon.
Hindi namin malilimutan ang mga payo ninyo, Sir PJ. Patuloy ninyo sana kaming gabayan at bigyan ng magagandang aral. Nawa'y mapuno ng kaligayahan at kagalakan ang araw mong ito, nawa'y bigyan ka ng maraming taon na puno ng tagumpay at pag-asa.
Kasama mo kami sa lungkot at ligaya, Sir PJ. Maraming salamat sa lahat. Nawa'y mamukadkad ka tulad ng isang mirasol, at nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa marami pang estudyante. Mahal ka namin, Sir PJ!