16/05/2026
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ
Mula sa dating tinitingalang Senado, tila isang malaking komedya ang itinanghal sa bulwagan nito ngayong linggo simula ika-11 hanggang ika-13 ng Mayo, 2026. Sa halip na seryosong deliberasyon, mga personal na bangayan at kakatwang drama ang nanaig sa pagpupulong. Nagmistula itong sirkong ang talakayan ay tungkol lamang sa kanilang mga personal na interes. Ito ba ang mga ipinagmamalaki nating mga lider na maghahatid sa atin ng hustisya at kapayapaan? Karapat-dapat bang ipagkatiwala sa kanila ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon? Sa mga pangyayaring ito sa Senado, tama bang sila ang mga nakaluklok ngayon sa puwesto?
Ating nasubaybayan ang mainit na tensyon sa pagitan nina Sen. Francis โKikoโ Pangilinan at Sen. Robinhood Padilla sa plenaryo noong Martes. โI will file a complaint,โ wika ni Padilla matapos pagtaasan ng boses ni Pangilinan habang pinag-uusapan ang isyung umiikot kay Sen. Ronald โBatoโ dela Rosa. Sa kanyang pagiging dating action star, tila nadala rin niya ang pag-uugaling ito sa loob ng bulwagang lohika ang dapat namamayani. Imbes na batas at talino, emosyon at angas ng isang aktor ang mas pinaiiral sa institusyong binuo para sa katwiran.
Hindi rin nakatulong ang naging tugon ni dela Rosa sa kaniyang pagdalo noong Miyerkules. "Kung hindi ako papasok hinahanap niyo ako diba? Ngayong papasok ako tatanungin niyo ako bakit ako pumapasok,โ sagot niya sa media. Naniniwala kaming ang paid absences ng senador ay isang halimbawa ng korapsyon. Galing sa kaban ng bayan ang ipinapasweldo sa kanilaโsalaping dugoโt pawis ng mamamayan na nagiging pambakasyon lamang ng mga buwaya.
Lalo pang naging kahindik-hindik ang sitwasyon nang himukin ng National Bureau of Investigation (NBI) si dela Rosa na sumuko sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, marapat sanang mapayapang harapin ng senador ang batas gaya ng hiling nito sa mga kriminal noong siya ay nasa law enforcement pa. Ngunit sa halip na sumuko, nagmatigas ang senador. Tila nakalimutan na niya ang kanyang mga nakaraang maton na pahayag tulad ng "Make my day" at ang hamong magpaaresto sa ICC; ngayong narito na ang warrant, bigla siyang naduwag at nagtago. Ang insidenteng ito ay humantong sa habulan sa loob mismo ng Senado, kung saan umalingawngaw ang putok ng baril na nagdulot ng lockdown sa institusyon.
Sa halip na maging ehemplo ng pagsunod sa batas, ipinakita ng mga opisyal na ito na may nakalaang special treatment para sa mga nasa itaas, habang ang ordinaryong mamamayan ay mabilis na nagagapos sa kamay ng katarungan. Ang ganitong pag-iwas ay hindi katapanganโito ay paglapastangan sa sagradong institusyong kaniyang kinakatawan. Kung ang mga tagagawa ng batas mismo ang unang lumalabag at nagtatago rito, anong mensahe ang ipinaabot nito sa sambayanan? Dahil sa paghabol ng dayuhang korte sa isang lokal na mambabatas na pinoprotektahan ng sarili nating sistema, nag-iiwan ito ng malaking mantsa sa ating soberanya. Darating na lamang ba tayo sa punto na maging ang buong mundo ay mawawalan na ng tiwala sa ating bansa?
Sa bawat segundong kanilang inuubos, unti-unting gumuho ang tiwala ng taumbayan sa integridad ng Senado. Hindi kailangan ng bansa ng mga aktor, pugante, at mga payaso sa gobyerno; ang kailangan natin ay mga tunay na lingkod-bayan. Nawaโy maging leksiyon ang pangyayaring ito upang tayoโy maging wais sa bawat boto na ating ibibigay. Huwag magpaalipin sa bulok na sistema, bagkus ating isipin ang kapakanan ng masa.
๐๐๐๐จ๐๐ข | Grace Isabelle Sarmiento
16/05/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ง๐ฒ๐ป๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ, ๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ฃ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ
Naging mainit ang isyu sa Senado matapos ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ang pagbabalik ni Senador Ronald โBatoโ Dela Rosa, ngayong linggo.
Inaprubahan ng Kamara ang rekomendasyon ng House Committee on Justice na i-impeach muli sa ikalawang pagkakataon si VP Duterte. Umabot sa 255 ang pabor, 26 ang kumontra, at siyam ang nag-abstain sa naganap na botohan. Dahil lumampas ang bilang sa kinakailangang 106 na boto o โ
ng mga miyembro, opisyal nang dinala sa Senado ang Articles of Impeachment noong Miyerkules.
Nahaharap si Duterte sa mga alegasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang high crimes. Samantala, mariing itinatanggi ng kampo ng Bise Presidente ang mga akusasyon. Binigyang-diin nila na ang mga reklamong ito ay walang sapat na batayan at bahagi lamang ng pamumulitika ng kaniyang mga kritiko.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ
Kasabay ng paghahanda para sa paglilitis, nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado. Nahalal si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President sa botong 13-9, kapalit ni Sen. Vicente โTitoโ Sotto III. Kasama ring inihalal si Sen. Loren Legarda bilang Senate President Pro Tempore at si Sen. Joel Villanueva bilang acting majority leader.
Naganap ang botohan sa pagbabalik ni Sen. Ronald โBatoโ Dela Rosa na isa sa mga bumoto kay Cayetano. Humihingi si Dela Rosa ng protective custody sa Senado laban sa posibleng pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakaraang administrasyon. Nanindigan ang senador na gagamitin niya ang lahat ng legal remedies habang naghihintay ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema.
Tinutulan naman ng Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC) at ilang legal experts ang paggawad ng proteksyon kay Dela Rosa. Argumento nila, walang ligal na batayan ang Senado upang magsilbing santuwaryo laban sa isang opisyal na may 'arrest warrant'.
๐๐ถ๐ฑ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ
Bago ang tensyon sa labas ng plenaryo, nagkaroon ng matinding pagtatalo sa loob ng session hall sa pagitan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan. Nag-ugat ito sa hiling ni Padilla na talakayin agad sa pagdinig ng Senado ang tangkang pag-aresto kay Dela Rosa.
Giit naman ni Pangilinan, nailipat na ang usapin sa Committee on Rules upang hindi maantala ang ibang nakalinyang agenda ng Senado. Nagdulot ito ng sigawan at bantaan ng ethics complaint sa pagitan ng dalawa. Nanindigan si Pangilinan na normal ang pagtataas ng boses sa debate at nagbanta ng kontra-reklamo laban kay Padilla dahil sa paglabag sa decorum. Kinumpirma naman ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na walang pisikal na suntukang nangyari sa dalawang mambabatas.
Isinailalim sa lockdown ang gusali ng Senado matapos makarinig ng mga putok ng baril sa ikalawang palapag noong gabi ng Miyerkules. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagmula ang unang warning shot sa OSAA dahil sa girian sa pagitan ng mga guwardiya ng Senado at mga armadong law enforcement personnel na nagtangkang pumasok sa complex upang isilbi ang warrant kay Dela Rosa.
Inihayag ni Senate President Cayetano na ang institusyon ay "under attack" at pinabulaanan ang mga espekulasyon na planado o "drama" lamang ang pangyayari. Sa kabilang banda, kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang insidente at nanawagan na huwag gamitin ang kapangyarihan ng institusyon upang takasan ang pananagutan sa batas. Walang iniulat na nasugatan sa mga mambabatas, at kinumpirmang nakalabas na si Dela Rosa sa compound bago mag-umaga noong Huwebes.
Samantala, inaaasahang matutuloy ang session sa Senado para sa impeachment trial ni VP Duterte sa Lunes.
๐จ๐๐๐ง | Jon Jedwin Pineda at Alezanah Niway Eleazar
๐ฃ๐๐๐ช๐๐ช๐๐ฆ๐ง๐ข | Lebron Lejano
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
11/05/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ง๐ฉ ๐๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ฎ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ป๐ด '๐๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ', ๐ป๐ฎ๐ด-๐๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ฟ
Nakamit ng TV broadcasting team ng 'Ang Iskolar' ang ilang parangal sa ginanap na "On Air: TV broadcasting competition and masterclass" ng UP Broadcasting Association sa UP Diliman ngayong araw.
Nakuha ng kanilang grupo ang ikatlong pwesto sa Best Technical Application. Nakamit naman ni Areal Iringan ang ikatlong pwesto sa Best News Anchor.
Layunin ng patimpalak na ito na mahubog ang kakayahan ng mga journo ang kanilang husay sa pagbabalita, mapanuring pag-iisip, at masalamin ang tunay na kalagayan ng balita sa telebisyon sa pamamagitan ng pagtutulungan.
๐จ๐๐๐ง | Jon Jedwin Pineda
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
10/05/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ง๐ฉ ๐๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ฎ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ป๐ด '๐๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ' ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ ๐ข๐ป-๐๐ถ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matapos mapabilang ng TV broadcasting team ng 'Ang Iskolar' sa isa sa sampung mga paaralan mula sa Luzon na maglalaban-laban sa isasagawang competition ng UP Broadcasting Association na "On Air: TV broadcasting competition and masterclass," sasabak na ang kanilang grupo para sa huling bahagi ng competition, bukas May 11, 2026.
Dinaluhan ito ng ilan sa mga batikang mamamahayag tulad nina Danilo Arao at Adrian Ayalin na nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa larangan ng pamamahayag
Naghahanda na ang buong grupo, sa pangunguna ni G. Alvin D. Mendaros upang mas mapaghusay pa at mapatalas ang kakayahan bago sumabak sa paligsahan.
Mula sa aming mga puso, pagpapala sa inyo, TV Broadcasting Team!
๐จ๐๐๐ง | Lebron Lejano
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
10/05/2026
๐๐ฆ๐๐ข๐ ๐๐๐ฆ ๐ฌ๐ฌ๐: ๐๐ป๐ด ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ? ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐!
Sa mga inang todo kung kumayod,
nagtiyagaโt nagsipag para sa kanilang mga nilagโeste alaga
Alagang-alaga habang nasa sinapupunan pa lamang,
Hanggang ngayon, na tatapak na sa panibagong mundong dala ang sulo ng pag-asa.
Sila na nagsilbing ilaw ng tahanan na tanglaw tungo sa ating mga pangarap. Bitbit nila ang pag-asa na mas nagpapatatag sa ating kalooban upang magpatuloy na lumaban at makipagsapalaran sa hirap ng buhay.
Sa mga inang hindi kayang tiisin ang anak,
Ibinuhos ang dugoโt pawis, mapunan lamang ang pangangailangan.
Sa mga inang hindi napapagod at naglalaan ng oras,
upang makinig at turuan tayong maging mabuting tao.
Kaya ngayong ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ป๐ฎ, Mommy, Nanay, Mama, at kung ano pa mang tawag sa kanila. Ipagdiwang natin ang katatagan at kagitingan ng kanilang pusoโt isipan. Kulang ang salitang โSalamatโ sa inyong dedikasyon sa lahat ng inyong ginawa para sa ikabubuti ng inyong pamilya.
Kaya naman, kung saan mang entablado natin sila makita ay taas noo natin silang palakpakan at ipagmalaki sa lahat. Sapagkat, ang Ina ng isa? ay ina nating lahatโmay iisang nais na makitang masaya sa buhay ang kanilang mga anak na inarugaโt iningatan.
๐๐๐๐จ๐๐ข | Morielle Gwen Garcia
๐ฃ๐๐ก๐จ๐๐๐ง | Lebron Lejano
01/05/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐๐ฎ๐๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ?
Sa gitna ng lumalalang gulo sa pagitan ng mga bansa, bakas sa hindi maipintang mukha ng mga manggagawa ang pangamba, hindi lamang dahil sa giyera, gayundin sa kanilang mga bulsa. Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis โ sumasabay rin ang paghagupit ng presyo ng mga bilihin. Tila isang bagyong tatangayin ang kahuli-hulihang sentimo ng mga pilipinong hindi tiyak kung may maihahain pa ba sa hapag kinabukasan. Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at mabagal na pagtaas ng pasahod ay tiyak na napatanong ka na rin sa sarili ng โKasya pa ba?โ
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong ika-5 ng Abril, bumagsak sa 75 sentimos ang Purchasing Power of the Peso (PPP) kung ikukumpara sa piso noong 2018 o pagbaba ng humigit kumulang 33.3%. Matindi ang naging epekto nito sapagkat sa tuwing humihina ang PPP, tumataas ang mga bilihin at mas naghihirap ang mga Pilipino. Kung datiโy ang sardinas ay nabibili sa halagang 17 pesos, ngayon ay nagkakahalaga na ito ng 22 pesos. Ang mas nakakabahala pa ay ang mabagal na pagtaas ng sahod. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang minimum wage para sa mga non-agricultural worker ay 537 pesos na kung ikukumpara sa kasalukuyang minimum wage ay umangat lamang ng 29.4%. Ang mga numero na ang nagsasabi sapagkat kung tatantyahin ay mas maliit nang 3% ang iyong kinikita kung ikukumpara noong 2018. Maliit man, ito ay isang malinaw na indikasyong kulang ang pagtaas ng sahod ng mga Pilipino.
Ikaw man o ako, damang-dama natin ang hirap ng lahat lalo na ang mga nagtatrabaho upang tulungan ang kani-kanilang mga pamilya. Ngunit sa ganitong panahon, ang pag-ahon sa kahirapan ay suntok sa buwan sapagkat ang bawat piso ay siguradong masisimot mula sa inyong mga pitaka dulot ng mahal na gastusin at mababang sahod.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), higit isang milyong mga driver na ang nabigyan ng fuel subsidy ng pamahalaan habang patuloy naman ang pagbibigay ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kapos ang kita sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matugunan ang kasalukuyang krisis.
Nagpataw din ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan na tatagal hanggang sa ika-10 ng Mayo habang isinusulong naman ng mga mambabatas ang pagtataas ng tax exemption sa taunang kita ng mga mamamayan alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law upang matulungan ang mga middle-income earners sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya.
Gayunman, sa kabila ng mga aksyon ng pamahalaan, para sa akin ay mahirap sabihing ang mga programang ito ay konkreto, epektibo at makatutulong upang maibsan ang kahirapan. Oo, ang mga programang ito ay nakatutulong sa mga Pilipino lalo na sa mga itinuturing na poor, vulnerable, at disadvantaged sector. Subalit kung titingnan ito para sa pangmatagalang epekto, ito ay kulang na kulang. Hindi makakabangon ang mga pamilya sa pamamagitan ng kakaunting tulong mula sa pamahalaan, at mas lalong hindi magiging mabuti ang pag-asa sa gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangan.
Batay pa sa DOLE, 695 pesos ang kasalukuyang minimum wage para sa mga non-agriculture workers para sa mga naninirahan sa Metro Manila o halos 18,000 pesos kada buwan. Kung ikukumpara sa โcost of livingโ sa Metro Manila, ay mapipilitan kang magtitipid kung ikaw ay isang minimum wage earner. Ngunit kung magpapatuloy pa ang labis na pagtaas ng bilihin, saan ka pupulutin kung mananatiling mababa ang iyong sahod?
Ilan sa ating mga kababayan ay lumuluwas patungo sa ibaโt ibang bansa upang magtrabaho sapagkat kulang ang sahod sa ating bayan upang matustusan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Batay sa estadistika mula sa Department of Migrant Workers, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa dahil dito. Gayunpaman, kahit na malinaw na mababa ang sahod sa Pilipinas, kung mananatiling nakapako ang pagtaas ng sahod, matitigil din ang pag-unlad ng bansang unti-unti nang nililisan ng mga mamamayan upang makaahon sa kahirapan.
Lumipas na ang halos isang taon nang huling itinaas ang sahod ng mga manggagawa. Ilang numero na ang nadagdag sa presyo ng mga bilihin. Gayunman, tila hindi pa rin napupukaw ang atensyon ng mga mambabatas. Ang sambayanang Pilipino ay hindi lamang nakaasa sa mga programa ng pamahalaan, marami ang napipilitan dahil sa kulang na pasahod at sobra-sobrang pagtaas ng mga bilihin.
๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ด๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฌ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ด๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ณ๐ข๐ฃ๐ข๐ฉ๐ฐ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ. ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐บ๐ถ๐ฅ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฉ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฅ. Dito mawawala ang tanong na โkasya pa ba?โ
๐ฃ๐๐ก๐จ๐๐๐ง | Vince Gallardo
๐ฃ๐๐๐ช๐๐ช๐๐ฆ๐ง๐ข | Jon Jedwin Pineda
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Jeanina Dominique Pineda
17/04/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐ข๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก!
National Capital Region, Muling Kinilala sa NSPC 2026
Matapos makipag tagisan ang mga manunulat at mamamahayag ng NCR, matagumpay muling nasungkit ang ikalawang pwesto sa pinakamahuhusay na rehiyon.
Nakamit din ng ating rehiyon ang unang pwesto na pinakamahusay sa Elementary level, at ikalawang pwesto sa Secondary group categories.
Isa itong pag-arangkada mula sa ikalimang pwestong pagkilala noong NSPC 2025, at patunay sa mas maalab na pagharap ng mga mamamahayag pangkampus sa loob at labas ng entablado.
๐จ๐๐๐ง ๐๐ง ๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | Ma. Cecilia Atok
17/04/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ง๐ฉ ๐๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ฎ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ป๐ด ๐๐พ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐๐บ, ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ก๐ฆ๐ฃ๐ 2026
Matapos ang mahigit limang taon ay muling nakatuntong sa entablado ng National Schools Press Conference ang mga delegado mula sa Valenzuela City School of Mathematics and Science, kasama ang mga delegado mula sa Punturin Senior High School at Far Eastern University.
Nasungkit ng kanilang grupo ang ikalimang puwesto para sa pinakamahusay na produksiyong pantelebisyon mula sa labing-walong rehiyon sa buong bansa.
Sa indibidwal na gantimpala, nakamit ni Kurt B. Estrella ang ikaapat na pwesto para sa pinakamahusay na direktor pantelebisyon. Sa group awards, nasungkit naman ng kanilang grupo ang ikaapat na pwesto sa technical application at developmental communication.
Patunay lamang ang mga gantimpalang ito sa husay at dedikasyon na tangan-tangan ng mga delegado upang mairepresenta ang rehiyon ng National Capital Region sa pinakamataas na entablado para sa mga batang journo.
๐จ๐๐๐ง | Lebron Lejano
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | Ma. Cecilia Atok
14/04/2026
๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | Sa masiglang pagbubukas ng National Schools Press Conference (NSPC) 2026, pumarada ang mga kalahok kabilang ang National Capital Region (NCR) kahapon, ika-13 ng Abril sa SM Ormoc, Leyte.
Libo-libong campus journalists mula sa ibaโt ibang rehiyon sa bansa ang dumalo sa kompetisyon upang makilahok sa ibaโt ibang patimpalak sa pamamahayag.
Layunin ng limang araw na kompetisyon na itampok ang mahalagang papel ng mga kabataang mamamahayag sa pagiging mapanuri at maging boses ng katotohanan.
๐จ๐๐๐ง | Majella Atheena Aguila
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag
๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | Alvin Mendaros
09/04/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด?
โAraw ng Kagitinganโฆโ
Pormal na inialay para sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa kasalukuyan, samuโt saring mga tao ang makikitaโt makikilala. Sa loob man o labas ng pamantasanโbawat isa sa kanila, dala-dala ang isang kwento ng kagitingang hindi makukwestyon ninuman. Halikaโt kilalanin natin ang ilan sa kanilaโฆ
๐ฆ๐ถ ๐ฆ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ข๐๐ข
Matagal nang nagseserbisyo sa kanilang kampo. Tila nakita na niya ata ang bawat klase ng bala at bomba na pilit inaasinta ang buhay na kaniyang inalay para sa bayan.
Ang tanging hiling lamang niya ay matapos na ang bawat guloโt giyera at makauwi na sa kaniyang pamilya.
๐ฆ๐ถ ๐ (๐ก)๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฑ๐ฒ๐ป
Hindi na siguro mabilang sa mga kamay niya ang dami ng mga pasyenteng inalagaan niya. Mula sa sundalong naputukan ng bomba sa paa, matandang pilit na lumalaban sa kanilang karamdaman, hanggang sa isang ina na nagluwal ng panibagong buhay sa mundong ibabaw.
Naalok na magtrabaho sa ibang bansaโABA, mapapabilib ka dahil dalawang dekada na siyang nag-aalaga at nagbubuhos ng puso sa bawat pasyente. Hindi siya natukso ng mas mataas na sahod sa ibang bansa, sapagkat para sa kanya, ang tunay na kayamanan ay ang ngiti ng mga taong gumaling, ang pasasalamat ng mga pamilya, at ang karangalang maging bahagi ng kanilang laban at tagumpay.
๐ฆ๐ถ ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ง๐ฆ๐จ๐ฝ๐ฒ๐ฟ
Pinalaki ng kalsadaโt minulat sa mga busina na tila isang musika ng pag-asa sa kaniyang asawa at mga anak. Gigising pa ng mas maaga sa pagsalubong ng haring araw at uuwi sa pagningning ng mga bituin sa kalangitan.
Apektado man ng pagtaas ng petrolyo, hindi naman matatawaran ang kaniyang pagseserbisyo sa mga pasaherong matiyagang naghihintay na maisakay upang maihatid sa kanilang paroroonan.
๐ฆ๐ถ ๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ถ๐ฒ
Paborito niya ang salitang โCharโ bilang pampasigla sa kaniyang klase. Tangan-tangan niya sa umaga ang bag na naglalaman ng kaniyang mga kagamitan para sa mahigit limang klase na papasukan.
Hindi man sapat ang kinikita sa pagtuturo, ngunit sapat na para sa kaniya ang maging tulay tungo sa pagbabago. Mahigpit man sa kaniyang klase, malambot naman ang ginintuang puso nito sa pagtulong sa kapos-palad nitong mga estudyante.
๐ฆ๐ถ ๐๐๐๐ฆ๐
Sa bawat anggulo na ata ng camera, makikita mo ang pagtaas niya sa isang bandera na ang nakasulat, โEDUKASYON NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN.โ Kung may klase lamang sa pakikibaka, panigurado, isa siya sa laging present sa asignaturang ito.
Matagal nang mulat sa sistemang nagpapahirap sa kanilang bansa, kayaโt kahit hindi man singlakas ng mikropono ang kaniyang boses ay hindi siya humintong makipagsapalaran para sa pagbabago ni isang beses.
Sa pagmulat mo sa iyong mga mata at paglabas sa mahahabang kalyeโt daan, paniguradong nakita mo sila kahit minsan. Ilan lamang sila sa mga taong hindi lamang magiting, ngunit dakila. Kayaโฆ Sino nga ba ang tunay na magiting? Ang aking kasagutan ayโฆ
๐๐ฌ๐ฐ, ๐ช๐ฌ๐ข๐ธ, ๐ข๐ต ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ขโ๐ต ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ด ๐ข๐ต ๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ฑ๐ช๐ญ๐ช.
๐ฃ๐๐ก๐จ๐๐๐ง | Lebron Lejano
๐ฃ๐๐๐ช๐๐ช๐๐ฆ๐ง๐ข | Jon Jedwin Pineda
๐ฃ๐๐-๐๐๐ก๐ฌ๐ข | Hisham Narag