Ang Iskolar

Ang Iskolar Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Valenzuela City School of Mathematics and Science. Iskolar ng Bayan. Iskolar ng Katotohanan.

๐—”๐—ด๐—ง๐—ฒ๐—ธ | Pinas, Tumingala at Magdiwang!: Ikatlong Taon ng Philippine Space WeekSa patuloy na pagsulong ng mga makaagham n...
14/08/2026

๐—”๐—ด๐—ง๐—ฒ๐—ธ | Pinas, Tumingala at Magdiwang!: Ikatlong Taon ng Philippine Space Week

Sa patuloy na pagsulong ng mga makaagham na karunungan, ang larangan ng siyensyang pangkalawakan ay nararapat lang din bigyang tuon at pagkilala.

Naisabatas noong Agosto 8, 2019 ang Republic Act 11363 o Philippine Space Act sa pangunguna ni Sen. Paolo Benigno โ€œBamโ€ Aquino IV, ang pangunahing author at sponsor nito. Layunin ng RA 11363 na gamitin ang kalawakan at space technology hindi lamang para sa ahensya, kundi para sa seguridad, kalamidad, klima, edukasyon, ekonomiya, at kapakanan ng mga Pilipino.

Nagsimula ang Philippine Space Week sa pagpapatibay ng Republic Act No. 11363, na nagtatag sa Philippine Space Agency (PhilSA), ang kauna-unahang space agency ng bansa. Ang PhilSA ay responsable sa pagsulong ng mga gawain at proyekto na may kinalaman sa kalawakan at ang mga hiwagang katuklas-tuklas na hatid nito.

Makalipas ang apat na taon, idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Proclamation No. 302, s. 2023 ang Agosto 8โ€“14 bilang taunang Philippine Space Week. Layunin nitong palawakin ang k**alayan ng mga Pilipino sa space science and technology at ipakita ang ambag nito sa pag-unlad ng bansa.

Libreng mga telescope viewing, planetarium admissions, at iba pang mga aktibidad ang malawakang hinahatid ng iba't ibang mga organisasyon sa bawat komunidad upang ipagdiwang ang Philippine Space Week. Sa pamamagitan ng mga ito, mas napagtitibay pa ang adbokasiyang mapalaganap ang pagkatuto tungkol sa kalawakan.

Isa ang DIWATA-1 sa mga kilalang proyekto ng ahensya, ito ang unang satellite na binuklod ng isang Pilipino na makakatulong sa obserbasyon ng ating mundo at pangangalap ng datos na magagamit para sa disaster management gayundin sa pagprotekta sa ating kapaligiran. Ito ay nasundan ng DIWATA-2, ikalawang Philippine microsatellite na patuloy na kumukuha ng mga satellite images para sa ikabubuti ng buhay dito sa lupa.

Naglunsad din ng proyekto ang PhilSA kung saan ito ay tumutuon sa pag-aalok ng Space Education Programs sa iba't ibang unibersidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Space Science Camps, scholarships, trainings, at mga aktibidad na may kaugnayan dito upang mahikayat ang mga estudyante sa space science technology. Ang mga inobasyon at ilang mga kompetisyon ay nilikha rin ng PhilSA, isang patunay at pagbida sa pagk**alikhain at kawili-wiling mga ideya at talento ng Pilipino sa larangang ito.

Sa ngayon, patuloy ang progreso at pagsulong ng ating bansa sa larangan ng space technology. Ang patuloy na pagsulyap natin sa mga tala ay siyang magsilbing apoy sa ating isipan at paalala na marami pang hiwaga at kawalan ng katiyakan sa kabila ng hangganan ng ating daigdig.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Sean Ramos
๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข | Yuri Hernandez
๐—ฃ๐—”๐—š๐—ช๐—”๐—ช๐—”๐—ฆ๐—ง๐—ข | Audrey Oliveros



๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | Wikang Malaya: Ang Pinak**ahalagang Pamana ng Ating LahiSa bawat bakas ng tinta sa ating pagsulat at sa bawa...
07/08/2026

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | Wikang Malaya: Ang Pinak**ahalagang Pamana ng Ating Lahi

Sa bawat bakas ng tinta sa ating pagsulat at sa bawat katagang pumupulas sa ating mga labi, binubuhay natin ang pinak**atandang pamana ng ating mga ninuno. Ang ating wika ang siyang sumasalamin sa masalimuot at karangyaan ng ating kultura at kaugalian ng ating nakaraan na hindi kailanman nayupi ng alinmang banyagang nagtangka.

Tuwing sasapit ang Agosto, nagbubukas ang isang pambansang yugto ng pag-alala at pagpaparangal. Isang makasaysayang buwan na nagpapaalala sa atin na ipagmalaki ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino sa buong mundo. Isang panahon kung saan kaya nating ipagsigawan na, sa wakas, ito ay sariling atin. Subalit sa likod ng mga palamuti at pagdiriwang, batid ba natin ang dumanak na pawis at sigaw bago maging ganap na malaya ang ating pananalita?

Ang Pilipinas ay binubuo ng samuโ€™t saring pulo at isla, at ang kulturang taglay nito ay maihahalintulad sa hinabing tela, na binibigyang-kulay ng ibaโ€™t ibang paniniwala at nakasanayan. Gaya ng kasabihang ang bawat tao ay kabuuan ng pinagtagpi-tagping alaala ng lahat ng nagmahal sa kaniya, ganun na rin ang ating Inang Bayan. Bagama't ito ay naglalayong palaguin pa ang ating pagkakaiba-iba, ninais ng dating mga pinuno na pagbuklurin na tayo sa wakas bilang isang bansang malaya. Ang bawat benakulo, diyalekto, at tono ay mga sinulid na nag-uugnay sa ating kapuluan; mga tahi ng kuwentong bumubuo sa ating Inang Bayan. Kayaโ€™t noong taong 1946, opisyal na itinuring ang Tagalog bilang ating pambansang wika. Subalit, tapos na nga ba ang laban? Tuluyan na bang malaya ang mga Pilipino sa tangan ng banyagang dila? Hindi pa tapos ang pagkamit natin ng sariling pagkatao, โ€˜di lang para sa mga katagalugan, ngunit para na rin sa ating mga katutubong kapatid.

Ang tunay na kalayaan ay ang pag-unlad at pagdiriwang ng ating identidad, nang magkasama ngunit magkakaiba. Paano na ang wikang nakagisnan ng mga Igorot? Oโ€™ kaya sa mga Badjao sa Mindanao? Hindi na ba mahalaga ang kanilang kultura, at dapat na ba na nila ang kanilang pagsasalita sa nakasanayan natin? Sa loob ng ilang taon pagkatapos ng pinakaunang deklarasyon ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, patuloy pa rin ang pagbabago ng mga batas na patungkol sa ating pambansang wika. Tinitiyak na sa ating pag-usad, walang katutubong tinig ang malulunod sa limot. Sa wakas, noong 1973, matapos ang ilang dekadang pagrerebisa at pagsusuri, ang pambansang wika ay tinaguriang Filipino, na sumasaklaw sa kabuuan ng Pilipinas.

Ngayon, sa pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang buwan ng Agosto ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng wikang idinikta sa ating Saligang Batas, ngunit pati na rin ang kombinasyon ng ibaโ€™t ibang dayalekto at katutubong lengguwahe na bumubuo sa ating masalimuot na kultura. Sa kalawakan ng mga pulo na lumilikha sa makulay na kalinangan ng ating angking pagkakakilanlan, 175 katutubong lengguwahe ang itinatangkilik ng sari-saring pangkat etniko sa Pilipinas. Isa lamang itong patunay ng ating malalim na karunungan at kaalaman na nanatili sa kabila ng pagbabago ng panahon.

Kahit saan mang lugar sa mundo tayo mapadpad, pinapanatili tayong konektado ng mga pamilyar na ponema at salitang minsan na tayong hinele sa k**a. Ibinabalik tayo nito sa ating pinagmulan, ang mga kataga at kuwentong iniukit sa ating isipan at ipamamana natin sa susunod na henerasyong magtataguyod ng ating bayan. At sa panahon kung saan tayo ay napapalibutan ng gulo, hindi pagkakaintindihan, at kawalan ng pag-asa, ngayon higit kailanman ay nagpapakita ng kahalagahan na alalahanin natin kung ano ba ang siyang nagbubuklod sa atin.

Huwag nating hayaang maging abo ang apoy ng ating pananalita. Hangga't may boses na nagtatanggol sa katotohanan at pusong nagmamahal sa bayan, ang Wikang Filipino ay mananatiling buhay, malaya, at walang kapantay.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ!

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Ella Micah Paranis
๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข | Yuri Jin Hernandez



๐—›๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—œ ๐—™๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—”๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—”!๐ŸŒปโœจBukas, ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 1โ€“2 na ang araw na pinakahihintay ng bawat mag-aaral na nasa huling ...
31/07/2026

๐—›๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—œ ๐—™๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—”๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—”!๐ŸŒปโœจ

Bukas, ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 1โ€“2 na ang araw na pinakahihintay ng bawat mag-aaral na nasa huling yugto na ng kanilang sekundarya. Dito maipapamalas na sa loob ng isang silid ang naging sipag sa pag-aaral, puyat sa paghahanda at mga luhang namuhunan sa pangarap na makapasok sa sinisintang "๐”๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ".

Narito ang listahan ng mga kailangang dala-dala ng ating mga UPCAT taker:

1. Test Permit
2. Pencils (No. 2) & Eraser
3. Valid ID
4. Snacks & Water
5. Jacket at Payong

Ang bawat paghahanda, pagsisikap, at pagpapagal ay patunay lamang nang paghubog sa paninindigang maging bahagi ng isang institusyong pinanday ng kahusayan at patuloy na naninindigan para sa bayan.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.

28/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Maki-join sa pasiklaban ng mga atletang basketbolista sa Valenzuela City School of Mathematics and Science nito lamang Sabado kasama ang ating mga IskoLilits.

Isa lamang ang basketball sa mga larong tampok sa "Unit Meet 2026" na isinagawa sa lungsod ng Valenzuela na layong mas paghusayin pa ang kasanayan ng mga atletang mag-aaral at maihanda sa maraming labanan na nais abutin ang entablado ng tagumpay.

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Radio Broadcasting Members ng 'Ang Iskolar'



๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Bilang bahagi ng pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ€“2027, nagsagawa ang Valenzuela City School of Mathem...
28/07/2026

๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Bilang bahagi ng pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ€“2027, nagsagawa ang Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) ng isang Banal na Misa kahapon, Hulyo 27, 2026, sa atrium ng paaralan mula ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga.

Layunin ng gawaing ito na magbigay ng espirituwal na gabay at pagpapala sa mga mag-aaral, lalo na sa mga Grade 12 na naghahanda para sa kanilang nalalapit na College Entrance Tests (CETs).

Bilang bahagi ng programa, binasbasan ang mga lapis at pamburang gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang mga pagsusulit bilang simbolo ng pananampalataya, pag-asa, at kahandaan sa pagharap sa mahahalagang yugto ng kanilang paglalakbay.

Pinangunahan ni Fr. Ramon B**g Sabangan ang misa para sa mga Katolikong mag-aaral. Kasabay nito, isinagawa rin sa VCSMS Collaborative Room ang isang Christian service para sa mga Born-Again Christian sa pangunguna ni Pastor Gideon O. Samson. Samantala, nagsilbi namang lugar ng pagtitipon ang kantina ng paaralan para sa mga mag-aaral na kabilang sa Iglesia ni Cristo (INC).

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Jeanina Dominique Pineda
๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Jeanina Dominique Pineda at Hershey Co
๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข | Jeanina Dominique Pineda



๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| Opisyal nang umarangkada ang Unit Meet 2026 kahapon sa magkahiwalay na playing venues, kung saan sabay-s...
26/07/2026

๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| Opisyal nang umarangkada ang Unit Meet 2026 kahapon sa magkahiwalay na playing venues, kung saan sabay-sabay na ipinamalas ng mga ValMaSci athletes ang husay at disiplina sa iba't ibang kompetisyon.

Sa hardcourt, ipinamalas ng ValMaSci Boys' 3x3 Team ang kanilang mahusay na court chemistry sa pagsagupa sa kanilang mga katunggali.

Hindi rin nagpahuli ang ValMaSci Girls' Volleyball Team, na nagpakawala ng organisadong playing style sa kanilang unang salang sa torneo.

Samantala, patuloy ding nakikipagsabayan ang mga kinatawan ng iba pang sports events sa kani-kanilang disiplina habang dinadala ang karangalan ng 'HUSAY VALMASCI' sa Unit Meet.

Kasalukuyan namang hinihintay ang opisyal na resulta ng iba pang kompetisyon upang mabuo ang kabuoang tala ng mga naging kaganapan sa unang araw ng torneo.

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Bjorn Raphael Banastao
๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Soleil Reyes Alonzo, Shane Victorino, at 'VCSMS Sports Club'
๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข | Lebron Lejano at Reme Dalistan



๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Nagtipon-tipon kahapon, ika-25 ng Hulyo, sa Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci...
26/07/2026

๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Nagtipon-tipon kahapon, ika-25 ng Hulyo, sa Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) ang mga campus journalist upang dumalo sa inisyatibong programa na JournQuest 2026: 'A Free Campus Journalism Caravan' ng Explained PH.

Itinampok sa unang yugto ng caravan ang talakayan na naglalayong ihanda ang mga mag-aaral sa darating na mga press conference sa 2027. Tinalakay sa sesyon ang mga indibidwal at pangkatang kategorya pati na rin ang mga prinsipyo at etika ng community journalism.

Bukod sa sesyon ng talakayan, binigyang-diin sa programa ang pagsasagawa ng makatotohanang balita at paglilinggkod ng tapat sa komunidad.

Bago nagtungo ang mga kalahok sa kani-kanilang nakalaang silid ayon sa kategorya, nagkaroon muna ng palaro na nagsilbing pagkakataon upang mapatibay ang ugnayan ng mga mamamahayag.

Sa sumunod na sesyon, nakilala nila ang mga miyembro at tagapagsalita ng Explained PH sa kani-kanilang kategorya. Nagkaroon din ng malayang talakayan, pagbabahagi ng mga karanasan, at aktibong interaksiyon na nagpalalim sa pagkatuto.

Naging hudyat ito ng pagbubukas ng JournQuest 2026 na naglalayong sanayin at hasain ang kakayahan ng susunod na henerasyon ng mga community journalist.

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง | Majella Atheena Aguila
๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Soleil Reyes Alonzo at Lebron Lejano
๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข | Lebron Lejano



๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ ๐ƒ๐€๐˜!Sa gitna ng unos ng kasinungalingan, paninikil, at mga kuwentong pilit binubura ng pan...
25/07/2026

๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ ๐ƒ๐€๐˜!

Sa gitna ng unos ng kasinungalingan, paninikil, at mga kuwentong pilit binubura ng panahon, sila ang mga bagong ๐ฆ๐š๐ง๐๐ข๐ซ๐ข๐ ๐ฆ๐šโ€”hindi armado ng espada o kalasag, kundi ng panulat, katotohanan, at walang takot na paninindigan.

Hindi kailanman naging madali ang magsulat sa mundong sinusubukang patahimikin ang mga tinig na naghahanap ng hustisya. Ngunit sa bawat balitang may integridad, artikulong gumigising sa k**alayan, larawang nagsisilbing saksi sa katotohanan, at kuwentong nagbibigay-boses sa mga matagal nang hindi naririnig, pinatutunayan nilang ang pamamahayag ay hindi lamang propesyon o tungkulinโ€”isa itong anyo ng paglaban.

Sapagkat ang bawat salitang inilalathala ay maaaring maging mitsa ng pag-unawa. Ang bawat katotohanang isinasapubliko ay maaaring maging simula ng pagbabago. At ang bawat estudyanteng mamamahayag na tumatangging manahimik ay nagpapaalala na hangga't may panulat, may pag-asa; hangga't may katotohanan, may liwanag na patuloy na magbubukas ng mga matang matagal nang ipinikit ng takot at panlilinlang.

Hangga't may mga kabataang pinipiling ipaglaban ang katotohanan, hindi kailanman mamamatay ang malayang pamamahayag. Kaya't buong-pusong pagpupugay sa bawat ๐™จ๐™ฉ๐™ช๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ-๐™Ÿ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ na patuloy na sumusulat, nagtatanong, nagsisiwalat, at lumalaban. Nawa'y manatiling matalas ang inyong panulat, matatag ang inyong paninindigan, at malaya ang inyong tinigโ€”sapagkat sa bawat pahinang inyong isinusulat, kasaysayan ang inyong binubuo.



Address

A. Pablo Street , Malinta
Valenzuela
1440

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Iskolar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category