ALS UGONG

ALS UGONG

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ALS UGONG, School, UGONG, Valenzuela.

26/05/2026

Brigada Eskwela 2026 na.
Ano, tara? β€οΈπŸ’šπŸ’™

Emarily Domondon
Vina Bantaculo
Rome Nikey Paragas Ocampo
Florence Solano-Baes

Photos from ALS UGONG's post 26/05/2026

πŸ“’ PAANYAYA: BRIGADA ESKWELA 2026 SA ALS UGONG! πŸ“š

Iniimbitahan po namin ang lahat ng mga Magulang, Mag-aaral, G**o, mga Opisyales ng Barangay, mga kaibigan, at lahat ng mga Stakeholders na makiisa sa ating darating na Brigada Eskwela 2026! 🀝

Tayo po ay magsama-sama upang linisin, ayusin, at pagandahin ang ating sentro ng pag-aaral bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Ang bawat ambag, tulong, at oras na inyong maibibigay ay napakahalaga para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ang mga maaaring ibigay o ipagkaloob na donasyon ay nakatala sa mga poster sa ibaba.

Dates:
June 1,3,4 & 5, 2026

Time:
8:00 A.M. to 5:00 P.M.

Venue:
ALS 3s Center Ugong
ALS Old Brgy. Hall
ALS Disiplina Village

Dahil sa pagtutulungan, mas nagniningning ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta! πŸ™

#2026 β€οΈπŸ’šπŸ’™

Photos from ALS UGONG's post 25/05/2026

Community Mapping: ALS Brgy. Ugong πŸ“πŸ“š

Noong nakaraang Mayo 18 hanggang 20, 20206; mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, nagsagawa ng masusing Community Mapping ang mga g**o ng ALS mula sa Ugong at Gen.T De Leon, kasama ang mga g**o ng Senior High School. Ang layunin: marating ang bawat purok ng Brgy. Ugong upang hanapin at tukuyin ang mga youth at mga adults na maaaring maging bahagi ng ating programang Alternative Learning System.

Lumabas at umikot ang ating mga g**o, namahagi ng mga flyers, at nagdikit ng mga poster upang maipabatid sa bawat pamilya at residente ang pagkakataong makapag-aral muli. Ang bawat natukoy ay personal na inanyayahan at inengganyong magpatala at magbalik-aral, dahil ang ALS ay naniniwala na hindi pahuli ang lahat para sa kaalaman at pag-unlad.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay nagsimula pa lamang noong ating Courtesy Call at paglalahad ng plano sa pamunuan ng barangay. Dahil sa kanilang mainit na pagtanggap at buong pusong suporta, mas naging maayos at masigla ang isinagawang pagmamapa.

Lubos kaming nagpapasalamat sa ating Kapitana MariCel-Pineda Emperador sa walang-sawang pagtangkilik at paggabay. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating Admin Office sa pangunguna ni Sir Rommel Rafael at Ma’am Abhie Data Matubis sa pagkakaloob ng sasakyan; kay Sir Julius (Property Custodian) sa pagpapahiram ng megaphone; at sa ating Dispatch Team at drayber para sa tulong at serbisyo.

Sama-sama nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon! 🀝✨

21/05/2026

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ”πŸ’, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Declaring Wednesday, 27 May 2026, a Regular Holiday Throughout the Country, in observance of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice)

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/RJdUhv

Photos from ALS UGONG's post 21/05/2026

Courtesy Call | Alternative Learning System-Ugong

Bumisita ang mga g**o ng ALS-Ugong kasama ang EPS II ng Distrito II, Dr. Sara P. Tejada, Ph.D., sa ating Punong Barangay Hon. Maricel Pineda-Emperador.

Inilahad ang ulat at datos ng ALS mula Batch 2024–2025 hanggang 2025–2026. Tinalakay din ang mga kaukulang alalahanin, kahilingan, at mga programa at proyekto para sa darating na Taong Panuruan 2025–2026.

Salamat po sa mainit na pagtanggap at patuloy na pagtulong sa layunin ng ALS na maghatid ng kalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat. πŸ€πŸ’™

07/05/2026

PAALALA…

IMPORTANT ADVISORY πŸ—£οΈπŸ“£

Alinsunod sa Division Memorandum No. 0313, s.2026, WALA pong face-to-face enrollment tuwing Biyernes.

βœ… ONLINE ENROLLMENT lamang po ang tatanggapin

πŸ‘‰ Bisitahin ang aming FB Page para sa proseso.

Salamat sa inyong pang-unawa! πŸ™

01/05/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 π€π«πšπ° 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚! πŸ‡΅πŸ‡­

π‘π‘”π‘Žπ‘¦π‘œπ‘›π‘” π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€, π‘π‘–π‘›π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘›π‘”π‘Žπ‘™π‘Žπ‘› π‘›π‘Žπ‘‘π‘–π‘› π‘Žπ‘›π‘” π‘ π‘–π‘π‘Žπ‘”, π‘‘π‘’π‘‘π‘–π‘˜π‘Žπ‘ π‘¦π‘œπ‘›, π‘Žπ‘‘ π‘˜π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘”π‘Žπ‘› 𝑛𝑔 π‘π‘Žπ‘€π‘Žπ‘‘ π‘ƒπ‘–π‘™π‘–π‘π‘–π‘›π‘œπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘”π‘Žπ‘€π‘Ž.
𝐴𝑛𝑔 π‘–π‘›π‘¦π‘œπ‘›π‘” π‘šπ‘”π‘Ž π‘Žπ‘šπ‘π‘Žπ‘” π‘Žπ‘›π‘” π‘ π‘–π‘¦π‘Žπ‘›π‘” π‘›π‘Žπ‘”π‘π‘Žπ‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘” π‘ π‘Ž π‘Žπ‘‘π‘–π‘›π‘” π‘π‘Žπ‘›π‘ π‘Ž π‘Žπ‘‘ β„Žπ‘’π‘šπ‘’β„Žπ‘’π‘π‘œπ‘” π‘ π‘Ž π‘šπ‘Žπ‘”π‘Žπ‘›π‘‘π‘Žπ‘›π‘” π‘˜π‘–π‘›π‘Žπ‘π‘’π‘˜π‘Žπ‘ π‘Žπ‘› π‘π‘Žπ‘Ÿπ‘Ž π‘ π‘Ž π‘™π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘‘. 🫢🏻πŸ’ͺ

πΌπ‘ π‘Žπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘˜π‘Žπ‘π‘’π‘™π‘’β„Žπ‘Žπ‘› π‘Žπ‘‘ π‘šπ‘Žπ‘ π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘›π‘” π‘π‘Žπ‘”π‘‘π‘–π‘Ÿπ‘–π‘€π‘Žπ‘›π‘”! βœ¨πŸ™

#π΄π‘Ÿπ‘Žπ‘€π‘π‘”π‘€π‘Žπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘”π‘Žπ‘€π‘Ž2026
#π‘†π‘–π‘π‘Žπ‘”π΄π‘‘π‘‡π‘–π‘¦π‘Žπ‘”π‘Ž
#πΎπ‘Žπ‘‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘”π‘Žπ‘›π‘”π‘ƒπ‘–π‘™π‘–π‘π‘–π‘›π‘œ"

27/04/2026

Maligayang Kaarawan, Bb. Emarily Domondon πŸŽ‰

Maraming salamat sa iyong tapat na serbisyo at wagas na dedikasyon sa pagtuturo. Ikaw ay isang tunay na inspirasyon at huwaran sa aming lahat.

Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan at masaganang biyaya. πŸ™πŸ»

β€” ALS Ugong Family β€οΈπŸ’šπŸ’™

Photos from ALS UGONG's post 27/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang Bantay Kalusugan 2026 nitong nagdaang Abril 23 na ginanap sa 3s Center Ugong. Ito ay sa pangunguna ng SDO-Valenzuela at City Governnment ng ating lungsod. Ang layunin nito ay makapagbigay nang libreng Medical checkup at Dental extraction na para sa mga learner ng ALS.

Nagpapasalamat rin ang ALS sa aming Punong Barangay Mari Cel Pineda Emperador sa pagbabahagi ng Lunch packs at tubig para sa mga doctor, nurses, SDO staff, at mga g**o, at kay Kagawad Dela Rosa sa pagbibigay ng pamatid uhaw na softdrinks habang ginaganap ang mission.
Gayundin sa mga staff, Sir Ivan Lintag Cruz, sa pag aasikaso sa mga upuan, tent, at fans; sa Admin Office Sir Rafael sa pag allot ng maayos at maluwag na parking space para sa Van na ginamit sa gawain.

β€œBantayan ang kalusugan, dahil ang malusog na katawan ay susi sa matagumpay na kinabukasan.” β€οΈπŸ’šπŸ’™

27/04/2026

Wishing a happy birthday to our respected Head, Saracheng Pabustan Tejada, Ph.D.
Thank you for being a great leader and mentor to us.
May this year be filled with joy and blessings. β€οΈπŸ’šπŸ’™

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


UGONG
Valenzuela
1440