Paso de Blas Elementary School

Paso de Blas Elementary School

Share

This is the official page of Paso de Blas Elementary School. Every announcements and information for the whole academic school year will be posted here.

Please click the Like button to be updated

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 29/11/2025

‎✨ National Children's Month Celebration ✨

‎“Kaligtasan at Karapatan ng Bawat Bata, Ipaglaban!” ✊🏻

‎In celebration of National Children's Month, the Guidance Office conducted room-to-room short talk titled "Know Your Rights: A Children's Rights Awareness Talk" and a mental health awareness talk titled "It's Okay to Feel: Mental Health and Gender Equality for Kids."

‎The purpose of these activities is to help our learners become more aware of their fundamental rights, empower them to speak up, and create a safe and respectful school environment. These activities also aim to help learners understand their emotions, promote positive mental health, and support equality among all genders.

‎Through these discussions, we hope to guide our students in building empathy, expressing themselves confidently, and contributing to an inclusive school environment. 👧👦🏫

21/10/2025

Paso de Blas Elementary School Joins the Nation in Celebrating The 36th National STATISTIC MONTH this October 2025 with the theme "Accelerating The SDG Pace of Progress: Mobilizing Data for All." Organized by the PHILIPPINE STATISTIC SYSTEM and Spearheaded by the PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY.

10/10/2025

‎Today is World Mental Health Day 💚

‎Let’s remember to be kind to ourselves and to others. Check in on your loved ones, take things one step at a time, and know that it’s okay to ask for help 🤗.

‎"Each day has enough trouble of its own."
‎A gentle reminder to take life one day at a time 😌.

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 11/08/2025

Ang pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at buong komunidad ng Paso De Blas Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa Mercury Drug Foundation sa kanilang bukas-palad na donasyon na ipinagkaloob sa aming paaralan. Malaking tulong po ang inyong ipinagkaloob sa aming mga g**o upang maipagpatuloy namin ang aming bokasyon sa pagtuturo ng maayos at malusog ang aming katawan.

Nawa'y pagpalain pa kayo ng higit ng Maykapal upang mas marami pa kayong matulungan.

Muli po, maraming maraming salamat po Mercury Drug Foundation!

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 11/08/2025

Sa ngalan ng buong pamunuan ng Paso de Blas Elementary School, kami po ay nagpapasalamat sa Valenzuela City Health Office sa ipinagkaloob na parangal sa aming Gulayan sa Paaralan bilang Ikalawang Pwesto (2nd Place) sa School Garden Category sa ginanap na Nutrition Month Celebration noong nakaraang buwan ng Hulyo.

Ang pagkilalang ito ay isang malaking inspirasyon para sa aming paaralan na lalo pang pagbutihin ang aming Gulayan sa Paaralan bilang bahagi ng adbokasiya sa kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral. Nawa'y magpatuloy ang suporta at pagtutulungan para sa isang malusog at masustansyang komunidad para sa lahat.

Maraming salamat din po sa Brgy. Council ng Brgy Paso De Blas na pinangungunahan ni Kapitana Lucy Nolasco sa walang sawang suporta sa aming Gulayan.

Sa mga volunteer parents na pinangungunahan ni Mrs. Carla Agustin sa walang sawang malasakit at pagsuporta sa Gulayan, maraming maraming salamat po😇

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 06/08/2025

Paglilinis at pagtatanim sa aming Gulayan sa Paaralan ng mga Farm Paaralan beneficiaries at ang mga masisipag na parent volunteers.
Maraming maraming salamat po.

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 06/08/2025

Taos-pusong nagpapasalamat ang Paso De Blas Elementary School sa Chamber of Commerce and Industry of Valenzuela Inc. sa pangunguna ng kanilang President na si Sir Apollo Tan sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng mga upuan at mesa para sa aming mga kindergarten learners. Ang inyong donasyon ay malaking tulong sa pagbibigay ng mas maayos at komportableng kapaligiran sa pag-aaral ng aming mga munting mag-aaral.
Nagpapasalamat din po kami sa Brgy Council ng Paso De Blas sa pangunguna ni Kapitana Lucy P. Nolasco na naging instrumento upang maisakatuparan ang donasyon ito. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta sa aming paaralan.

16/07/2025

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐜. 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲!

Mula sa buong pamunuan, g**o, at mag-aaral ng Paso de Blas Elementary School, kami po ay taos-pusong bumabati sa inyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan!

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng kalakasan, karunungan, at malasakit sa inyong makabuluhang paglilingkod sa bayan—lalo na sa sektor ng edukasyon. 💙📚

Mabuhay po kayo, at maligayang kaarawan muli!

Photos from Paso de Blas Elementary School's post 13/06/2025

𝐓𝐚𝐨𝐬-𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐒𝐊 𝐏𝐚𝐬𝐨 𝐝𝐞 𝐁𝐥𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥

Ang pamunuan ng Paso de Blas Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat sa Sangguniang Kabataan ng Paso de Blas at sa Barangay Council sa inyong bukas-palad na pakikiisa at suporta sa isinasagawang Brigada Eskwela 2025.

Ang inyong donasyon ng mga kagamitang panlinis ay hindi lamang tumutugon sa pisikal na pangangailangan ng paaralan, kundi isa ring patunay ng inyong malasakit at malasangbayaning pagtugon sa panawagan para sa ligtas, maayos, at handang kapaligiran para sa mga kabataan.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong pagtulong sa mas marami pang mamamayan upang patuloy tayong magkaisa para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Muli, maraming salamat po.







Photos from Paso de Blas Elementary School's post 13/06/2025

𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐖𝐢𝐬𝐩 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐚𝐬𝐩 𝐂𝐨𝐫𝐩!

Ang buong Paso de Blas Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa Wisp and Wasp Corporation sa kanilang suporta sa Brigada Eskwela 2025!

Maraming salamat po sa inyong ipinagkaloob na mga supplies—isang malaking tulong ito sa paghahanda ng ating paaralan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihang-loob ay tunay na inspirasyon para sa aming lahat. Sama-sama nating isinusulong ang isang ligtas, maayos, at handang paaralan!





Photos from Paso de Blas Elementary School's post 13/06/2025

𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐍𝐞𝐰 𝐒𝐭𝐚𝐫!

Maraming salamat po sa New Star sa inyong taos-pusong suporta sa Brigada Eskwela 2025 ng Paso de Blas Elementary School.

Ang inyong mga donasyong upuan, lamesa, basurahan, timba, walis, at stand fan ay napakalaking tulong para sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating paaralan.

Salamat sa pagtulong sa paghahanda ng mas maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama tayong bumubuo ng mas magandang kinabukasan!





13/06/2025

Ang buong pamunuan ng Paso De Blas Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng lumahok at nakiisa sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2025 na ginanap mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga g**o, magulang, mag-aaral, at volunteers. Gayundin sa Brigada Eskwela Technical Working Group, ang Brgy Council ng Paso De Blas, BFP at BJMP of Valenzuela, at ang Brigada Steering Committee na naging katuwang ng paaralan sa maayos at organisadong pagpapatupad ng mga gawain. Ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan ay tunay na kahanga-hanga.

Hindi rin matatawaran ang naging ambag ng ating mga Stakeholder na nagkaloob ng iba’t ibang kagamitan at materyales na naging mahalagang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ngayong taon ay isang patunay ng ating pagkakaisa, bayanihan, at malasakit para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


P. Santiago Street Paso De Blas
Valenzuela
1442

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm