DepEd AMES-Pedro L. Santiago Elementary School Annex

DepEd AMES-Pedro L. Santiago Elementary School Annex School

Walang Face to Face Classes bukas, Agosto 6, 2026.Mag-ingat ang lahat!
05/08/2026

Walang Face to Face Classes bukas, Agosto 6, 2026.

Mag-ingat ang lahat!

Hi everyone!

Ayan na ang matagal na ninyong inaabangan.
Walang face-to-face classes bukas, Agosto 6. Walang pasok sa lahat ng anatas ng paaralan—mula daycare, kinder, elementary, high school, at kolehiyo. Public at private.

Hindi po ito personal kong desisyon. Kumonsulta po tayo sa ating mga eksperto at sa Disaster Risk Reduction and Management Office. Inaasahan po ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinaigting ng Bagyong Maymay.

Ingat po tayong lahat. Kung hindi naman kailangang lumabas ng bahay, manatili na lamang po muna sa loob. Patuloy po akong nakamonitor sa lagay ng panahon dito sa Valenzuela City, 24/7. Maraming salamat po, at mag-ingat ang lahat.

PAUNAWA SA ATING MGA MAG-AARAL AT MAGULANGAlinsunod sa DepEd Order No. 22, s. 2024, ipinaaabot ng Pedro L. Santiago Elem...
03/08/2026

PAUNAWA SA ATING MGA MAG-AARAL AT MAGULANG
Alinsunod sa DepEd Order No. 22, s. 2024, ipinaaabot ng Pedro L. Santiago Elementary School ang mga paalala hinggil sa pagpasok ng mga mag-aaral sa panahon ng masamang lagay ng panahon at iba pang banta ng sakuna.

Sa oras ng malakas na ulan, pagbaha, o iba pang panganib, ang mga magulang o legal guardians ang may pangunahing pagpapasya kung papapasukin ba ang bata sa paaralan, lalo na kung hindi ligtas ang paglalakbay mula sa inyong lugar.

Uunahin natin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral. Ang mga hindi nakapasok dahil sa weather-related hazards ay bibigyan ng Academic Consideration at pahihintulutang makahabol sa mga hindi nasagawang gawain, aralin, at pagsusulit pagbalik sa klase.

Ang inyong kaligtasan, ang aming prioridad.
Mag-ingat po tayong lahat.

Welcome to your new home, Dr. Ma. Cristina C. Evite! ❤️The entire AMES–Pedro L. Santiago Elementary School Annex family ...
27/07/2026

Welcome to your new home, Dr. Ma. Cristina C. Evite! ❤️

The entire AMES–Pedro L. Santiago Elementary School Annex family is delighted to welcome you as our new School Head.

We are excited to begin this new journey with you and look forward to working together in creating more opportunities for our learners to grow and succeed. Thank you for accepting the responsibility of leading our school.

May you always feel the support, respect, and warmth of the PLSES family.✨❤️

Thank you, Ma'am Mariherseth V. David, for your inspiring leadership, unwavering dedication, and genuine care for our sc...
27/07/2026

Thank you, Ma'am Mariherseth V. David, for your inspiring leadership, unwavering dedication, and genuine care for our school community. As you begin a new chapter in your next school, may God continue to bless and guide you. You will always be a cherished part of the PLSES family. Wishing you continued success! 🌸

OFFICIAL ANNOUNCEMENT 📢Please be informed that our official page name has been updated from "Pedro L. Santiago ...
14/07/2026

OFFICIAL ANNOUNCEMENT 📢

Please be informed that our official page name has been updated from "Pedro L. Santiago Elementary School" to "DepEd AMES-Pedro L. Santiago Elementary School Annex."

This change is made in strict compliance with DepEd Order No. 007, s. 2026, which standardizes the naming conventions of official Department of Education social media pages and platforms nationwide.

Thank you for your continued support. Please follow and share our official page for school announcements and updates.

📢 GABAY SA LEARNING CONTINUITY IN EMERGENCIES 📚🌦️Bilang bahagi ng pagpapatupad ng DepEd Order No. 014, s. 2026, ipinapak...
12/07/2026

📢 GABAY SA LEARNING CONTINUITY IN EMERGENCIES 📚🌦️

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng DepEd Order No. 014, s. 2026, ipinapakilala ng Pedro L. Santiago Elementary School ang ating Learning Continuity Guide upang magsilbing gabay sa mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang stakeholders sa pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng iba't ibang emergency o kalamidad.

Sa pubmat series na ito, matututuhan ang:
✅ 4H Learning Continuity Levels (HAYO, HINAY, HINGA, at HINTO)
✅ Suspension Matrix per Key Stage
✅ Learning Experiences sa bawat antas ng disruption

📌 Paalala sa lahat:

Ang pangunahing batayan ng lahat ng desisyon sa Learning Continuity ay ang:
💙 Kaligtasan
💙 Well-being
💙 Continuity of Learning

Kaya bilang isang school community, mahalagang tayo ay:
✔️ Handa
✔️ Maalam
✔️ Maingat
✔️ Nagtutulungan

Hinihikayat po namin ang lahat na basahin, unawain, at i-share ang pubmat series na ito upang mas marami ang magkaroon ng tamang kaalaman at maging handa sa panahon ng emergency.

Magpakatatag. Mag-ingat. Magpatuloy.
Tuloy ang pagkatuto, ligtas ang lahat. 💙📚






GABAY SA AUTOMATIC CLASS SUSPENSION AT LEARNING CONTINUITYPara sa kaalaman ng ating mga mag-aaral, magulang/guardians, a...
08/07/2026

GABAY SA AUTOMATIC CLASS SUSPENSION AT LEARNING CONTINUITY

Para sa kaalaman ng ating mga mag-aaral, magulang/guardians, at kawani ng paaralan, narito ang updated guide ng Pedro L. Santiago Elementary School kaugnay ng automatic class suspension batay sa Valenzuela City Ordinance No. 1175, s. 2024, Ordinance No. 1052, s. 2022, DepEd Order No. 014, s. 2026, at DepEd Order No. 022, s. 2024.

WALANG PASOK — in-person at online classes kapag may sumusunod na kondisyon sa Valenzuela City:

Typhoon / Bagyo
Signal No. 1, 2, 3, 4, at 5

Heavy Rainfall / Malakas na Pag-ulan
Yellow, Orange, at Red Rainfall Warning

Flood / Baha
May Flood Warning

Earthquake / Lindol
PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale V pataas

Dangerous Heat Index
42°C heat index pataas — walang in-person classes, ngunit maaaring magpatuloy ang online synchronous o asynchronous classes.

Sa panahon ng emergency, mahalaga rin ang learning continuity. Kaya tandaan ang 4H guide:

HAYO – Tuloy ang regular classes kung ligtas ang lahat.
HINAY – May localized adjustments depende sa sitwasyon.
HINGA – Shift muna sa distance o alternative learning delivery.
HINTO – Walang klase at ititigil ang trabaho kapag may automatic suspension.

Paalala rin sa lahat: laging sundin ang opisyal na anunsyo ng DepEd, LGU, at paaralan. Huwag umasa sa haka-haka o unverified posts. Ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at buong komunidad ang pangunahing batayan.

💧 PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGULANG AT MAG-AARAL! 💙Upang mapanatiling malusog, hydrated, at handa sa pagkatuto ang ating ...
06/07/2026

💧 PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGULANG AT MAG-AARAL! 💙

Upang mapanatiling malusog, hydrated, at handa sa pagkatuto ang ating mga mag-aaral, kinakailangang magdala ng sariling lagayan ng tubig (water bottle) araw-araw ang lahat ng mag-aaral ng Pedro L. Santiago Elementary School.

📌 Maaaring mag-refill ng malinis na inuming tubig sa ating Drinking Fountain at School Canteen anumang oras na kinakailangan, alinsunod sa itinakdang alituntunin ng paaralan.

Bakit mahalagang magdala ng sariling water bottle?
✅ Mananatiling hydrated at malusog ang mga mag-aaral.
✅ Makaiinom ng malinis na tubig anumang oras.
✅ Makatutulong sa pagbawas ng paggamit ng single-use plastic.
✅ Maisusulong ang disiplina at responsibilidad sa pangangalaga ng sariling kalusugan.

Paalala:
💦 Magdala ng malinis na water bottle araw-araw.
💦 Lagyan ng pangalan ang inyong lagayan ng tubig.
💦 Siguraduhing malinis at handa itong gamitin bago pumasok sa paaralan.

Hinihiling namin ang buong suporta at pakikiisa ng ating mga magulang upang matiyak na ang bawat batang Pedronian ay may dalang sariling lagayan ng tubig sa araw-araw.

💙 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral!

💧 "Magdala ng Sariling Tubig, Uminom ng Malinis na Tubig, at Manatiling Malusog!"





📢 PAALALA SA LAHAT NG MAGULANG AT MGA MAG-AARAL!Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang ligtas, m...
03/07/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG MAGULANG AT MGA MAG-AARAL!

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang ligtas, maayos, at disiplinadong kapaligiran sa paaralan, ipatutupad ng Pedro L. Santiago Elementary School ang Classroom Pass System simula Hulyo 6, 2026.

Layunin ng sistemang ito na:
✅ Mabantayan ang paglabas at pagbalik ng mga mag-aaral sa oras ng klase.
✅ Matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral.
✅ Mabawasan ang hindi kinakailangang paglabas ng silid-aralan.
✅ Maisulong ang disiplina, responsibilidad, at maayos na pamamahala sa loob ng paaralan.

📌 Tandaan:

Ang Classroom Pass ay gagamitin lamang sa pagpunta sa Comfort Room (CR), pagkuha o pag-refill ng inuming tubig, at iba pang awtorisadong layunin na may pahintulot ng g**o.
Dalawang (2) Classroom Pass lamang ang ibibigay sa bawat silid-aralan.
Ang sinumang mag-aaral na makikitang nasa labas ng silid-aralan nang walang Classroom Pass ay pababalikin sa kanilang silid-aralan ng sinumang teaching o non-teaching personnel.

Hinihiling namin ang pakikiisa at suporta ng ating mga magulang upang maipaliwanag sa ating mga anak ang kahalagahan ng pagsunod sa patakarang ito. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, masisig**o natin ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.

💙 Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan!

📚 WE LEARN, LEAD, AND ACHIEVE!

📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT KAWANI NG PEDRO L. SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOLAlinsunod sa DepEd Order ...
03/07/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGULANG, MAG-AARAL, AT KAWANI NG PEDRO L. SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

Alinsunod sa DepEd Order No. 6, s. 2026 at DM-OUOPS-2026-06-1660, mahigpit na ipinatutupad ng Pedro L. Santiago Elementary School ang Safe and Responsible Internet and Device Use Policy upang mapanatili ang isang ligtas, disiplinado, at angkop na kapaligiran para sa pagkatuto.

📵 Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang portable electronic devices ng mga mag-aaral at kawani sa oras ng pagtuturo, maliban lamang kung ito ay:
✅ Para sa layuning pang-akademiko o pagtuturo;
✅ Pinahihintulutan ng g**o o ng paaralan; o
✅ Kinakailangan sa mga sitwasyong pang-emergency.

Hinihikayat ang lahat ng magulang, g**o, at iba pang stakeholders na makiisa sa pagpapaalala at paggabay sa ating mga mag-aaral upang maging responsable, magalang, at ligtas sa paggamit ng internet at mga digital na kagamitan.

💙 Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at responsableng digital na kapaligiran para sa bawat batang Pedronian.

📚 Be Smart. Be Safe. Be Responsible.
💙 WE LEARN, LEAD, AND ACHIEVE!

Address

3s Center Compound Gen. Luis Road, Paso De Blas
Valenzuela
1442

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd AMES-Pedro L. Santiago Elementary School Annex posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category