02/06/2026
Chikahan sa Tindahan ni Aling Betty.
Marites: Eto na nga ang tsismis........... magsisimula na ....
Tolits: Ang alin?
Marites: Yung ano...........
Tolits: ANG ALIN NGA?????
Marites: Ang ALS Mapulang Lupa Batch 2026 - 2027. Mag eenroll ka ba? LIBRE to kaya wala kang babayaran.
Tolits: OO NAMAN SYEMPRE!
Ang ALS Mapulang Lupa ay iniimbitahan ang lahat para sa Class Orientation for Batch 2026 - 2027. Gaganapin ito sa darating na JUNE 8, 2026 sa 3s Center Mapulang Lupa - Multipurpose Hall, 9am to 12nn.
Sa ating mga magulang/guardian, hinihikayat din po namin kayong dumalo kasama ng ating mga learners upang mas maintindihan ang ating programang ALS.
Para sa mga learners na dadalo, maaari na din dalhin ang ating mga requirements:
1. PSA/ NSO Birthcertificate - photocopy and original
2. School form 9 o mas kilala noon na school card/ School form 10 o mas kilala noon na form 137 (alin man sa mga ito)
Note: kung ikaw ay elementary graduate, maaari na lang dalhin ang inyong photocopy diploma ngunit kung hindi pa graduate ng elementary, yung SF9 or SF10 ang dalhin. At kung wala pa SF9 or SF10 ay maaari naman magrequest sa dating school na pinasukan.
3. Long Clearbook - Any Color or kung wala pa ay BROWN ENVELOP na lang muna ang dalhin.
Magdala din ng sariling black ballpen para sa pagsagot ng enrollment form sa mismong orientation.
Para sa ibang detalye o katanungan, Maaari mo sila ichat sa kanilang FB Messenger:
Als Grace Checa - Old Brgy. Hall Mapulang Lupa Teacher
Als MariaFe de Gula - 3S Center Mapulang Lupa Teacher
Halina't KALearners at mag-aral ng LIBRE sa ALS Mapulang Lupa!